Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Friday, January 18, 2013

THANKSGIVING SPEECH: Mr. Icasiano Bernardo Manlapig, Brother of Msgr. Vicente Manlapig




Reception: Plaza Sofia
Ika-50 Anibersaryo ng Pagkapari
Rdo. Msgr. Vicente Amado Bernardo Manlapig, P.C.
Maysan St., Valenzuela City

   Salamat po sa inyong pagdating dito sa pagdiriwang ng kapatid kong si “Bokyo.”

   Sa buhay namin, kami ay tatlong magkapatid: siya ang gitna, ako ang bunso at ang panganay namin ay kapitan ng isang barko na yumao na. Sa aming kalagayan, noong siya po ay hinahanda pa sa pagpapari, nagkaroon po kami ng pagpapala sa buhay. Naalala ko noong kami'y patapos na ng high school, bago daw kami mag-college e kailangang magtrabaho muna kami sa bukid ng mga magulang namin. Kaso siya naman ay pumasok sa seminaryo third year high school pa lamang, kaya naman diresto siya sa pag-aaral sa seminaryo. Kaya kami po ni kapitan ay kung mapapansin ninyo ay maitim, siya maputi.

   Ngunit sa aming paglaki, doon po namin nalaman na ang pagpapari niya ay biyaya talaga. Kasi noon sinasabihan na magpari ang isang tao basta may pera, e hindi naman kami mula sa isang mayamang pamilya. Kaya naman ang nanay namin noo'y nagbebenta ng maraming kakanin: bibingka, puto, kutchinta, sapin-sapin. Iyon ang tulong namin sa kanya.

   Noong pumasok siya sa seminaryo, eto pong si kuya ay nagsipag din. Ito'y dahil gusto niya na makatulong para sa iba. At noong naging pari siya, nakita ko ang kagustuhan niya na sa bawat destino niya, may nagagawa siyang mabuti para sa iba. Kaya naman po ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang paglingkuran ang Simbahan. At sa paglaki po namin sa mga magulang namin, namulat kami dahil binigyan nila kami, pati na siya ng kaisipan upang tumulong sa kapwa.

   Kaya sa kanyang ika-50 anibersaryo bilang pari, sa ngalan ng kapatid ko, ako'y lubos na nagpapasalamat sa inyong pagsama dito ngayon sa amin.

Maraming salamat po! 

No comments:

Post a Comment