Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, September 29, 2012

Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines (Vol 1, Issue 3, September 2012)




Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines
A Quarterly Electronic Magazine on Hagonoeño Catholic Heritage and the Vicariate of St. Annne, Hagonoy

An online apostolate of the Catholic faithful of the
VICARIATE OF ST. ANNE, HAGONOY
(National Shrine of St. Anne [Sto. Niño, Hagonoy], Parish of Nuestra Señora del Santissimo Rosario [Sto. Rosario, Hagonoy], Parish of St. Helena the Empress [Sta. Elena, Hagonoy], Parish of St. John the Baptist [San Juan, Hagonoy], Parish of St. Anthony of Padua [Iba, Hagonoy], Parish of Ina ng Laging Saklolo [San Pedro, Hagonoy], Parish of St. Joseph the Worker 
[San Jose, Calumpit], Parish of St. James the Apostle [Poblacion, Paombong] and the Mission
Parish of Sta. Cruz [Sta. Cruz, Paombong].

in association with the
MSGR. JOSE B. AGUINALDO FOUNDATION, INC.
Unit 915, Union Square 1 Condominium
145 15th Ave., Cubao 1109 Quezon City

PUBLISHER
Vicariate of St. Anne, Hagonoy
Roman Catholic Diocese of Malolos
MODERATOR
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P.
EDITOR-IN-CHIEF
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
ASSOCIATE EDITORS
Sem. Justine Cedric C. Espinosa
El Gideon G. Raymundo
SECTION EDITORS
KULTURA
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Sem. Samuel A. Estrope, II.
TRIBUTES AND FEATURE:
Basilio R. Martin
OPINION
Marlon B. Santos
PHOTOGRAPHY
Rolando P. Bartolome
Arvin Kim M. Lopez
John Andrew C. Libao
El Gideon G. Raymundo
Bernadette Elaine M. Faustino
Sem. Ulysses Ernesto F. Reyes
Sem. Gio Carlo B. Almirañez
Gabriel S. Sebastian
LITERARY
Consolacion T. Faundo
CONTRIBUTORS
Ronnel B. Perez, Marvin M. Magbitang, Sherwin M. Antaran, 
Sem. Justine Cedric C. Espinosa, Sem. Gio Carlo B. Almirañez,
Joanna Marie S. Buensuceso, Ma. Theresa G. Perona, Jun R. Acuña,
Presentacion D. Imbang, Mharkdhy M. Atienza, Eugene L. Maoy,
Arvin Kim M. Lopez, Jose Luis V. Carpio, Sem. Angelo Paulo O. Chico, 
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban, Consolacion T. Faundo
COVER DESIGN AND LAYOUT
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
PRODUCTION CONSULTANTS
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P.
Rev. Msgr. Luciano C. Balagtas
Rev. Fr. Reynaldo V. Rivera

ALL RIGHTS RESERVED 2012
Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines
An Online Publication produced by the Catholic Hagonoeño Vicarial Media Group
www.catholichagonoeno.blogspot.com

Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines is a quarterly electronic magazine which aims at providing quality information, trivia, facts and discussion on the different traditions, practices and teachings of the Catholic faithful of the town and vicariate of Hagonoy, Bulacan to know of the significance of these to their living and faith. This organ serves as an independent organization from the parishes yet works for the preservation of the Catholic cultural heritage of the town and vicariate contained within the parochial communities.

About the Cover Page  - The celebration of the Fiesta de Sta. Ana on the 26th of July is the major event for the whole town of Hagonoy, Bulacan. Members of the Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc. (KAKATHA) attend to this celebration annually. The Misa Mayor in this cover photo was presided over by Most. Rev. Jose F. Oliveros, D.D., Bishop of Malolos together with the priests in the parish and others. At the left of the picture is the logo of the Jubilee Day for the Elderly held at the National Shrine of St. Anne on the 28th of July. This symbolizes the festivities that have occurred in honor of the town patroness, Apo Ana de Hagonoy. 


