Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Friday, June 29, 2012

Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines (Vol. 1, Issue 2, June 2012)




A Quarterly Electronic Magazine on Hagonoeño Catholic Heritage and the Vicariate of St. Annne, Hagonoy

An online apostolate of the Catholic faithful of the
VICARIATE OF ST. ANNE, HAGONOY
(National Shrine of St. Anne [Hagonoy], Parish of Nuestra Señora del Santissimo Rosario [Sto. Rosario, Hagonoy], Parish of St. Helena the Empress [Sta. Elena, Hagonoy], Parish of St. John the Baptist [San Juan, Hagonoy], Parish of St. Anthony of Padua [Iba, Hagonoy], Parish of Ina ng Laging Saklolo [San Pedro, Hagonoy] and the Parish of St. Joseph the Worker 
[San Jose, Calumpit]

PUBLISHER
Vicariate of St. Anne, Hagonoy
Roman Catholic Diocese of Malolos
MODERATOR
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P.
EDITOR-IN-CHIEF
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
ASSOCIATE EDITOR
El Gideon G. Raymundo
MANAGING EDITORS
Basilio R. Martin, MIR (Filipino)
Marlon B. Santos, MA (English)
CONTRIBUTORS
Christian C. Flores, Ma. Theresa G. Perona, Dolores Mangahas-Cruz,
 Marvin M. Magbitang, Jhoem L. Eligio, Sherwin M. Antaran, 
Ariel L. Tolentino, El Gideon G. Raymundo, Ronald Aron O. Perez, 
Marry Ann Christian D. Castro, Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban, Sem. Vil J. Santos, 
Mharkdhy M. Atienza, Consolacion T. Faundo
PHOTOGRAPHY
Rolando P. Bartolome
John Andrew C. Libao
Arvin Kim M. Lopez
El Gideon G. Raymundo
Sem. Ulysses Ernesto F. Reyes
COVER DESIGN AND LAYOUT
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
PRODUCTION CONSULTANTS
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P.
Rev. Msgr. Luciano C. Balagtas
Rev. Fr. Reynaldo V. Rivera

ALL RIGHTS RESERVED 2012
Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines
www.catholichagonoeno.blogspot.com

Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines is a quarterly electronic magazine which aims at providing quality information, trivia, facts and discussion on the different traditions, practices and teachings of the Catholic faithful of the town of Hagonoy, Bulacan to know of the significance of these to their living and faith. This organ serves as an independent organization from the parishes yet works for the preservation of the Catholic cultural heritage of the town and vicariate contained within the parochial communities.

About the Cover Page  - His Excellency, Most Rev. Pedro Natividad Bantigue, D.D. (1920 - ) is considered as the oldest bishop in the Philippines and is the oldest priest as well from the province of Bulacan and from his hometown of Hagonoy. He was the first bishop of the Diocese of San Pablo (Laguna) and now resides in San Pablo City at the Missionaries of the Holy Face of Jesus Convent. At the lower right hand corner is his coat of arms as bishop which has its explanation in the feature article for him on this issue. 



Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban


Dolores Mangahas-Cruz

Ang Kasaysayan ng Barrio at Kapistahan ng Sta. Cruz, Hagonoy
Ma. Theresa G. Perona

Ang Kapatiran ni Apo Elena ng Hagonoy
Marvin M. Magbitang


Pistang Pasasalamat ng Sta. Monica 2012
Jhoem L. Eligio

Mabuhay San Miguel Arkanghel:
79 na Taong Pamimintuho sa Prinsipe ng Langit
Sherwin M. Antaran

Ang Himala ng Pangalawang Patron ng San Agustin, Hagonoy
Ariel L. Tolentino
Inang Maria, Inang Sinisinta: 
Ang Pagdiriwang ng Flores de Mayo sa Parokya ng N.S. del Santissimo Rosario
Ronald Aron O. Perez

Ang Pista Minor ng San Pablo, Hagonoy
Mary Ann Christian D. Castro



Pedro Natividad Bantigue: Obispong Bulakeño, Paring Hagonoeño
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban



Vol. 1, Issue 2, March 2012

Lubhang Kgg. Pedro Natividad Bantigue, D.D., JCD
Obispo Emerito, Diyosesis ng San Pablo, Laguna

Rdo. P. Bartolome Saguinsin Bernabe 
Retired Priest, Diocese of Malolos
Retired Chaplain, Military Ordinariate of the Philippines
Retired Attached Priest, Diocese of Caloocan

