Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Friday, January 11, 2013

PAGKILALA/TRIBUTE: GNG. TERESITA RAYMUNDO-CRUZ, La Croce Pro Ecclessia e Pontifice Awardee: Isang Pagkilala



Isang akda ng pagkilala kay Gng. Teresita Raymundo Cruz mula sa Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario sa Sto. Rosario, Hagonoy, Bulakan. Pinarangalan siya ng Inang Simbahan ng medalyang La Croce Pro Ecclesia e Pontifice (The Cross for the Church and the Pontiff) ni Papa Benedikto XVI na iginawad sa kanya kasama ang iba pang mga laykong lingkod ng Diyosesis ng Malolos. Ginanap ang nasabing paggawad noong ika-4 ng Disyembre, 2012 sa Parokya ng Inmaculada Concepcion – Katedral at Basilika Minore, Lungsod ng Malolos.

   Si Gng. Teresita Raymundo Cruz ay tubong Sta.Cruz, Hagonoy Bulakan. Ipinanganak noong Disyembre 10,1934 bilang pangalawang anak nina G. Victoriano Raymundo at Gng. Pelagia Santos, mga pamilyang kilala rin na malapit sa Diyos. Sa katunayan si G. Victoriano Raymundo ang naging unang Hermano Mayor ng kapistahan noo'y bagong tatag na parokya para sa Nuestra Señora del Santissimo Rosario 60 taon na ang nakakraan.

    Nagtapos siya ng elementarya sa Hagonoy East Central School sa kabayanan ng Hagonoy. Sa Immaculata Academy ng Malolos naman siya nagtapos ng kanyang sekundarya. Kumuha siya ng kursong BS Pharmacy sa University of Sto. Tomas, Maynila. Nakaisang dibdib niya si Dr. Lamberto Cruz at biniyayaan ng apat na supling (dalawang lalake at dalawang babae) Naging lingkod bayan din siya noong 1989 nang siya ay manalong halal bilang isang konsehal ng Hagonoy.

    Si Gng. Cruz o kilala sa tawag na Nana Ita ay kilalang deboto ng Mahal na Birheng Maria. Patunay dito ang mga ga-taong laki ng mga mga imahen na nakalagak sa kanilang tahanan.Kilalang kilala din bilang isang camarera sa kanyang lugar, dahil isa siya sa may dami ng bilang ng mga imahen na ipinuprusisyon taun-taon. Ipinagpatuloy pa din niya ang kanyang malalim na pagdedebosyon sa Mahal na Ina sa pamamagitan ng pagsisimba araw- araw, pagdarasal ng orasyon at rosaryo at palagiang pagnonobena. At buong kagalakang kanyang ipinahihiram ang ang kanyang mga imahen sa oras na ito'y kailanganin ng parokya. Buhat ang ganitong pag-uugali sa kanyang mga magulang at mga tiyahin na siyang nagmulat sa kanya upang maging malapit sa Diyos dahil sa nakagisnan na niyang pagdedebosyon ng mga ito. Mula nang siya ay bata pa nagsimula na siyang magdebosyon sa Mahal na Ina, at ang mga pagsubok at tagumpay ang nagbigay inspirasyon sa kanya upang lalong mapalapit sa Diyos.
    Bukod dito, kilala din siya bilang isa sa mga naging haligi sa pagsisimula ng adhikain upang maging Pambansang Dambana ang Parokya ni Sta. Ana. Buong tiyaga silang naglakbay sa malalayong lugar upang mangalap ng pondo at ng mga deboto. Katuwang niya ang ilang lingkod sa Parokya ni Sta. Ana kabilang na dito si Gng. Siongson. Siya rin ay naging camarera ng antigong imahen nina Sta. Ana at Niña Maria na makikita ngayon sa retablo mayor ng simbahan.

Ang medalyang krus ng Pro
Ecclesia e Pontifice
na may
mga imahen nina San Pablo
at San Pedro.
   Kaya naman sa buhat ng kanyang mga naging pag-aapostolado, pananalangin at paglilingkod, minarapat ng Inang Simbahan na siya ay parangalan. Ngayon siya'y mapalad na napabilang sa hanay ng mga pinagpala ng isang natatanging parangal, ang La Croce Pro Ecclesia e Pontifice (The Cross for the Church and the Pontiff) na iginagawad ng Santo Papa, Benedikto XVI. Kaya naman buong galak, hindi lamang ng kanyang pamilya kundi pati na din ang buong parokyang kanyang pinaglilingkuran ang pagpaparangal na ito.

    Ipinaabot ni Gng.Teresita ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng sumusuporta at sa pagpili sa kanya upang gawaran ng natatanging parangal na ito.

No comments:

Post a Comment