Mula sa Patnugot: Ukol ang tulang ito sa pagdiriwang ng taga-Hagonoy ang mga debosyon sa Mahal na Birheng Maria, lalo na sa debosyon at panata ng pagrorosaryo.
Birhen ng Santo Rosario
Hagonoy, Bayang Levitico
Iniirog
si Maria ng totoo
Anuman
ang kanyang titulo
Walang
maliw ang pamimintuho.
Araw-araw,
nagdarasal ng walang toto
Paggiliw
sa dakilang Ina ni Hesukristo
Kay
Santa Anang anak na solo.
Debosyon
sa Sto. Rosario,
Nag-ugat
nang Birhen Maria, napakita
Sa
tatlong kabataan
Lucia,
Jacinta at Francisco ang ngalan
Duon
sa Cova de Iria, Fatima,
Ika-labing
siyam na dekada
Taong
ika-labing pito
A-trese
ng Mayo.
Duo'y
inihayag
Mensahe
ng Birheng pinakaliliyag -
"Idalangin
mga makasalanan;
Mangagsisi
sa sariling katampalasanan.
Magpakasakit
man din
Upang
kapayapaan sa mundong ibabaw, kamtin."
Sa
buong sangka-kristiyanuhan
Abot
hanggang Hagonoy na bayan
Bumantog,
panawagan.
Pahayag
at mabuting balita
Ipinalaganap
sa tanang madla.
Aking
natatandaan,
Sa
alaala'y nasumpungan
Ang
habili'y gayon din naman
Sa
Lourdes, Pransiya kung saan
Birheng
Ina'y napakita
Sa
dalagitang si Bernardita.
Kapatiran
ni Maria,
Anak
ni Anang patrona
Binuo,
tinagubilinan
Palaganapin
ang pamamanata
Tungkuling
aariing gampanan.
Samahang
matatag, matibay
Sa
mananampalataya'y naging gabay
Kung
paanong sa Mahal na Ina ay magpugay;
Manalangin
hindi lamang para sa sariling ikabubuhay
Bagkus,
para sa kapuwang landas ay napapahiwalay.
Panata
pang bilin at ginampanan
Unang
Sabado ng bawa't buwan
Magsimba,
magkomunyon, magsisi ng kasalanan
Upang
magtamo ng indulhensiyang nakalaan.
Bawa't
taon. Oktubreng buwan
Sadyang
itinangi, inilaan
Sa
matimtimang pagdarasal
Ng
Rosaryong Banal
Na
kanyang laging taban
Sa
tuwinang magpapakita
Sa
Lourdes o Fatima man.
"Dasalin
ito", ang himatong
Sa
pagdiriwang ng Immaculada Concepcion;
Anunsyasyon,
Puripikasyon
man, o Anunsyasyon.
Bawa't
butil ay rosas na mahalimuyak
Alay
sa paanan at trono ng Dakilang Maykapal
Nabubuong
korona, hatid, ibayong ligaya
Sa
Kabanal-banalang Puso ni Kristong Sinta
At
sa Kalinis-linisang Puso ng Birheng Ina.
Banal
na Misa
Lundo
ng araw-araw na pamamanata
Prusisyon,
mayroon pa rin naman
Pagsapit
ng katapusan
Ritong
ginaganap hanggang sa kasalukuyan.
Musikong pantawag-pansin
sa hulihan
Awit
at dalit, patungkol sa Poong Mahal
Tinutugtog
nang may kalakasan
Wari'y
lahat tayo'y tinatawagan
Taos-pusong
magsisi at magdasal.
Mabuting
gawa
Sakripisyong
pagbabawa
Pagdarasal,
Pangungumpisal,
Pagtanggap
ng Dugo at Katawang Banal -
Ialay
ng taimtim sa kalooban.
Upang
sa Inang Mahal na pamamagitan
Samo't
hinaing, magkaroon ng kasagutan.
Dasal
na - kaluluwa't katawan
Sana'y
mahugasan.
'Di
man magtamo ng himala
Pagkalooban
sana ng biyaya
Walang
tamhing masakit ni malala
Na
sukat ikabahala.
Buhay
ma'y mautas
Kamtin,
gantimpalang wagas
Sa
piling ng Panginoong Tagapagligtas.
CTTF
11/27/12
Page 4 of 4
Please press Older Posts for Vol. 1, Issue 3, September 2012 and other issues.
No comments:
Post a Comment