Rdo. P. Vicente Amado Bernardo Manlapig
Kura Paroko, Parokya ng Mahal na Ina ng Santissimo Rosario, Maysan, Valenzuela City

Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio
Kura Paroko, Parokya ni San Pedro Apostol, City of San Jose del Monte, Bulacan

Sem. Vil J. Santos

Rdo. P. Herminio Victoria Dagohoy, O.P.
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban


Mharkdhy M. Atienza

Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban

HOLY WEEK PROCESSIONS
Vol 1. Parish and National Shrine of St. Anne


FLORES DE MAYO 2012
Hermanidad de la Asociada y delas Flores de Maria de Hagonoy


San Jose, Hagonoy, Bulacan
Consolacion T. Faundo

Consolacion T. Faundo

MENSAHE MULA SA PATNUGOT/MESSAGE FROM THE EDITOR: Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban

Ika-29 ng Hunyo, 2012
Dakilang Kapistahan nina San Pedro at San Pablo,
Mga Apostol ng Panginoong Jesukristo

Abril, Mayo, Hunyo: mga buwan na kung kailan marami ang ipinagdiriwang sa bayan ng Hagonoy. Tuwing Abril kadalasan ganapin ang pinakamahalagang panahon sa kalendaryo ng Simbahang Katoliko: ang Triduo ng Pagpapakasakit, Pagkamatay at Muling Pagkabuhay ni Kristo na mas maiintindihan natin sa mga salitang "Semana Santa" o "Holy Week." Tuwing Mayo naman ipinagdiriwang ang iba't ibang kapistahan ng mga barrio dala ng pagiging sapat ng panahon para sa pagpupunyagi. Noon din ginaganap ang "Flores de Maria" o "Flores de Mayo", na siyang pag-aalay sa Birheng Maria bilang tunay na halimbawa ng ating pananampalataya. At tuwing Hunyo naman ipinagdiriwang ang ilan pang kapistahan bago ang pangunahing pasasalamat ng bayan tuwing Hulyo na tinatawag na "Buwan ni Apo Ana." Ito ang dahilan kung kaya't napakaraming laman ng bahagi ng Kultura/Culture sa sangkapat na ito ng ating pahayagan. Magiging mas makulay ang pagpapakita ng mga pagdiriwang na ito dahil sa bagong Portfolio/Koleksyon ng mga Larawan kung saan itinatampok ang mga prusisyon sa bawat parokya ng bikarya - isang pagtingin sa patuloy na gumagandang pag-alala sa mga dinanas ni Kristo hanggang sa muling pagkabuhay.

Bukod dito mayroon ding mga natatanging kinikilala para sa bagong issue na ito. Una ay ukol sa isang obispo at pangalawa ay tungkol sa dalawang pari. Dahil sa kanyang natatanging kalagayan sa edad na 93, ipinagmamalaki ng pahayagan na makasama at magawan ng tampok na artikulo ang obispong anak-Hagonoy na si Lubhang Kgg. Pedro Natividad Bantigue, D.D. Tanda ng kakanyagan ng kapariang anak-Hagonoy si Obispo Bantigue sa pagbunga ng mga banal at mahusay na mga lingkod ng Diyos. Gayundin naman, pinatutunayan rin ito ng bagong ordenang pari na anak-Iba, Hagonoy, si Rdo. P. Gary Medina Clemente. Si P. Clemente ay kinilala sa pagkakataong ito dahil siya na ang isa sa halos 110 na miyembro ng Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy. Siya ay tunay na ipagmamalaki ng Parokya ni San Antonio de Padua ng Iba kung saan siya lumaki. Sa orden naman ng mga Dominikano, isang mabuting paring anak-Hagonoy ang hinirang upang maging ika-96 na Rektor ng Pamantasan ng Sto. Tomas, si Rdo. P. Herminio Victoria Dagohoy, O.P. Isa ngang pagpapala mula sa Panginoon ang paglaganap ng bokasyon sa pagpapari sa ating lugar.

At sa huli ipinapakita din sa bahaging ito ang Opinyon/Opinion na kung saan ibinubukas ang pagtatalakay para mas yumabong ang kaalaman ng mga mananampalataya. Minarapat na talakayin dito ang ukol sa paghahambing sa mga pagdiriwang Flores de Mayo sa Santa Cruzan at ukol din sa mga pangangailangan ng Simbahan mula sa kaparian, lalo na ng mga anak-Hagonoy.