MESSAGES:

Message from the Editor-in-Chief
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban

KULTURA:


Mharkdhy M. Atienza

Sem. Justine Cedric C. Espinosa and Sem. Gio Carlo B. Almirañez

Joanna Marie S. Buensuceso and Sherwin M. Antaran


Presentacion D. Imbang

Mharkdhy M. Atienza


FEATURE SECTION:

Jubilee Day for the Elderly

Contents:

Pre-Jubilee Day for the Elderly Interview
Rev. Fr. Francisco G. Carson, M.A.
Organizer, Jubilee Day for the Elderly

Keynote Address
Rev. Msgr. Andres S. Valera, H.P., SLL
Vicar General, Diocese of Malolos

First Conference - "The Grace of Aging"
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P., M.A., S.Th.D.
Kadiwa sa Pagkapari Foundation, Inc.
Msgr. Jose B. Aguinaldo Foundation, Inc.

Second Conference - "Transforming Grace and Unwavering Faith"
Rev. Fr. Emmanuel I. Cruz, S.Th.D.
Dean of Studies
Graduate School of Theology
Immaculate Conception Major Seminary

Post-Jubilee Day Report
Rev. Msgr. Luciano C. Balagtas, M.A.
Parish Priest and Rector
Parish and National Shrine of St. Anne
Hagonoy, Bulacan


PORTFOLIO:


Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
Hagonoy, Bulakan


TRIBUTE:


Rdo. Msgr. Angelito Juliano Santiago, H.P.
Kura Paroko, Parokya ng Mahal na Ina ng Bundok ng Karmelo
Barasoain, Malolos City

Rdo. P. Joselito Robles Martin
Direktor, Pastoral-Spiritual Integration Year
San Carlos Graduate School of Theology

Arvin Kim M. Lopez and Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban

ST. MARY'S ACADEMY OF HAGONOY: 
Punlaan ng mga Mangingisda ng Pananampalataya
Jose Luis V. Carpio

MENSAHE MULA SA PATNUGOT/MESSAGE FROM THE EDITOR: Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban



EDITORIAL:
ANG PAGSASALIN NG IBINAHAGI: Gawain ng Kulturang Katoliko


Kaya nga, mga kapatid, manatili kayong matatag sa mga katotohanang
itinuro namin sa inyo, maging sa salita o sa sulat.” (2 Tes. 2:15)

     Ang katagang ito ayon kay Apostol San Pablo ay isang paalala sa mga mananampalataya sa kahalagahan ng mga bagay na itinuro ukol sa kanilang pananalig sa Diyos. At sa pagsisimula natin ng isang apostoladong naglalayon na “palakasin ang diwa ng pagtatanglikik sa natatanging pamanang kalinangan ng Simbahan sa bayan at bikarya ng Hagonoy”, nakarating ako sa isang pagninilay. Noong panahon ng mga sinaunang Kristiyano, pinaghirapang ibahagi ng mga apostol at mga saksi ng ating pananamapalataya ang kanilang pinaniwalaan, si Kristo. Sumabak sila sa gitna ng madlang nagkakagulo sa mga kaisipan: ang paniniwala sa kayamanan, luho at kapangyarihan. Kaya naman kung ano ang ginawa nila San Pedro at San Pablo at nang kanilang mga kahalili, ganoon din ang ginagawa natin ngayon. Sa abot ng ating makakaya inuudyok natin ang ating mga sarili na “manatiling matatag sa mga katotohanang itinuro.” At iyon ang ating pinaninindigan sa paglago ng pahayagang ito: ang pagpapatatag ng ating pananampalataya.

  At paano pa bibigyan ng katatagan ang ating pananampalataya kundi sa gawaing matagal nang ginagawa ng mga nakatatanda sa atin, ang pagtuturo. Ang pagtuturo – ang ating paglayon na “magbigay ng kaalaman” - ang ating gampanin bilang mga Katolikong nagsisilbing ilaw para sa ating mga kasamahan. At sa bayan ng Hagonoy, bunga ng pagtuturong ito ang maraming pari, relihiyoso at relihiyosa at mga aktibong layko sa Simbahan. Ngunit sa panahon natin ngayon, kapag nagbibigay ako ng panayam ukol sa bokasyon sa mga paaralan, magugulat ang mga kabataan na aabot na pala sa isang daan ang paring nagmula sa Hagonoy. Dito ka magtataka na kung hindi nila alam ito, sino pa kaya ang magpapatuloy? Kaya naman naging gampanin ng pahayagang ito na “magbigay ng kaalaman ukol sa maraming bokasyon na nagmula sa bayan ng Hagonoy.” Sa kaisipang ito, hinihiling ng ating pahayagan na sana, makita ito at malaman ng ating kabataan upang sila ay matuto, makaalam at makapagnilay.

