This is a photo essay in honor of Rev. Msgr. Vicente Amado Bernardo Manlapig, P.C. who has celebrated his 50th anniversary as a priest, a servant of our Lord Jesus Christ. Msgr. Manlapig celebrated his Golden Jubilee as a priest at his parish, Our Lady of the Holy Rosary Parish in Maysan, Valenzuela City. The celebration was held together with three bishops: Most Rev. Jose F. Oliveros, D.D., Bishop of Malolos; Most Rev. Cirilo R. Almario, Jr., D.D., Bishop Emeritius of Malolos and Most Rev. Deogracias S. Iñiguez, Jr., D.D., Bishop of Kalookan and also with priests of the Diocese of Malolos. Lay leaders and other people from the different parishes Msgr. Manlapig has served were also in the celebration.
Photo Courtesy: Atty. Encebrin Javier-Inanuran and Elizabeth Javier-Magturo (Parish of Our Lady of the Holy Rosary - Maysan, Valenzuela City)
Ang Lubhang Kgg. Jose F. Oliveros, D.D., Obispo ng Malolos kasama ni Lubhang Kgg. Deogracias S. Iñiguez, Jr., D.D., Obispo ng Kalookan.
|
Si Obispo Iñiguez na nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa pagkapari ni Msgr. Teng.
|
Si Msgr. Manlapig habang tinatanggap ang mga alay sa Banal na Misa.
|
Si Msgr. Manlapig sa pagbigay niya ng mensahe ng pasasalamat.
|
Ang pagtawag ng Kura Paroko, Msgr. Manlapig sa Obispo ng Malolos para sa paggawad ng bendisyon Apostolika na may indulhensya plenarya.
|
Ang Lubhang Kgg. Jose Francisco Oliveros, D.D. na nagbigay ng Bendisyon Apostolika na may kasamang Indulhensya Plenarya na iginawad sa kanya ng Santo Papa, Benedicto XVI para sa lahat ng pagtitipon ng Sambayanan ng Diyos sa loob ng pagdiriwang ng Taon ng Ginintuang Jubileo ng Diyosesis ng Malolos.
|
The presider, Rev. Msgr. Vicente Amado Bernardo Manlapig, P.C. together with the three bishops: Bishops Oliveros, Almario and Iñiguez and priests from the Malolos clergy.
|
Si Msgr. Manlapig kasama ang mga kamag-anak, kaibigan at mga laykong kasamahan mula sa iba't ibang parokya.
|
Ang mga mananampalataya na nagmamano sa Golden Jubilarian, si Rdo. Msgr. Vicente Amado Bernardo Manlapig.
|
Si Msgr. Manlapig habang nasa reception para sa lahat ng mga panauhin sa Plaza Sofia malapit sa simbahang parokya ng Mahal na Ina ng Sto. Rosario sa Maysan, Valenzuela kung saan siya ang nasa cilia de honor.
|
Ang larawan ni Msgr. Manlapig na nakaupo sa reception hall ng Plaza Sofia sa Valenzuela City. Kapansin-pansin ang mga imahen na yari sa paper mache sa likod ng upuan tulad ng imahen ng Birhen ng Sto. Rosario na nagsisimbolo sa parokyang kanyang pinanggalingan.
|
Si Msgr. Manlapig kasama ang kanyang mga kamag-anaka lalo na si Icasiano, ang kanyang nag-iisang kapatid (kanan) na bunso sa tatlong magkapatid na Manlapig (namayapa na ang panganay na kapatid na isang Kapitan ng barko).
|
Si Msgr. Manlapig at ang miyembro ng Parish Pastoral Council ng Parokya ng Sto. Rosario sa Maysan, Valenzuela City. Kapansin-pansin dito ang taga-kuha ng larawan na si Atty. Encebrin Javier-Inanuran (nakaupo sa tabi ni Msgr. Manlapig).
|
Si Msgr. Manlapig kasama ang mga kasapi ng Sta. Monica Sub-Pastoral Council ng Visita ni Sta. Monica ng Hippo sa Sta. Monica, Hagonoy na sakop ng Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana. Kapansin-pansin si Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban, patnugot ng pahayagang ito sa kaliwa ng larawan (nakaputi, pangalawa sa una mula kaliwa).
|
Si Msgr. Manlapig na hinaranahan ng koro bilang pagpaparangal sa kanyang anibersaryo bilang isang pari.
|
No comments:
Post a Comment