Kaya naman sa paglalabas ng mga bago at makasaysayang mga nilalaman ng issue ngayong ikalawang quarter, muli nating tignan, basahin at tangkilikin: Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines!

Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Administrator and Editor-in-Chief

KULTURA: Pasasalamat ng Birhen ng Barangay ng Mga Taga-Sitio Peralta (San Sebastian, Hagonoy)


     Noong ika-10 ng Abril, 1962 ipinagkaloob ng isang pari na naka-destino sa Parokya ni Sta.Ana ang isang kwadro na may imahe ng Mahal na Birhen ng Barangay kay Gng. Claudia Payongayong at napagkasunduan ng pamilya na ilibot sa bahay-bahay ng sitio Peralta sa San Sebastian ang imahen at dito nagsimula ang taunang pagbibigay-parangal at pasasalamat sa Mahal na Birhen ng Barangay sa mga biyaya na ipinagkakaloob nito sa kanila at naisip din nila na magpatayo ng isang maliit na kapilya. Kaagad naman itong natugunan ng Pamilya Perez na nagbigay ng donasyon ng isang maliit na lote para dito itayo ang kapilya at doon nagtulong-tulong ang mga taga-sitio Peralta na manghingi ng tulong o mangilak para maipatayo kaagad ang kapilyang ito. At hindi nagtagal, natapos ang kapilya at binasbasan noong 1990.

  Ngayong Abril 15, 2012 ang napili nilang araw para ipagdiwang ang pasasalamat sa Mahal na Birhen ng Barangay napaka-espesyal ang taon na ito dahil 50-taon na simula ng ibigay sa kanila ang imahe ng Mahal Birhen ng Barangay. Nagsimula ang pasasalamat sa isang banal na misa na pinangunahan ni Rdo. P. Rodrigo S. Samson, bisitang pari sa Parokya ni Sta. Ana sa ganap na ika-9 ng umaga at sinundan ng isang masayang prusisyon kung saan inilibot sa buong Sitio Peralta at mga kalapit na palaisdaan and imahen bilang pasasalamat din nila sa mga biyaya na dumarating sa kanila. Matapos ang prusisyon nagkaroon ng isang munting salo-salo sa tahanan ni Gng. Claudia Payongayong na gumanap bilang Hermana Mayor sa ika-50 taon na anibersaryo ng pagbibigay sa kanya ng imahe ng Mahal na Birhen ng Barangay.

Mga Larawan ng Pagdiriwang
(Mula kay: Christian C. Flores)

Ang kapilya ng Mahal na Ina ng Barangay, Sitio Peralta, San Sebastian, Hagonoy.
Ang mga imahen ng Virgen de Barangay ng mga mananampalataya na pinagsama-sama sa sanktuwaryo para 
sa pagdiriwang.


Pagdiriwang ng Banal na Misa sa pangungun ni Rdo. P. Rodrigo S. Samson, Bisitang Pari sa Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana.

Ang masayang pag-ikot ng prusisyon sa paligid ng Sitio Peralta kasama ng Hermana Mayor, Gng. Claudia Payongayong.

KULTURA: Ang Krus na Nagtayo ng Isang Barrio: Ang Kasaysayan ng Barrio at Kapistahan ng Sta. Cruz, Hagonoy


     Noong taong 1920 maraming bata dito sa nayon ng Sta. Cruz na dati ay sakop ng nayon ng Sto. Rosario. Naging laro nila noon ang paggawa ng krus na kahoy at nagpruprusisyon sa daan na kunwari ay mayroon silang kapitan at kapitana. Naglalagay din sila ng Reyna Elena at Constantino sa kanilang paglalakad at tinutugtugan sila ng mga bata ng lukan at lata bilang tugtog para sa prusisyon. Sa ganito nilang gawain, napag-ukulan sila ng pansin ng mga katandaan at isa na rito ay si G. Alberto Raymundo. Ipinagkaloob niya ang isang bakanteng lote niya upang pagtayuan ng isang bisitang pawid. Sa pagdaan ng mga taon at sa bukas na pagtulong ng mga mamamayan ng nayon, ang dating pawid na kapilya ay naging bato. Naiayos ito at napaganda, at dito naitirik ang krus na dati ay pinaglalaruan lamang ng mga bata.

