by: Joanna Marie S. Buensuceso
Parokya ni San Juan Bautista
Isang
kabataang martir buhat ng kanyang pagtatanggol sa kanyang
pananampalataya sa Diyos ang ating si San Pedro Calungsod. Isang
kabataang sakristan at katekistang nagmula sa kabisayaan ang sumama
sa misyon sa Guam kasama ang paring Heswita na si Beato Diego Luis de
San Vitores noong taong 1672. Doon nila ipinalaganap ang
Kristiyanismo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sakramento at
pagtuturo ng katesismo sa mga katutubong Chamorro. Dahil dito, marami
sa mga katutubong ito ang naging binyagang Katoliko. Ngunti dahil sa
mga maling paratang sa dalawang misyonero, sila ay kinitlan ng buhay
sa tabi ng dalampasigan at itinapon sa dagat. Taong 2000, dahil
pagsisikap na mailakad si Pedro Calungsod upang makasama sa hanay ng
mga banal ng mga paring Heswita at ng Arkidiyosesis ng Cebu,
itinanghal siya bilang isang Beato o “pinagpala” at hindi
nagtagal ay itinanghal siya bilang isang Santo na ginanap noong
ika-21 ng Oktubre taong kasalukuyan sa Vatican sa Roma.
Ang pagbisita ng Pambansang Imaheng pangperegrinasyon ni San Pedro Calungsod sa Diyosesis ng Malolos noong ika-6 ng Nobyembre. |
Dahil
sa mga himalang nagawa nitong ating kalahi, masasabi kong siya ay
tunay na pinagpala at itinakda ng Diyos upang maging isang santo.
Isang napakalaking karangalan para sa ating bansa na magkaroon ng
ikalawang santong nagmula sa ating lipi. Sa ginawang pagtatanghal kay
San Pedro Calungsod bilang santo, tunay na nagbunyi at nanabik tayong
kanyang mga kababayan. Buhat sa mga paghahanda ng ating simbahan
gayundin ng ating bayan, hindi kataka takang atin siyang
ipinagmamalaki at dapat bigyan ng ating debosyon. Kung atin lamang
nababatid, tunay na nakamamangha at nakapagbibigay inspirasyon sa
ating mga kabataan ang kaniyang mga ginawa buhat noong siya ay
nagsimulang maglingkod hanggang sa ngayon na siya ay isa nang banal
lalu na sa mga kabataang katulad ko. At sa aking pansariling opinion,
tama lamang na siya ay ikarangal n gating bayan sapagkat sa aking
pananaw nagging isang huwarang tuna yang batang si pedro, hindi
lamang ng kanyang panahon ngunit pati sa aking henerasyon. Tunay kang
pinagpala kuya Pedro
Ang mainit at makulay na pagsalubong ng mga taga-Bulakan, mga mananampalataya ng Diyosesis ng Malolos para sa imaheng pangperegrinasyon ni San Pedro Calungsod. |
Naniniwala
akong ngayong isa na siyang santo, tayo ay kaniya nang matutulungang
ilapit ang ating mga dalangin sa ating Panginoon. Noon ngang hindi pa
ang daming himala na ang kanyang nagawa, paano pa ngayong isa na
siyang banal? Kaya San Pedro Calungsod, Ipanalangin mo kami!
Photo Courtesy:
Christopher Arellano (Malolos Diocesan Commission on Social Communications)
No comments:
Post a Comment