Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Friday, January 11, 2013

PAGKILALA/TRIBUTE: Tanda ng Paglilingkod sa Sambayanan: Mga Paggawad ng Santo Papa sa mga Anak ng Pambansang Dambana ni Sta. Ana



Isa sa mga naging natatanging pagdiriwang ng taong ito ng Ginintuang Jubileo ng ating diyosesis ang paggawad ng Santo Papa, Benedikto XVI ng mga parangal sa mga mabuting pastol na ating sambayanan at mga laykong may taus-pusong katapatan. At sa pagkakataong ito, mapalad ang bayan ng Hagonoy, lalo na ang Pambansang Dambana ni Sta. Ana na magkaroon ng mga ganitong uri ng mga mananampalataya. Dalawa sa mga paring Hagonoeño ang pinarangalan ng titulong monsignor at isa namang laykong lingkod ng parokya ang pinarangalan ng medalyang Pro Ecclesia e Pontifice (Para sa Simbahan at sa Papa).


Si Msgr. Trillana na suot ang regalia sa pagiging
isang ganap na monsignor. Kapansin-pansin na
itim ang kanyang biretta (nasa ulo) na tanda na
siya ay pari pa rin ngunit binigyan siya ng mataas
na katungkulan at parangal dahil sa kanyang
mga ginagawa para sa Simbahan.

Si Msgr. Trillana kasama ang mahal na obispo,
Lubhang Kgg. Jose F. Oliveros, D.D. ng Malolos.
Ang dalawang paring anak-Hagonoy na hinirang bilang monsenyores ng Inang Simbahan ay sina Rdo. Msgr. Ranilo Santos Trillana at Rdo. Msgr. Vicente Amado Bernado Manlapig. Binigyan sila ng Santo Papa ng titulong Capellano di Sui Santita (Chaplain of His Holiness). Si Msgr. Ranilo Santos Trillana na mula sa nayon ng Sta. Monica ay kasalukuyang nakadestino sa Parokya ng Sto. Cristo sa Marulas, lungsod ng Valenzuela at kasalukuyang Bikaryo Episkopal ng katimugang distrito ng Diyosesis ng Malolos. Bukod pa dito si Msgr. Rannie rin ay tumangan ng iba’ibang posisyon dito sa ating Diyosesis. Siya rin ay tumanggap ng parangal bilang isa sa isang daang natatanging alumni ng St. Mary’s Academy of Hagonoy sa larangan ng paglilingkod sa Simbahan. Si Msgr. Vicente Amado Bernardo Manlapig naman ang kasalukuyang Kura Paroko ng Birhen ng Sto. Rosario sa Maysan, lungsod ng Valenzuela at isinilang din sa nayon ng Sta. Monica. Ginawaran siya ng parangal na ito bilang handog sa kanyang ika-limampung taon bilang lingkod-pari ng ating Simbahan. Ginawad sa kanila ang mga titiulong ito sa Parokya ng Inmaculada Concepcion – Katedral at Basilika Minore noong ika-7 ng Enero, 2013 at sinuotan sila ng biretta ni Lubhang Kgg. Jose F. Oliveros, D.D., Obispo ng Malolos.

Pinarangalan naman ng Inang Simbahan bilang isang natatanging laykong lingkod si Gng. Josefina Ramos Contrreras mula sa nayon ng San Agustin. Si Gng. Contrreras ay isa na sa mga ginigiliw na lingkod ng parokya ng Hagonoy at pati ng ating diyosesis. Naging ka-pangulo siya ng Parish Pastoral Council ng Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana sa kapanahunan ni Rdo. P. Reymundo T. Mutuc (+ 2009). Noong taong 2006, sa kanyang panunungkulan isinaayos ang ika-425 anibersaryo ng pagkakatatag ng parokya. At sa taong ito ng Ginituang Jubileo, muli siyang tinawag ng pamayanan ng parokya upang gampanan muli ang pagiging ka-pangulo ng PPC na kanya namang taus-pusong tinanggap. Siya kasama ng ilan pang mga laykong lingkod tulad niya ay pinarangalan ng medalyang Pro Ecclesia e Pontifice noong ika-4 ng Disyembre, 2012 ni Lubhang Kgg. Jose F. Oliveros, D.D., Obispo ng Malolos sa Parokya ng Inmaculada Concepcion – Katedral at Basilika Minore, Malolos.