Ang krus na dating pinaglalaruan lang ng mga bata
ay makikita sa kasalukuyan na pinalilibutan ng pilak
sa bisita ng Sta. Cruz. (Kanan) Katabi ng Krus si
Sta. Elena na nagdiskubre dito noong panahon ng
kanyang anak na si Constantino. (Kaliwa) Kasama
rin naman si San Francisco ng Assisi na pinag-
kalooban ng mga sugat ni Kristo.
        Ang purok na dati ay tinatawag nilang Kaingin na bahagi ng nayon ng Sto. Rosario ay naging isang maunlad na nayon na ngayon ay ang nayon ng Sta. Cruz. Kaya tuwing darating ang ika-14 ng Setyembre ay ipinagdiriwang dito ang araw ng pagkakatagpo sa Banal na Krus ng ating Panginoong Hesus. Ito ang naging dahilan ng pagkakatatag ng nayon ng Sta. Cruz.

        Nang maipatayo ang bisita, mas lumalim ang pananampalataya ng mga taga baryo. Kaya naman hindi lamang tuwing Setyembre 14 nagdiriwang ang mga taga- baryo ng pista. Nagdiriwang din sila tuwing ika-1 ng Mayo kasabay ng kapistahan ng pagkakatalaga kay San Jose bilang patron ng mga manggagawa. Nagdiriwang din ang taga-Sta. Cruz ng Santa Cruzan tuwing katapusan ng buwan ng Mayo.

        Sa pangunguna ni Rdo. P. Rodrigo Samson, inumpisahan ang banal na triduo na ipinagpatuloy naman ni Rdo. P. Roberto Lunod, dating Kura Paroko ng Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario hanggang sa araw mg kapistahan. Dumating din noong araw ng kapistahan si Rdo. P. Vicente B. Lina, Jr., isa ding dating Kura Paroko kaya naman pinagtuwangan nila ni P. Lunod ang Misa Mayor.

Ang Sta. Cruz Festejada na prinuprusisyon tuwing
kapistahan. Tulad ng mga ginagamit sa bisita, gawa
din sa pilak ang krus na ito na ginagamit sa mga
pagdiriwang ng Sta. Cruz.
 
     Ang kapistahan ng Sta. Cruz ayon sa mga mamamayan ng barrio ay isang di mataong pista dahil hindi kasing dami ang mga dumarayo upang makipamista. Mas binibigyan ng pagpapahalaga ang tunay na diwa ng kapistahan: ang pagpapasalamat ng buong baryo para sa patuloy na pagpapatnubay at biyayang kaloob ng Diyos. Noon ang pista ng Sta. Cruz ay ipinagdiriwang tuwing ika-apat na taon. Ngunit naibaba na ito sa dalawang taong pagitan. Ang petsa ng kapistahan ng Block Rosary ay itinataon din sa araw ng petsa ng pista ng pasasalamat.

   Naging makulay ang pista dahil laging puno ng mga nagsisimba ang bisita. Ang mismong araw ng kapistahan ay puno rin ng nagsisimba, maging ang patio ng bisita ay puno din. Naging maayos ang prusisyon. Ang pila nilang dala-dalawa na nagpakita ng naaayong hanay ng prusisyon. May paligsahan din ng mga mananayaw at sa sobrang saya, hindi na nila pansin ang init ng araw. Nagkaroon din ng palabas noong gabi ng kapistahan. At pinagliwanag ng mga paputok sa kalangitan, iyon ang naging hudyat ng pagtatapos sa huling bahagi ng pagdiriwang.

        Maliit na barrio ang Sta. Cruz, ang mga taga-rito ay puspos ng pagpapahalaga para sa kanilang relihiyon na pinag-uugatan ng malalim na pananalig at pananampalataya.

Mga Larawan ng Pagdiriwang (Mula kay El Gideon G. Raymundo)

Ika-30 ng Abril: Vesperas Mayores ng Sta. Cruz de Mayo
Ang Sta. Cruz Festejada sa pagpasok nito sa arko ng barrio ng Sta. Cruz sa huling gabi ng paghihintay sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sta. Cruz.
Ang Krus na pilak na ipinusisyon sa gabi bago ang pagdiriwang ng kapistahan.
Ika-1 ng Mayo: Kapistahan ng Sta. Cruz de Mayo, Sta. Cruz, Hagonoy, Bulacan

Ang sanktuwaryo ng Bisita ng Sta. Cruz noong araw ng kapistahan. Kapansin-pansin
ang lumang tabernakulo na nasa disenyo na para sa sinaunang Tridentine Rite mass
na yari sa pilak. Isa ito sa mga natatanging kayamanan ng bisitang ito.

