Opisina ng Kura Paroko at Rektor
Parokya at Pambansang Dambana ng Banal na Puso ni Hesus
Cruz na Daan, San Rafael, Bulacan
Sa
aming kapatid na pari na si Fr. Teng na pinarangalan ng Santo Papa na
maging Papal
Chaplain,
na ngayon ay tatawagin na bilang Msgr. Vicente Manlapig, ipinapaabot
ko po ang aking pagbati. Ang paghanga sa iyo ng iyong mga kapatid na
pari, una dahil sa ika-50 taon mo bilang isang pari at pangalawa sa
parangal na ipinagkaloob sa inyo, kami pong mga nakababata mong mga
kapatid na pari ay tunay na nagagalak, na tumatanaw sa iyo bilang
inspirasyon at uliran sa aming pagkapari. Si Fr. Teng ay hindi naman
perpektong pari, hindi rin siya perpektong tao, ngunit siya ay isang
napakatiyaga at napakapasensyosong kapwa-pari at kapwa-tao. Malalim kasi ang kanyang pinagkukuhanan sa kanyang pananampalataya. Kaya
naman sa pagkakataong ito, nais kong ring batiin ng congratulations
ang ama at ina ni Fr. Teng na humubog sa inyo bilang mabuting tao at
mabuting halimbawa sa iyong mga kapaw-pari. Sana makahikayat pa po
kayo ng ating mga kababayang kalalakihan na magpapari at tulad ninyo
ay maging mabuting pari.
Rdo. P. Vicente Burayag Lina, Jr.
Pangulo
Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.
Opisina ng Kura Paroko
Parokya ng Nuestra Señora del Carmen
Parokya ng Nuestra Señora del Carmen
Barasoain, Malolos City
Kabayan
Teng,
Purihin
ang Panginoon na naggawad sa iyo ng buhay at humirang sa iyo upang
ikaw ay maging kanyang PARI.
Happy
Golden Sacerdotal Anniversary,
Rev. Fr.Teng!
Limampung
taon ka nang pari. Limampung taon naging mabuting pari ni Kristo.
Iyan ay pagpapala ng Diyos. At sa pamamagitan mo ay nagkamit ng
pagpapala at biyaya ang mga tao mula sa Diyos. Tunay nga dahil kay
raming taong iyong nabinyagan. Kay raming taong iyong nabigyan ng
pagpapatawad sa ngalan ng Panginoon. Kay raming taong napagtibay mo
sa kanilang pag-iisang dibdib. Kay raming maysakit na iyong
pinuntahan upang pahiran ng langis. Kay raming misa ang iyong
ipinagdiwang kasama ng sambayanan at kay raming taong iyong binigyan
ng komunyon. Kay raming tao ang nakarinig ng Mabuting Balita ng Diyos
sa pamamagitan mo. Naging “channel” ka ng pagmamahal at grasya ng
Panginoon. Kaya nararapat lang na gawaran ka ng “papal award”
bilang Monsginor.
Congratulations
Msgr. Teng Manlapig.
Nawa
ay lagi kang pagpalain ng Diyos upang nagging pagpapala ka sa kanyang
bayan.
Rdo. Msgr. Angelito Juliano Santiago, H.P.
Parokya ng Nuestra Señora del Carmen
Barasoain, Malolos City
Opisina ng Kura Paroko
Parokya ni San Agustin ng Hippo
Baliwag, Bulakan
Kabayan
Teng,
Maligayang
bati sa iyong Ginintuang Taon bilang alagad ng Diyos! Mabuhay ka,
Kabayan!
Matindi
ang iyong mga pinagdaanang pagsubok, mabigat na krus ng paglilingkod
na ipinasa sa iyo ng Panginoon. Mahaba ang paglalakbay sa daan ng
pag-akay at pamumuno sa mga taong ipinagkatiwala sa iyo ng ating
Pastol. Maraming sugat ang iyong tiniis at malakas ang bagyong iyong
sinuong – subalit ikaw ay nakalampas at nakatagumpay! Sa awa at
tulong ng ating Panginoon! Purihin ang Diyos! Kaya, Kabayan Teng,
ikaw ang aming inspirasyon at lakas-loob! Sana kami rin ay sumapit sa
iyong tagumpay! Saludo kami sa'yo!
Rev.
Msgr. Enrico Saguinsin Santos, H.P.
Kura Paroko
Parokya ni San Agustin ng Hippo
Baliwag, Bulacan
Opisina ng Kura Paroko
Parokya ng Sto. Cristo
Marulas, Valenzuela City
Si Msgr. Teng ay isang
laging huwaran dahil siya ay umabot ng ganoong katagal na taon sa
pagpapari at sa kanyang pagpupunyagi at katapatan sa kanyang
paglilingkod sa Panginoon. Kaya naman ang kanyang naabot ay
kahanga-hanga at dapat na pamarisan, lalo na nang mga pari na
naglilingkod sa Panginoon. Kaya naman ang aking puspos na pagbati sa
kanyang ginintuang anibersaryo sa kanyang pagpapari.
Tues Sacerdos Magno!
Rdo. Msgr. Ranilo Santos Trillana, P.C.
Bikaryo Episkopal
Katimugang Distrito, Diyosesis ng Malolos
Office of the Parish Priest
Parish of Our Lady of Mt. Carmel
Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan
Dear Msgr. Teng,
Greetings of Peace!
I believe that at this moment in your life you can humbly declare with St. Paul, "I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith..." (2 Tim. 4:7) May the Good Lord continue showering you with His love! A blessed Golden Sacerdotal Anniversary!
Rev. Fr. Elmer Roque Ignacio
Parish Priest
Parish of Our Lady of Mt. Carmel
Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan
Sta. Monica Learning Center
Sto. Niño, Plaridel, Bulacan
Kabayan
Msgr. Manlapig,
Maligayang bati sa iyong pagdiriwang ng ika-50 taon ng iyong pagkapari.
Nawa
ang maraming taon ng paglilingkod mo sa Diyos sa katauhan ng ating
mga kapwa sa sambayanan ng Diyos ay maging puno't dulo ng iyong buhay
na iyong kaligayahan sa kabila ng lahat ng pagsubok.
Muli,
maligayang pagbati! Happy Golden Sacerdotal Anniversary!
Bumabati
ng may kagalakan,
Ang
iyong kabayan,
Rdo.
P. Bartolome Saguinsin Bernabe
No comments:
Post a Comment