   Ang kulturang Katoliko na ating kinalakhan ang magdadala sa atin sa ginawa nating tema para sa Ginintuang Jubileo ng ating diyosesis: “Biyayang Nagpapanibago at Di-nagmamaliw na Pananampalataya.” At dito sa ating pahayagan, lubos nating pinapahalagahan na para sa isang matibay na pananampalataya, magkaroon tayo ng “sapat na pagpuna at pagtatalakay ukol sa mga bahagi ng kasaysayan... (at) ng mga gawaing tradisyunal na patuloy na ginagawa hanggang sa kasalukuyan.” Ating tinitignan at binubuksan ang ating mga gawaing Katoliko para sa ikauunlad ng Simbahan.

   Kaya naman sa pagpapalawak natin ng ating kaalaman bilang mga Katolikong anak-Hagonoy at mga miyembro ng bikarya ni Sta. Ana ng ating diyosesis, mahalin natin ang ating kinagisnang pananamapalataya. Sa paglabas ng mga inilathala ng ating pahayagan - ang Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines – ating damhin at tanggapin ang paglaganap ng isang buhay na pananamapalatayang isinasalin natin sa mga susunod na henerasyon.

Viva Apo Ana de Hagonoy!

Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Administrator and Editor-in-Chief


Ang pagsimula ng isang samahan na patuloy na nagbibigay ng paglilingkod para sa bayan ng Diyos sa Hagonoy, Bulacan. Ang larawan ni Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban, Founder, Administrator and Editor-in-Chief ng pahayagang ito kasama ni Rdo. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., Moderator ng pahayagan. Kinuha ito matapos ang panayam ni Msgr. Vengco noong naganap na Araw ng Jubileo para sa Katandaan na ginanap sa Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana sa Hagonoy noong ika-28 ng Hulyo. Maraming salamat kay G. Christopher C. Arellano ng Pandiyosesis na Lupon ng Ugnayang Panlipunan para sa pagkuha ng mga larawan.

KULTURA: Ang Pagdalaw ng Poong Hesus Nazareno sa Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario






  Naging panata na ng maraming Pilipino ang pagpunta sa Quiapo upang makita ang itim na Poong Nazareno dahil pinaniniwalaan nila na ang Imahen ng Nazareno ay gumagawa ng mga himala. Sampu-sampung libong mga deboto ang pumupunta sa panahon ng isang relihiyosong prusisyon tuwing ika-09 ng Enero.

   Isang napakalaking biyaya ng Poong Maykapal ang pagdalaw ng Poong Nazareno sa Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario sapagkat napakaraming parokyano ang may debosyon sa Poong Nazareno. Walang mapagsidlan ng tuwa noong nalaman ng mga parokyano ang pagdalaw ng Poong Nazareno sa kanilang parokya. Kaya hinintay nila ito nang may kagalakan sa kanilang mga puso.

Ang pagdating ng Poong Hesus Nazareno ng Quiapo sa Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana patungo sa Parokya ng N.S. del Santissimo Rosario sa Sto. Rosario, Hagonoy.
   Sumapit ang ika-10 ng Hulyo 2012, ang araw ng pagdalaw ng Poong Nazareno na pinakahihintay ng mga parokyano. Ika-2:00 ng hapon nang sinalubong ng bayan ng Diyos ang Itim na Poong Nazareno sa patio ng Pambansang Dambana ni Sta. Ana sa saliw na awit na Nuestro Padre Jesus Nazareno.


