Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Friday, January 11, 2013

PAGKILALA/TRIBUTE: BAYANG LEVITICO: Isang Pagkilala sa Mga Paring Anak-Hagonoy (Vol. 1, Issue 4, December, 2012)




Ano ba ang Bayang Levitico?

     Ang Bayang Levitico: Isang Pagkilala sa mga Paring Anak-Hagonoy ay isang natatanging bahagi ng pahayagang ito na naglalayon na magbigay ng panig para sa mga paring anak-Hagonoy. Gusto nitong bigyang-pansin ang natatanging pamanang kalinangan ng Simbahan na nagmula sa bokasyon ng mga paring anak-Hagonoy na naging dahilan kung bakit tinawag ang bayan sa katawagang Bayang Levitico.

     Bawat quarter magbibigay ng tuon ang bawat bahagi ukol sa buhay ng apat (4) na mga pari. Sila ay mga totoong Catholic Hagonoeño na nabuhay, tinawag at nahubog upang sundan ang mga yapak ni Kristo sa pagiging pari para sa Simbahan. Dito lubos nating tuklasin ang ganda at biyaya ng buhay-pari sa pagbabahagi ng ating mga kababayang inordenahan sa pagkapari ni Kristo. 

Mga Paring Anak-Hagonoy 
Vol. I., Issue 4, December 2012

Rdo. Msgr. Ranilo Santos Trillana, P.C.
Sta. Monica, Hagonoy

Rdo. P. Ronald Cruz Ortega
Sta. Monica, Hagonoy

Rdo. P. Virgilio Mangahas Cruz
San Jose, Hagonoy

Rdo. P. Vicente Burayag Lina, Jr.
Sto. Niño, Hagonoy





1.) Ano o anu-ano po ang nakaimpluwensya sa inyo upang magpari?

- Marami ang nakaimpluwensya sa akin upang maging pari. Una, ang aking mga magulang at ang aking mga lolo't lola. Tapos naaalala ko sinasabi ko din ay yung pagkain, kasi kapag nagmimisa ang pari noon sa may amin, dun sila sa bahay namin kumakain. Masarap ang pagkain kapag sila ang dumadating sa amin, kaya sabi ko sa sarili ko, “Aba, masarap pala maging pari.” Kaya noon natuwa ako at nagustuhan kong maging pari. Tapos noong nag-aaral pa ako sa St. Anne's, yung mga RVM sisters, sila ang nagdala sa akin, naghikayat sa akin upang mag-entrance exam sa seminaryo. Mga anim (6) kami noon at matapos noong ay pumasok kaming lahat sa seminaryo.


2.) Ano o anu-ano pong mga pampamilyang tradisyon o tradisyunal na debosyon ang nakatulong upang mas umunlad ang inyong bokasyon?

- Sa pamilya namin, maalala ko kapag alas sais ng gabi, ang pagdarasal ng orasyon at kapag gabing-gabi na ay iyong rosaryo, gabi-gabi iyon.

3.) Ano po ba ang naitulong ng inyong pinagmulang parokya (para sa mga lumaki sa Hagonoy) o komunidad sa Hagonoy (para sa mga sandali lang nanatili sa Hagonoy) sa pagpapalakas ng inyong pagnanais para sa paglilingkod sa pagpapari?

- Siyempre naman kasama sila sapagkat sila ang nakatulong sa akin kapag nag-rereport kami sa Kura Paroko at ang paghuhubog sa amin sa liturhiya sa pamamagitan ng paglilingkod sa altar. Kasama sila sa mga lubos na nakatulong, lalo na si Msgr. Aguinaldo na Kura namin noon sapagkat matulungin siya sa mga seminarista.

4.) Ano pong mensahe ang nais ninyong ibigay sa mga tumatangkilik sa pahayagang ito upang mas yumabong ang bokasyong Katoliko lalo na sa pagpapari?

- Maganda na tuklasin ng ating mga kabataan ngayon ang tawag na ibinigay sa kanila. Alamin nila kung ano ang hangad ng Diyos para sa kanila. Walang masama kung kanilang susubukan kasi dun malalaman kung yung isang tawag ay authentic o tunay ang pagtawag ng Diyos sa kanila. Paano mo nga naman malalaman kung hindi mo sinusubukan? Kaya, sana huwag matakot ang ating kabataan ngayon, palakasin nila ang mga loob nila at sumubok, sapagkat doon nila malalaman ang kaloob ng Diyos sa kanila kung gusto nilang magpari o magmadre.


