Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Friday, January 18, 2013

THANKSIVING SPEECH: Rev. Msgr. Vicente Amado Bernardo Manlapig, P.C.



Misa ng Pasasalamat
Ika-50 Anibersaryo ng Pagkapari
Rdo. Msgr. Vicente Amado Bernardo Manlapig, P.C.
Parokya ng Mahal na Ina ng Sto. Rosario
Maysan, Valenzuela City

   Sa mga obispong nandito ngayon, Lubhang Kgg. Jose F. Oliveros, Obispo ng Malolos; Lubhang Kgg. Cirilo R. Almario Jr., Obispo Emerito ng Malolos at Lubhang Kgg. Deogracias S. Iñiguez, Jr., Obispo ng Kalookan. Sa mga paring nandidito ngayon at sa mga parokyano mula sa iba't ibang parokya, lalo na ang mga parokyang aking pinaglingkuran. At sa lahat ng sambayanan ng Diyos, isang pinagpalang araw sa inyo.

   Sa limampung taon ng aking pagiging pari, marami po akong kailangang ipagpasalamat sa Diyos. Sa katauhan ng mga pari na naglilingkod sa ating mga parokya, salamat po sa inyong kagandahang loob. At sa mga pagkakataong ito inaalala ko ang mga parokyang kung saan ako'y itinalaga. Noon, una sa parokya ng Barasoain (Malolos City) na ang patrona ay ang Our Lady of Mt. Carmel, assistant ako noon ni Msgr. Pengson, sumalangit na po. Naabutan ko pa rin po doon ang kura na si Msgr. Prudencio Aguinaldo, sumalangit na po. (Sumunod naman po ay sa Polo sa Valenzuela City at sa San Pascual Baylon sa Obando kung saan ako din ay naging assistant.) Noong ako'y maging Kura Paroko na, na-assign ako sa Parokya ni San Miguel Arkanghel sa Dampol, Plaridel. Napakaganda po dahil sa ganitong lugar ko naranasan ang paglilingkod sa mga pangkaraniwang tao. At sa pagpupunyagi, sa awa ng Diyos sila naman ay nagkaroo ng pagkakataon na makamit ang mga pagbabagong kanilang ipainagpapatuloy. Matapos po noon ay nalipat po ako sa San Rafael, at sa mahabang panahon ay duon po ako pinalad na magkaoon ng ordinaryong buhay upang muling makatulong sa mga nangangailangan. At dito nagkaroon sila ng diwa upang magkaroon ng pagmamahal sa Diyos. At matapos noon nalipat naman ako sa Bulakan, Bulakan kung saan ngayo'y kura si Rdo. Msgr. Alberto Suatengco. At noong ako'y madestino dito (sa Maysan, Valenzuela) sa tagal ng panahon at bagamat matanda na ako, lubos akong nagpapasalamat dahil lahat ng pinaglingkuran ko ay nandito ngayon at sa lahat ng mga pinaglingkuran ko sa iba't ibang parokya, maraming salamat sa inyo. At hinihiling ko na sa awa ng Diyos, yumabong ang pananampalataya na inihasik na may buong pagtititwala at pasasalamat. At alam ko na bawat isa sa into ay may bahagi ng kasaysayan na tanging Diyos ang nakakaalam na tayong pinagtagpo ng Diyos upang nararamdaman ay Kanyang pagmamahal. At sa aming gawain ay magkaroon ng ugnayan upang magkaisa tayo bilang isang pamilya at isang pamayanan. Ang parokya ay komunidad at pinagmumulan ng ugnayan na higit pa sa kung anumang proyekto o programa na siya nating nakita ang pagsulong ng buhay. Sa aking pananaw, ang mga proyekto at programang iyon ay pagkakataon lamang na tayo'y pakapaugnay-ugnay.

   At sa ating pagkakaisang ito, nagiging isa itong pag-akay sa Panginoong Jesu-Kristo, Iyon po ang higit na mabunga. Bakit tayo ay nagkakaroon ng iba't ibang bagay na ganito ganyan. Pero yun po ay instrumento lang upang tayo ay mamuo, bumuo ng ating ugnayan.

   Kaya sana ipagpatuloy natin at kung sinuman ang italaga dito ng obispo (sa parokyang ito) para ipagpatuloy sa mga gawain, tanggapin mo ng may buong puso, nang may paggalang at higit sa lahat nang may pagmamahal. Kamtin na siya'y sugo ng obispo para sa kanyang sambayanan at bilang kura, sila'y gabayan sa mahabagang paglalakbay.

   Sa huli, napakaganda po (na isipin ang mga parokyang aking pinaglingkuran): una'y sa Barasoain, Birhen del Karmen, sunod naman ay San Diego de Alcala (Polo, Valenzuela), tapos San Miguel Arkanghel (Dampol, Plaridel), kasunod naman ay San Juan de Dios (San Rafael), tapos Maria Assumpta (Bulakan, Bulakan) at sa huli'y Birhen ng Sto. Rosario (Maysan, Valenzuela). Nakita ko po dito yung paggabay ng Mahal na Ina, sapagkat doon ko naramdaman ang pagtulong ng Diyos, sa pamamatnubay sa akin ng kahit hindi ko siya nakikita, naroon ang kanyang pagdamay. Sapagkat nandyan palagi ang Diyos na patuloy na gumagabay sa atin upang tayo'y maging kaisa niya. Iyon po ang aking pagbati. Salamat po!

No comments:

Post a Comment