Ang Sta. Cruz Festejada na iprinusisyon sa araw ng kapistahan ng barrio ng Sta. Cruz.

(Itaas) Si San Francisco ng Assisi, isang sa mga deboto sa mahal na Krus ng Panginoon.
(Ibaba) Ang Sta. Elena ng Sta. Cruz ay ipinararangalan sa kapistahan bilang
pag-alala sa ginawang pagdidiskubre ng santa sa Krus ng Panginoong J
esus.
Ang Sta. Elena na may dalang krus sa prusisyon ng kapistahan ng Sta. Cruz.

Ang sayawan ng mga mananampalataya ng Sta. Cruz sa kapistahan ng kanilang patron, ang Sta. Cruz de Mayo.

KULTURA: Pistang Pasasalamat ng Bayan ng Hagonoy 2012

   Ang isang magandang pag-uugali ng mga taga-Hagonoy, Bulakan ang kaalaman nilang tumanaw ng utang na loob at magpasalamat, lalo na sa Diyos. Ang hindi mabilang na pagpapala at biyayang natanggap ng mga mamamayan ng Hagonoy sa tulong at pamamagitan ng patrona at inang si Sta. Ana ay siyang magpapatunay ng katotohanan sa sinabi ng yumaong Rdo. Msgr. Jose B. Aguinaldo, P.A. na ang kahuhulugan ng pangalang Ana ay ''awa at biyaya''.

     Hindi kayang talimuwangin ng kahit na sinong isinisilang at lumaki sa Hagonoy ang maraming pagkakataong iniligtas ni Sta. Ana ang mga Hagonoeño sa tiyak na kamatayan sa mga sakunang gawa ng kalikasan at tao. Hindi malilimutan ng mga taga-Hagonoy at hindi nila minamaliit ang mga kabutihan ng kanilang patrona, kung kaya't nagtakda sila ng isang araw ng Linggo tuwing buwan ng Abril na tinagurian nilang ''Pistang Pasasalamat ng mga taga-Hagonoy, Bulakan''.

     Idinaraos ang Pistang Pasasalamat ng bayan ng Hagonoy tuwing ika-4 na Linggo ng Abril taun-taon. Ang sentro ng pagdiriwang ay ang Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana sa Hagonoy , Bulakan. Isang magandang ibinunga ng pagkakaroon ng ganitong pagdiriwang ay ang pangunguna ng Punong Bayan ng Hagonoy bilang Hermano Mayor kasama ang usapan sa ginawang pagpupulong ng Sangguniang Pastoral ng Parokya ni Sta. Ana at kinatawan ng Pamahalaang Bayan ng Hagonoy. Maganda ang naging ugnayan ng dalawang panig kung kaya't naging masigla, masaya at dinaluhan hindi lamang ng mga taga-ibang bayan ang nakaraang Pistang Pasasalamat ng Hagonoy. Ang nakaraang idinaraos na Pistang Pasasalamat ng bayan ay naganap noong ika-29 ng Abril ngayong taon.

     Bilang paghahanda, nagkaroon ng siyam (9) na araw ng pagdarasal ng nobena kay Sta. Ana bago magmisa, ngunit ang huling 3 araw ay itinalaga sa magkasamang taga-munisipyo ng Hagonoy at mga samahan sa Pambansang Dambana ni Sta. Ana. Sa araw ng kapistahan, bagama't puno ng mananampalataya ang simbahan sa bawa't oras ng misa, mapapansin na parang higit ang dami ng tao sa misa noong ika-6:00 N.U. sapagkat pinamunuan ito ng mahal na Obispo ng Malolos, Lubhang Kgg. Jose F. Oliveros, D.D. kasama ang iba pang mga pari na nakadestino sa simbahan. Nagkaroon naman ng Misa Mayor noong ika-9:00 N.U. na misang parangal kay Sta. Ana at pinamunuan naman ng paring anak-Hagonoy na tubo ng San Sebastian, Rdo. P. Joselito Robles Martin, kasama ng Kura Paroko at Rektor, Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas at iba pang mga pari. Sa misang ito nagpasalamat ang Punong Bayan, Kgg. Angel L. Cruz, Jr. at sinundan ang misa ng prusisyon ng mga patron ng bawat barrio ng Hagonoy. Gayun din nagkaroon din ng misa noong ika-5:00 N.H. na pinamunuan ng Obispo Emerito ng Malolos, Lubhang Kgg. Cirilio Almario, D.D. Kapag araw ng linggo sa simbahan umaabot ng gabi ang mga misa ng linggo para sa kapakanan ng mga mananampalataya, kaya sinundan pa ito ng isang misa noong ika-6:30 ng gabi.