1. Ano o anu-ano ang nakaimpluwensya sa inyo upang magpari?

- Nagsimula ito noong 1977 pagkatapos ko na mag-aral ng elementarya sa isang public school. Ginusto ko noon na mag-aral sa maynila kasi alam kong maganda doong mag-aral. Kaso nga lang magulo noong panahon kasi Martial Law noon. Noon dalawa sa mga kamag-anak ko ang nag-aral na sa seminary minor (ICS) dito sa Bulakan. Kaya naman sinubukan ko na pumasok ng seminary. Mula sa panahon na iyon, sa pagninilay ko ukol dito ngayon, siguro ito ang gudto ng Diyos. Para kasi ako yung tinawag ni Felipe (pagtawag kay Felipe ni Nathaniel – Jn. 1:47 – 50) upang pumunta at tignan [si Kristo]. Sinubukan ko na pumasok at hindi ko alam kung paano ako nakapasok at nagkaroon kami ng interview. Si Padre (ngayo’y Msgr.) Epitacio Castro ang nag-interview sa akin at ang tanong lang niya sa akin ay, “Bakit gusto mong maging pari?” Sabi ko naman, “Gusto ko pong iligtas ang mundo.” It is a proud answer, but up to this time I have come to know how to do it.

- Kaya ang pagpasok ko sa seminary [kung tutuusin] ay nagmula sa [simpleng] pang-aaya. Lalo pa’t mahilig ako sa basketbol kaya nagustuhan ko ang court sa seminary. Siguro nagsimula iyon doon, mga attractions, pero umalis din ako. Nandoon pa din kasi yung pangarap ko na mag-aral sa maynila. I took up Commerce at the University of Santo Tomas (UST). At noon meron naman akong dalawang kaklase sa ICS, tumuloy naman sa UST seminary. Nagkikita kami noon sa pagpunta ko sa seminary at doon ko nasimulang ma-miss yung lugar. Na-homesick ako kfor the seminary. Kaya noong second semester ng unang taon ko sa kursong Commerce, pumasok sa isip ko, “This is not a place [for me].” Kaya lumapit ako kay Bishop Almario, then Bishop of Malolos, kung pwede niya ako i-recommend sa UST seminary kasi na dun na lang din ako. He very much welcomed me ang gave me my recommendation sa ikalawang taon ko sa UST, nasa loob na ako ng seminary.

- Dun sa dalawa kong kaklase, yung isa lumabas at yung isa naman ay lumipat ng San Jose Seminary. Kaya ako na lang ang natira doon mag-isa, pero meron nang mga Bulakenyo noon sa UST. Mga Obispo noon ang nagpapadala ng mga seminarista sa UST kaya I felt “lucky” to be in UST. Nagtagal ako sa UST ng tatlong taon, sa pag-aaral ng pilosopiya. Noong papasok ako ng teolohiya, sinuguro ko muna na handa na talaga ako, kaya nag-file muna ako for regency. Ginusto kong maging “certain” kung ano mangyayari sa susunod na taon, kaya umalis muna ako for one semester. Noong bumalik ako, noon kami nagkasama ni Msgr. Rannie Trillana at kaya kami ang naging magkaklase – barkada kami. Batch ’85 kami ni Msgr. Rannie at sinabi ni Bishop Alamario na ordenahan na kaming sabay noong March 7, pinapakuha pa ako noon ng Canon Law kaya pagod n pagod ako noon, may klase pa ako tapos oordenahan na ako that day. Pero kahit ganoon natuwa ako dahil iyon ang ordenasyon sa Hagonoy na may pinakamaraming pumuntang mga paring taga – Hagonoy.

2. Ano po ang mga pampamilyang tradisyon o tradisyunal na gawain ana nagpalakas sa inyong bokasyon bilang pari?

- Kung family devotion, it is the devotion of the family to you. Yung suportang ibinibigay sayo ay iba pa sa ordinaryong sinasabi na “family devotion” ay yung debosyon mo sa isang santo. Para sa akin ang naging mahalaga ay yung suportang ipinakita nila sa akin. Yung nanay ko noon kasama ko sa Makinabang [Baliwag] at siya noon ang asst. parish priest ko! Wala talaga akong kasama kasi wala akong assistant dahil maliit lang yung parokya.