Isang pagpapatunay na bumubuhos ang biyaya ng Diyos na nagpapanibago at di nagmamaliw na pananampalataya na ang layon ay pag-isahin ang kawan Niya. Sa pagkakataong ito isang hiwaga ang ipinabot sa atin ng Panginoon ito tiyak na unang papasok sa ating isipan dahil sa dalawang paring ito. Sila ay isinilang sa isang nayon na may malalim na debosyon, sila ay nagbuhat sa isang bayang pinagpala ng langit sa bokasyon ng pagpapari at sa isang lungsod na kanilang pinaglilingkuran bilang pastol at upang tupdin ang mga bagay na pinagkatiwala sa kanila ng Panginoon. Kaya sa diwa ng pagpupuri at pasasalamat sa Diyos na kilalanin natin at tularan ang dalawang kapelyan na ito na ang hatid sa atin ay ebanghelisasyon at tipunin tayo bilang mga anak ng Diyos Ama, na sumusunod sa yapak ni Kristo ang Diyos Anak na huwaran natin sa paglilingkod at sa gabay at tanglaw ng Espiritu Santo.
       

Mga Larawan ng mga Pagdiriwang

Ika-10 ng Disyembre, 2012
Misa Pasasalamat ni Gng. Josefina Ramos Contrreras
Pambansang Dambana ni Sta. Ana
Hagonoy, Bulakan

Ang larawan ni Gng. Contrreras na kasalukuyang ka-pangulo ng Parish Pastoral Council ng Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana na makikita sa screen ng simbahan. Si Gng. Contrreras ay isa sa mga beteranang naglilingkod para sa ating Simbahan kasama ni Gng. Teresita Raymundo-Cruz na mula naman sa Sto. Rosario. Si Gng. Contrreras ay tubong San Agustin, Hagonoy.
Pinamunuan ang misa pasasalamat nina Rdo. Msgr. Alberto R. Suatengco, P.C. (Bikaryo Episkopal para sa Kaparian), Rdo. Msgr. Manuel Villaroman, P.C. (Tagapangulo - Pandiyosesis na Komisyon para sa Pamilya at Buhay), Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C. (Kura Paroko, NSSA), Rdo. P. Reynaldo V. Rivera (Punong Guro, St. Anne's Catholic School), Rdo. P. Jesus G. Cruz (Attached Priest, NSSA) at Rdo. P. Gino Carlo B. Herrera (Katuwang na Pari, NSSA - di kita sa larawan).
Si Gng. Contrreras habang hinahatid ang kanyang pasasalamat sa mga tumulong sa kanya at sa mga nakisalo sa banal na pagdiriwang.
Ang mga paring nagsipagdiwang kasama ni Gng. Contrreras (nakatayo mula sa kanan): P. Gino Carlo B. Herrera, Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C., Msgr. Alberto R. Suatengco, P.C., Msgr. Manuel Villaroman, P.C., P. Reynaldo V. Rivera at P. Jesus G. Cruz.

Ika-7 ng Enero, 2013
Solemn Investiture of Prelate Onore di Sui Santita (Honorary Prelate) and Capellano di Sui Santita (Chaplains of His Holiness) 
Immaculate Conception Parish - Cathedral and Minor Basilica
Malolos City

Si Msgr. Ranilo Santos Trillana sa pagtawag sa kanya
 upang suotin ang sash, tanda ng kanyang pagiging monsignor.
Si Msgr. Trillana na sinusuotan ng sash na kulay magenta sa harapan ng Lubhang Kgg. Jose F. Oliveros, Obispo ng Malolos.

Si Msgr. Trillana na sinusuotan ng surplice at stola na bahagi ng kanyang regalia bilang
Capellano di Sui Santita (Chaplain of His Holiness).
Ang pagsusuot ng biretta na sinaunang bahagi na ng kasuotan ng isang pari na madalang nang gamitin.
Kasama ito sa regalia ng monsignori na isinuot sa kanya ng mahal na obispo kalakip ang pag-aabot sa
kanya ng deklarasyon sa kanyang pagkakahirang na maging monsignor ng Santo Papa Benedikto XVI.
 
Si Msgr. Trillanan kasama ang ilan pang mga naging Capellano (nakatayo sa likod, mula kaliwa): Msgr. Pablo S. Legaspi, Jr., P.C. (Kansilyer) at Rdo. Msgr. Alberto R. Suatengco, P.C. (Bikaryo Episkopal para sa Kaparian). Nanguna naman sa pagdiriwang ang tatlong obispo (nakatayo sa harap mula kaliwa): Lubhang Kgg. Cirilo R. Almario, Jr., D.D., Obispo Emerito ng Malolos; Lubhang Kgg. Jose F. Oliveros, D.D., Obispo ng Malolos at Lubhang Kgg. Deogracias S. Iniguez, Jr., D.D., Obispo ng Kalookan na tubong-Bulakan.

Mga Larawan ni Rdo. Msgr. Vicente Amado Bernardo Manlapig, P.C.
at iba pang mga larawan ng pagdiriwang - Makikita sa link na ito.

Photo Courtesy: 
Mrs. Josefina Ramos Contrreras (Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana) at 
Mr. Christopher C. Arellano (Malolos Diocesan Commission on Social Communications)

No comments:

Post a Comment