     Sa halip na magdaos ng purisyon pagkataon ng Banal na pagdiriwang sa gabi ay napakita na lang ang lupon ng kasayahan ng iba't ibang anyo ng paputok sa himpapawid na ikinatuwa ng mga nakasaksi. Sa buong araw ng pasasalamat kay Sta. Ana sa pamimintuho ng mga taga-Hagonoy sa kanya, lubos ang pag-ibig ng Diyos sa paglapit ni Sta. Ana sa kanyang anak na si Maria at sa kanyang apo, ang ating Panginoong Hesus.

Mga Larawan ng Pistang Pasasalamat 2012 
(Mga Larawan nina: Arvin Kim M. Lopez at El Gideon G. Raymundo)

6:00 N.U. - Misa ng Pasasalamat ng Bayan ng Hagonoy 
(Pinamunuan ni: Lubhang Kgg. Jose F. Oliveros, D.D., Obispo ng Malolos)





9:00 N.U. - Misa Mayor ng Pasasalamat ng Bayan ng Hagonoy 
(Pinamunuan ni: Rdo. P. Joselito Robles Martin, Paring Anak-Hagonoy)





Prusisyon ng mga Patron at Patrona sa Pasasalamat ng Bayan ng Hagonoy 
Paligid ng Kabayanan ng Bayan ng Hagonoy, Bulakan



Si San Pascual Baylon de Hagonoy, patron ng barrio ng San Pascual, Hagonoy, Bulakan
na sakop ng Parokya ng N.S. del Santissimo Rosario.
Si San Juan Bautista de Hagonoy, patron ng barrio ng San Juan, Hagonoy, Bulakan
at patron ng Parokya ni San Juan Bautista.
Si San Nicolas de Tolentino de Hagonoy, patron ng barrio ng San Nicolas, Hagonoy, Bulakan
na sakop ng Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana.
Ang N.S. del Lourdes de Hagonoy, patrona ng barrio ng Abulalas, Hagonoy, Bulakan
na sakop ng Parokya ng Ina ng Laging Saklolo.

Si San Miguel Arcangel de Hagonoy, patron ng barrio ng San Miguel, Hagonoy, Bulakan
na sakop ng Parokya ni San Juan Bautista.
Si Sta. Monica de Hagonoy, patrona ng barrio ng Sta. Monica, Hagonoy, Bulakan
na sakop ng Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana.


Si San Isidro Labrador de Hagonoy, patron ng mga barrio ng San Isidro (Matanda) at Tampok
(Bata) sa Hagonoy, Bulakan na sakop ng Parokya ni San Juan Bautista.



Si Sto. Ni
ño de Hagonoy, patron ng barrio ng San Niño, Hagonoy, Bulakan
na sakop ng Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana.



Si N.S. de la Santissimo Rosario de Hagonoy, patrona ng barrio ng Sto. Rosario, Hagonoy, Bulakan
at ng Parokya ng N.S. del Santissimo Rosario.


Si N.S. de la Sto. Rosario de Hagonoy, patrona ng barrio ng Carillo, Hagonoy, Bulakan
na sakop ng Parokya ni San Antonio de Padua.


Si San Antonio de Padua de Hagonoy, patron ng barrio ng Iba, Hagonoy, Bulakan
at patron ng Parokya ni San Antonio de Padua.


Si San Sebastian de Hagonoy, patron ng barrio ng San Sebastian, Hagonoy, Bulakan
na sakop ng Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana.



Si San Agustin de Hagonoy, patron ng barrio ng San Agustin, Hagonoy, Bulakan
na sakop ng Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana.


Si San Jose de Hagonoy, patron ng barrio ng San Jose, Hagonoy, Bulakan
na sakop ng Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana.


Si Sta. Elena de Hagonoy, patrona ng barrio ng Sta. Elena, Hagonoy, Bulakan
at ng Parokya ni Sta. Elena Emperatris.
Si Apo Ana de Hagonoy, patron ng bayan ng Hagonoy, Bulakan 
at ng Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana.





Page 1 of 6
Please press Older Posts for Pages 2-6.