Mula sa Patnugot: Ukol ang tulang ito sa pagdiriwang ng mga taga-Hagonoy sa kapistahan ng kanilang patrona, si Apo Ana ng Hagonoy. Isa itong paglalarawan sa isa sa mga natatanging kaganapan tuwing nagaganap ang kapistahan, ang Encuentro ni Sta. Ana at San Joaquin na ginaganap sa magkabilang ilog ng Hagonoy.
Encuentro
sa Hagonoy
Ika-26
ng Hulyo, tuwina
Madlang
Hagonoeño, nagsasaya
Ipinagbubunyi,
inaalaala
Ina
ni Birhen Maria
Kay Jesukristo, ay Lola
Minamahal
na Patrona
Ngalan
niya ay Ana.
Espesyal
na araw, bago dumatal,
May
nobena na dinarasal
Araw-araw
na panata
Ng
masugid na mga mananmpalataya
'Di
lumiliban matapos na magsimba;
Nagpapasalamat,
humihiling ng biyaya
Para
sa sarili at sa mahal na pamilya.
Pagtatampok
kay Hesus na lola,
Pinagkaka-abalahan
ng buong sambayanan
Siyam
na araw, 'di 'lang dasal at simba;
Sari-sari't
iba-ibang programa
Inilulunsad,
ginagawang makabuluhan
Sa
ngalan ni Santa Ana
Mapagmahal
na abuela.
Sa
lahat ng paghahanda,
Bukod-tangi,
naiiba
"Salubong"
nina Joaquin at Ana.
Ibinabalik
sa gunita
Binubuhay,
ipinakikita
Kasaysayang
nagtakda -
Sa
"Pagliligtas", ito pala ang
simula.
Isang
araw ng nobenaryo,
Inilalaan,
para sa masayang pagoda
Sa
kahabaan ng katubigang
Sa
Hagonoy ay umiikot.
Kuwentong
aalalahanin,
Inuumpisahan
dito.
Matapos
ang paglibot sa kailugan,
Lola
Ana, sa sandaling mai-ahon sa katihan,
Lalaki't
babae, nag-uunahan
Imahe
ng mag-inang Ana at Mariang Birhen
Nais,
sa balikat ay pasanin;
Upang
kanilang kahilingan
Mabigyan
ng katuparan.
Tila
pagong na umuusad sa kalsada
Mga
debotong sumama sa prusisyon,
Sa
saliw ng musikong banda
Umiindak,
sumasayaw pa ng "lirion".
Ano't
dinadaanang sumasaksi sa tradisyon
May
nakahandang tubig, na hindi painom
'Yon
pala ay pansaboy sa nangagde-debosyon.
Samantala,
sa malayu-layo,
Naroon
si Joaquin, Ang Masuyong Esposo -
Hinihintay
ng buong puso,
Pagdating
ni Ana, kanyang mairog na kasuyo.
Sa
kanilang pagtatagpo,
Selebrasyon,
todo-todo.
Tanda
ito, umano -
Na
si Ana ngayo'y magdadalang-tao
Kay
Maria, Birheng totoo
Siya
namang magsisilang kay Hesus na
Kristo-
Sasakop
sa sala ng buong mundo.
...o0o...
Si
San Joaquin - isang pastol na tulad ni
David,
Kabuhaya'y
mariwasa't masaya ang magsing-ibig;
Banal
silang namumuhay, madasalin at tahimik,
Sa
simbaha't mga dukha....kawanggawa'y walang
patid;
Sa
templo ay lagi silang taimtim na
humihibik,
NAGLILINGKOD
sa kay YAWEH, puso't diwa'y
makalangit!
...o0o...
Nguni't
sila'y sinubok ng tadhana ng Maykapal,
Hindi
sila magka-anak, nagsama man ng
matagal;
Tinutudyo
silang lagi- "isinumpang
imbing angkan."
Inang
walang anak,
nuo'y sawimpalad na nilalang;
Nguni't
walang sawa silang taos-pusong nangagdasal,
Wagas
na lagi ang tiwala sa Diyos
Amang walang hanggan.
...o0o...
Minsan
sila ay sumamba, sa templo ay
nanalangin,
Hiniya
ng saserdoteng nag-aalay na si Ruben;;
Kaya
sa gubat tumakbo't - nanalangin si
Joaquin,
At
doon ay napakita't nagsalita yaong
anghel;
"Dininig
ng Panginoon, dasal ninyong magsing-giliw,
Si
Ana ay magsisilang ng maganda ninyong
supling."
...o0o...
Sugo
ng Diyos - isang anghel, kay Ana
rin ay lumitaw
At
nagwika: "Dininig
na ang taimtim ninyong dasal;"
Sila'y
nagtungo sa templo - magpasalamat ang pakay,
Sa
Golden
Gate nagkatagpo
ang magsing-irog na banal;
Naglihi
ng walang dungis kay Mariang Mahal,
Na
siyang magiging INA ng Manunubos ng
tanan.
...o0o...
"Pinagpala
kang babae," Santang
Ina ni Maria,
Dakila
ka at hinirang, kay Hesus ay
tanging LOLA;
Itong
mundong Katoliko ay dapat na itanghal
Ka,
Kaya't
dito sa Hagonoy, mabunyi kang
sinisinta;
SANTA
ANA, MABUHAY KA - INA KA ng
aming REYNA!
Bansa
naming Pilipinas, ipagtanggol mo po
sana. "
cttf
7/5/13
Photo Courtesy: Joel C. Maliwat (National Shrine and Parish of St. Anne)
No comments:
Post a Comment