Ang pagdalaw ng Poong Hesus Nazareno sa parokya ng Sto. Rosario: (Itaas) Ang pagsunod ng mga mananampalataya sa pilgrim image ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa patio ng parokya ng Sto. Rosario. (Gitna) Kasama ng imahen ng Nazareno ang itim na imahen ng Birhen ng Stmo. Rosario na patron ng parokya. (Ibaba) Ang makatang si Gng. Jaime Sumpaico sa kanyang pagtutula sa karangalan ng Poong Hesus Nazareno.
     Makikita sa mukha ng bawat isa ang kaligayahan habang inihatid ang Poong Nazareno sa Parokya ng Santissimo Rosario. Sinalubong ito ng mga mag-aaral ng Mercado Elementary School, Hagonoy West Central School at Ramona S. Trillana High School ang Itim na Poong Nazareno. Ngiti, luha at panalangin ang makikita sa mga mukha ng mga tao sapagkat sumapit na ang araw ng pagdalaw. Bago ipinasok ang Itim na Poong Nazareno ay inalayan ito ng isang tula bilang pagtanggap ni G. Jaime S. Sumpaico, at pagakatapos inilagay na sa altar ang Itim na Poong Nazareno.

Ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa karangalan ng pagdalaw ng Poong Hesus Nazareno at ng itim na Birhen ng Sto. Rosario na pinangunahan ni Rdo. P. Quirico L. Cruz, Tagapamahala ng Parokya.
    Sa pagdiriwang ng Banal na Misa, ipinahayag ng namuno na si Rdo. P. Quirico L. Cruz, Tagapamahala ng Parokya na:

Mapaghimala ang imahen ng Itim na Poong Nazareno sapagkat libo-libong deboto ang dumadayo sa Quiapo upang mahawakan lamang ang imahen ng Poong Nazareno, ngayon napakabuti ng Diyos dahil dinalaw niya tayo. Lahat tayo ay may kahilingan kaya tayo naririto, kaya ibulong natin mamaya sa ating paghalik ang ating mga ito.”

Ang imahen ng Poong Hesus Nazareno na hinalikan ng mga mananampalataya matapos ang pagdiriwang ng Banal na Misa. Matapos ng Banal na Misan naganap ang bihilya na pinuntahan ng marami sa mga parokyano.
     Matapos ang Banal na Misa, isinagawa ang pagpapahalik sa Poong Nazareno. Sa paghalik masisilayan ang mga mukhang taimtim na nanalangin at umasa na diringgin ng Diyos ang kanilang panalangin. Walang patid ang pagdating ng mga deboto para lamang mahawakan ang itim na Poong Nazareno. Nagkaroon din ng pagbabantay sa Itim na Poong Nazareno hanggang sa ika-2:00 ng madaling araw.

Nanatili ng isang gabi ang mga imahen ng Poong Hesus Nazareno at ng itim na Birhen ng Sto. Rosario sa loob ng simbahan hanggang sa iprusiyon ang mga ito sa paligid ng mga nasasakupan ng parokya noong sumunod na araw.

   Sa ikalawang araw na pananatili ng itim na Poong Nazareno nagkaroon muli ng Banal na Misa sa ganap na ika-7:00 ng umaga na pinangunahan muli ni P. Cruz. Matapos ang Banal na Misa isinagawa ang maringal na prusisyon sa karangalan ng Itim na Poong Nazareno sa nasasakupan ng Parokya. Hagis dito, hagis doon ang mga panyo ay makikita sa pagdaan ng Itim na Poong Nazareno habang ngiti naman ang isinalubong ng iba. Talagang nakakakilabot kapag nadaanan ka ng Itim na Poong Nazareno, dahil maaalala mo lahat ng iyong pagkakasala sa Diyos.


Ang pagsakay ng imahen ng Poong Hesus Nazareno ng Quiapo para iikot sa mga nasasakupan ng parokya ng Sto. Rosario.
     Matapos ang prusisyon, isinagawa ang pagpapaalam at huling pagbabasbas ni P. Cruz, hudyat ng paglisan ng Itim na Poong Nazareno. Inihatid ng Sangguniang Pastoral ang Itim na Poong Nazareno sa patio ng Pambansang Dambana ni Sta. Ana kung saan siya sinalubong sa aliw ng awit na Nuestro Padre Jesus Nazareno.