- Noong lumipat ako sa Targos (Baliwag), namatay yung nanay ko kaya tatay ko naman ang nakasama ko. Noong na-assign naman ako sa Virgen delas Flores (Baliwag) mag-isa na lang ako kasi pumunta munang Amerika yung tatay ko. Kaya noon I had the time to reflect, to think, to plan and be myself. When it is time to be skilent, then it is time to listen. You will see the letters that make up LISTEN are also the ones in SILENT. As far as prayer life is concerned, iyun ang mahalaga. Ito yung pagsisimukla mo ng araw mo ng sinasabi mo “Lord, thank you. Kahit inaantok, ginigising mo ako.” Kaya napakahalaga ng dasal kasi dun papasok ang isang tanong sa buhay mo bilang pari – “Kailian mo nararamdaman na pari ka?” It is when you do things, not doing it on your way, both all among God to do it His way. Kagaya ng sa sick call, merong tumawag sa akin noon, mga hirdl sakop ng Parokya ko noon sa Tangos. But I went there, because God called me because they needed me to be there. Kaya sa mga pagkakataong iyon, itinataglalik ko ang mga maliliit na bagay na sa ganitong mga pagkakataon nakikita ng mga tao na pari ako.

3.Ano ang kinalaman ng Parokya o komunidad na kinakalakihan sa pagpapatibay ng inyong bokasyon?

- Sa Hagonoy, iyon nga naging impluwensya ang napakaraming pari, At mas naransan ko ito hindi bilang isang seminarista ngunit noong ako’y pari na, Nagkaroon ng pagkakataon, nagbakasyon ako ng isang taon at mattach ako sa Parokya ko sa Hagonoy (Sta. Ana). Doon kasama ako nakikihati sa schedule ng misa kina Fr. Rey Mutuc na kura doon noon. Dito ko nakita ang kahalagahan ng pag-aalaga mo sa kapwa pari kasi pati mga matatandang paring taga-Hagonoy ay kasama naming, Kaya naman noong nandto na ako sa Malhacan, Nakasama ko dito si Fr. Irereo “Rene” Empay, siya’y retirado. Masasabi kong I am “Lucky” to have him here sa Parokya at binibigyan ko siya ng mga schedule sapagkat mahalaga sa isang pari ang gumanap sa misa. Nakatutuwa kasi noon si P. Rene ay asst. paris ako dito priest sa Hagonoy noong seminarista pa ako at ngayon retirado siyang pari na kasama ako dito sa Parokya.

4. Ano ang mensahe ang maibibigay mo para sa mga kabataan sa pagpapalakas ng bokayon?

- Sa internet kasi, sa pag-uupdate at pagbibigay impluwensya, natututo ka kapag ikaw ay nakahands-on. Yung hands-on sa lagay ng isang istorya ay yung nakita yung realidad na nakikita from the computer screen. Kaya yung pagiging hands-on, doon makikita yung pagpasok ng isang kabataan para sabihing “Ano ba ito?” Tulad ng kasysayan ng bokasyon ko, kahit basketbol ang naging hilig ko, pumapasok ang istorya sa lebel na “there is something more”. Kasi when you open a door, it leads to open another door. It’s only on the matter of a person opening. Kaya naman magsimulka kayo sa pagbubukas kahit sa pinaka simpleng pamamaraan at doon mo matutunan ang halaga ng bokasyon, ang halaga ng paglilikod sa Diyos.



1.) Ano o anu-ano po ang nakaimpluwensya sa inyo upang magpari?

- Una, ang eskwelahan dahil sa St. Anne's noon, hinayaan kaming maging mga sakristan. Kaya naman nag-aspire kami na pumasok sa seminaryo. Pero noong una pagpasok pa lamang ang inisip ko at hindi pa talaga magpari. Sa seminaryo, naging masaya ang buhay ko pero yung pagpapari pumasok lamang sa aking kalooban, siguro noong matapos ko ang aking regency at noong ako'y pumasok na nang ikalawang antas sa teolohiya. Late bloomer kasi ako noon, na pumasok sa seminayo para lang makapagseminaryo. Pero ang desisyon ko na magpari ay nandoon na sa panahon na ako'y nasa Spiritual – Pastoral Formation Year na.

