Office of the Chairman
Kadiwa sa Pagkapari Foundation,
Inc.
Unit
915, Union Square 1 Condominim
145
15th
Ave., Cubao, 1109 Quezon City
It
is a rare joy to celebrate a golden sacerdotal anniversary. From
December 22, 1962 to December 22, 2012 a thread of gold makes into a
garland offered to God fifty years of Msgr. Vicente Bernardo
Manlapig’s spiritually rich life as an ordained priest of the
Church. Low-keyed and more of a silent worker, fiercely faithful to
the Lord and loyal to the People of God, Kabayan Tenteng is
one priest-son Hagonoy can be very proud of. No-nonsense in his
pastoral commitment and forthright in expressing his mind, he cares
deeply for his KAKATHA brothers and fellow priests. As he celebrates
his golden jubilee, it is most appropriate that he is titled
“Monsignor”, for he is a priestly model to all. September 11
last year, as he celebrated his 75th birthday in his
parish of Our Lady of the Holy Rosary, Maysan, Valenzuela City, it
was my honour to be his preacher. This year’s golden celebration
of Msgr. Manlapig was regrettably on the same day I was celebrating
my own 47th presbyteral anniversary. We were then together
in the one Eucharist of Jesus Christ. Carry on, Kabayan!
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P.
Chairman
Kadiwa sa Pagkapari Foundation,
Inc.
Msgr. Jose B. Aguinaldo
Foundation, Inc.
Board of Advisers, Catholic
Hagonoeño Social Communications Group
President Emeritius
Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.
Opisina ng Punong Guro
St. Anne's Catholic School
M.H. del Pilar St., Purok 1
Sto. Niño, Hagonoy, Bulakan
Masasabi kong ako'y lubos
na natutuwa para kay Msgr. Teng Manlapig sapagkat siya ang paring
nagbinyag sa akin. Siya ang nagbinyag sa akin noong ika-7 ng Marso,
1965 sa simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulakan. Kaya naman siya ay
simbolo, daan ng biyaya at pananampalataya sa buhay ko bilang pari.
At noong ako ay seminarista na, nakapagapostolado din naman ako sa
parokyang pinaglilingkuran niya. Nakita ko noong kung paano siya
mabuhay bilang isang pari, isang mabuting pari. Kaya ang mga ala-ala
na ito ang aking ipinagpapasalamat sa kanya. Iyon iyong nakagisnan ko
pa yung pari na nagbinyag sa akin. Kaya para sa inyo po, Msgr. Teng,
isang maligayang pagdiriwang ng ika-50 taon sa pagkapari, isang
pagkapari na atin ngayong pinaghahatiang dalawa bilang mga alagad ng
Diyos.
Rev. Fr. Reynaldo V. Rivera
Bikaryo Poraneo
Bikarya ni Sta. Ana
Punong Guro
St. Anne's Catholic School
Kura Paroko
Parokya ni San Jose Manggagawa
San Jose, Calumpit, Bulakan
Adviser
Board of Advisers, Catholic Hagonoeño Social Communications Group
Opisina ng Kura Paroko at Rektor
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
M.H. del Pilar St., Purok 1
Sto. Niño, Hagonoy, Bulakan
Binabati ko si Rdo. Msgr.
Vicente B. Manlapig sa kanyang ika-50 taon ng pagkapari. Isang
natatanging pagdiriwang ang kanyang anibersaryo sapagkat kasabay niya
ngayong taon ang Ginintuang Jubileo ng ating Diyosesis. Kaya naman si
Msgr. Manlapig ang isa sa mga pinakaunang pari dito sa ating
diyosesis ng Malolos. Dahil dito mistulang tanda si Msgr. Manlapig ng
50 taon ng pag-alaga ng lokal na Simbahan ng Malolos sa
mananampalataya dito sa Bulakan at sa lungsod ng Valenzuela kung saan
siya naglilingkod ngayon. Lalo ring katangi-tangi ang kanyang
pagiging tanda ng kaparian ng Hagonoy na hanggang sa ngayon ay marami
pa rin. Isa siya sa mga anak ng Hagonoy na naordenahan kasama ng
marami pa sa kanyang mga kababayan na mga pari ngayon di lamang dito
sa ating diyosesis kundi pati na sa iba pang mga lugar.
Isang
magandang bagay ang pagdiriwang niya na ito para sa buong Sambayanan
ng Diyos dahil na din sa paggawad ng Santo Papa sa kanya ng titulong
Chaplain
of His Holiness.
Msgr. Teng Manlapig, pagpalain nawa kayo ng Panginoon sa inyong
ginintuang anibersaryo sa pagkapari.
Rev. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C.
Bikaryo Episkopal
Kanlurang Distrito, Diyosesis ng Malolos
Kura Paroko at Rektor
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
Adviser
Board of Advisers, Catholic Hagonoeño Social Communications Group
No comments:
Post a Comment