2.) Ano o anu-ano pong mga pampamilyang tradisyon o tradisyunal na debosyon ang nakatulong upang mas umunlad ang inyong bokasyon?

- Sa mga naaalala ko, nandun yung mga iba't ibang pagdiriwang tulad ng Pasko at Bagong Taon. Yung panahon na iyon, naglilingkod kaming mga seminarista sa altar. Kahit tuwing Biyernes Santo, magkakasama kami at mayroong mga pamilya na nagsisilbing host kung saan kami'y makakakain. Binabalikan ko iyong mga iyon kahit ako'y halos 30 taon nang pari. Iyong talagang mga pagdiriwang na iyon ng liturhiya at ang mga pag-sasama-sama noong ang bumubuo ng mga relationship sa bawa't isa sa amin.

3.) Ano po ba ang naitulong ng inyong pinagmulang parokya (para sa mga lumaki sa Hagonoy) o komunidad sa Hagonoy (para sa mga sandali lang nanatili sa Hagonoy) sa pagpapalakas ng inyong pagnanais para sa paglilingkod sa pagpapari?

- Noon sa parokya, naging huwaran naming mga seminarista si P. Ireneo Empay na noon ay katuwang na pari sa parokya. Kami noong mga seminarista at mga sakristan ay inaalagaan ni P. Empay. Inaamin ko na ngayon at ako'y pari, hindi ko nagagawa na makipag-usap sa mga sakristan ngayon kahit para sa akin, iyon ay isang magandang gawain. Si Msgr. Aguinaldo naman na kura namin noon ay hindi siguro nakakasama namin sapagkat marami siyang ginagawa. Pero noong oordenahan naman na kami, madalas siyang nandyan upang tignan ang kalagayan namin at nagkaoras na siya. Kaya sa tingin ko dahil nga marami siyang ginagawa noon, ipinagkatiwala kami ni Msgr. Aguinaldo sa mga parochial vicar kaya noong mga panahon na iyon, mas malapit kami sa mga parochial vicar namin. Kahit sa mga regalo noong kapag pasko, ang nagbibigay noon ng mga regalo sa amin ay mga parochial vicar din. Kaya naman ganoon ay dahil nga marami siyang ginagawa, kaya noon mas naging bahagi ng buhay ko ang parochial vicar.

4.) Ano pong mensahe ang nais ninyong ibigay sa mga tumatangkilik sa pahayagang ito upang mas yumabong ang bokasyong Katoliko lalo na sa pagpapari?

- Una, be happy - dahil hindi ka pwedeng maging isang kontentong Katoliko-Kristiyano kung hindi ka masaya sa buhay mo. Pangalawa, find your passion – upang hindi mo maramdaman na nagtratrabaho ka sa buhay mo, at iyon ang naririnig ko sa marami mga tao sa mga panahon ngayon. Hanapin mo kung ano ang laman ng puso mo at doon mo ituon ang sarili mo. Pangatlo, sana bigyang konsiderasyon ang bokasyon – bokasyon sa paglilingkod sa Simbahan, bokasyon sa pagmamahal kay Kristo, bokasyon sa pagpapari. Sa huli, be in love with Christ – bilang mga kabataan, maganda na kailangan magkaroon tayo ng ugnayan sa ating Panginoon kasi sa pamamagitan noon, hindi kayo mawawala.


1.) Ano o anu-ano po ang nakaimpluwensya sa inyo upang magpari?

- Una sa lahat ay iyong pamilya, kasi ang pamilya pinanggalingan ko ay isang “family at prayer.” “We were trained to pray with the family. Yung grandparents ko, they are all religious people dahil sa kanilang debosyon sa Mahal na Birhen at kay Sta. Ana ay ganoon na laang. Meron akong lolo, kapatid siya ng lola ko, na pari, si P. Arsenio Nicdao, naging Kura Paroko diyan sa Sta. Ana.

2.) Ano o anu-ano pong mga pampamilyang tradisyon o tradisyunal na debosyon ang nakatulong upang mas umunlad ang inyong bokasyon?

- Simula noon at hanggang sa ako'y naging pari mas malakas ang aking debosyon sa ating Panginoon, sa aking pag-aalay ng Banal na Misa. Yun ay iniaalay ko sa lahat ng tao, ngunit natitiyak ko na ang misang aking ginagawa ay may biyayang ibinibigay sa akin lagi ang Panginoong Diyos. Kaya nga mayroong bahagi ng misa na kung saan binabanggit (ang mga intensyon) para sa paring nagmimisa, at mayroon naman na para sa lahat. Iyon ay isang napakalaking biyaya para sa isang pari.

- Ang debosyon ko sa Mahal na Birhen ang masaabi kong aking personal na debosyon. Yun rin ang isang bagay na laging nagpapalakas sa akin. Maging ang prayer life ko ay lumalakas dahil sa Mahal na Birhen. Kahit napakaraming kong ginagawa, naging bahagi na ng pagkatao ko ang prayer life. Kaya nga malalaman ng isang pari na hindi maganda ang takbo ng buhay niya kung hindi rin maganda ang prayer life niya.

3.) Ano po ba ang naitulong ng inyong pinagmulang parokya (para sa mga lumaki sa Hagonoy) o komunidad sa Hagonoy (para sa mga sandali lang nanatili sa Hagonoy) sa pagpapalakas ng inyong pagnanais para sa paglilingkod sa pagpapari?

- Sa Sta. Ana kasi, kapag alam nila na ang isa nilang kababayan ay magpapari, ipinagdarasal nila ang kanilang seminarista, especially during my time. Tinutulungan nila ang kanilang seminarista. E, yung mga tumutulong na iyon ay wala na ngayong (sapagkat sila'y namayapa na), hindi ko lang alam ngayon kung meron pa. Sapagkat noong ako'y seminarista pa, mayroong mga tumutulong sa akin, hindi ako ang nanghingi ng tulong. Ganoon na lamang sila sa pagpapahalaga sa kanilang seminarista. Yung tipo na sa pagkakataon na makasalubong ang isa kanila sasabihin nila, “O, ikaw yung ating seminarista, o eto pandagdag sa gastusin mo.” Maraming ganoon noon, lalo na sa palengke, makasalubong ka lang bibigyan ka ng kailangan mo. Hindi lang ang mga may kayang tao ang nagbibigay doon, pati mga ordinaryong tao. Ganoon ka-supportive ang mga taga-Hagonoy sa mga nagpapari. At makikita mo yan lalo na kapag pari na ang isang seminarista, kung paano mahal ng mga taga-Hagonoy ang kanilang kura.

4.) Ano pong mensahe ang nais ninyong ibigay sa mga tumatangkilik sa pahayagang ito upang mas yumabong ang bokasyong Katoliko lalo na sa pagpapari?

- Una ay panalangin, kasi kahit hindi ka man maging pari o maging madre, e nananalangin ka. Iyan ay hindi dapat nawawala sa ating buhay. At ito ay nagsisimula sa ating sariling pamilya. Sapagkat ang pinakamainam na naghubog sa aking upang maging pari ay ang aking pamilya, saka palang ang Simbahan at ang seminaryo. Kasi, isipin mo ang pinakamatagal na bilang taon mo sa seminaryo ay sampung taon. Ang pamilya naman, hinubog ka na simula noong ipinanganak ka mula sa sinapupunan ng inyong ina. Doon pa lang ay hinuhubog ka na. Kasunod naman noon ang environment na kinalakihan mo, tapos yun pa lang paghubog mo sa seminaryo.

- Sa seminaryo, ang iyong mga kapatid na magpapari at pari na kapag naordenahan na kayo ang siya ding tutulong, aagapay at magpapalakas sa inyo. Hindi kasi lahat ng pari ay may mga kaibigang kapwa-pari. Ako marami akong kaibigang kapwa-pari, kaya sila ang nagsisilbing peer group ko na pawang extended family ko sapagkat nakikita ko ang concern nila sa akin.

- Kaya naman ang naging bunga ng aking pagkapari at ang lahat ng akin ay biyaya lahat ng Diyos. Kasi kung hindi man ako naging pari, naging doktor sana ako, o kaya'y artist o kahit negosyante na malapit sa Simbahan. Ang mahalaga sa puntong ito'y kahit saan ka mapunta, kailangan malapit ka sa Simbahan upang mapunta ka sa mabuti.


Page 2 of 4
Please press Older Posts for Page 3.

No comments:

Post a Comment