    Mula noon hanggang ngayon, napakaraming deboto ang Poong Nazareno dahil pinaniniwalaang ito mapaghimalang imahen ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

NUESTO PADRE JESUS NAZARENO ....
KAAWAAN MO KAMI

Photo Courtesy: Ma. Theresa G. Perona (Parish of N.S. del Santissimo Rosario)

KULTURA: FLOS CARMELI: Ang Orden Tercera ng Nuestra Señora del Carmen sa Hagonoy


     Ang Orden ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo o mas kilala bilang Orden ng mga Karmelita ay isang relihiyosong orden nagmula pa noong ika-12 siglo. Ayon sa paniniwala ito ay nagsimula sa isang grupo ng mga ermitanyo, kasama dito si San Bartolo na nanirahan sa bundok ng Carmelo sa Palestino mahigit 800 taon na ang nakaraan na ngayon ay bahagi na ng hilagang bahagi ng bansang Israel.

Ito ang antigong imahen ng Birhen ng Bundok ng Karmelo 
noong 1984 sa panahon ni Rdo. P. Salvador Viola, Jr.
Maikukumpara ito sa imahen na makikita sa itaas 
ng artikulong ito na ipinagawa naman ng mga taga-baryo
 noong 1998. Nasa pangangalaga ng parokya ang imaheng 
antigo habang kay Gng. Nory Aguilar naman ang i
maheng mas bago.
     Nangaral si Rev. Fr. Salvador Viola Jr. (1984-1989) sa mga taga Parokya ni Sta. Elena tungkol sa Mahal na Birhen ng del Carmen na nuo’y araw kapistahan. Ninais ng mga babaeng taga-Sta. Elena na bumuo ng samahan namag-uugnay sa Mahal na Birhen ng Bundok ng Karmelo matapos silang magkaroon ng inspirasyon mula sa pangangaral ng Kura Paroko noon na si Rdo. P. Salvador Viola, Jr. (1984 – 1989) noong araw ng kapistahan ng Mahal na Birhen. Sina Gng. Juliana Panganiban, Gng. Carmen at Cathalina Sumala na pumanaw na at sina Gng Carolina Carino, Gng. Precila M. Jose at Cristeta Tolentino ang bumubuo sa unang samahan na ito.
     Ayon kay Gng. Carolina Carino, ang gustong sumapi sa Orden Tercera ng mga Karmelita ay dumaraan sa maraming pagsubok. May pagsubok na sa loob ng anim na buwan bawal lumiban ang nagnanais dahil isang beses ka lamang lumiban ay uulit ka muli sa umpisa. Kapag ikaw ay naka-isang taon nang walang liban, gagantimpalaan ka ng “temporary scapular.” Kung ikaw ay naka-dalawang taon na gagantimpalaan ka muli ng “official scapular.” Sa pangatlong taon mo ng walang liban ay susuotan ka na ng kapa at itatalaga sa monasteryo ng mga monghang Karmelita, ang Carmelite Monsatery of the Holy Family na nasa loob ng compound ng Seminaryo ng Inmaculada Concepcion sa Guiguinto.


Si Gng. Carolina Carino ay isang 81 taong
gulang na miyembro ng Orden Tercera.
Pumasok siya sa samahan noong 51 taong
gulang siya at hanggang sa ngayon ay
patuloy na nakikibahagi sa pagdarasal
ng orden. Dahil sa kanyang katandaan,
binigyan na rin siya ng Orden Tercera ng
Ceritificate of Hermitage.
     Ang paring nagsisilbing tagapangalaga sa mga miyembro ng Orden Tercera ang nagtatalaga sa kanila bilang isang ganap na miyembro ng orden. Kung ikaw naman ay isa nang miyembro ng Orden Tercera ngunit hindi ka na makakadalo sa mga pagtitipon at pagpupulong dala ng karamdaman, bibigyan ka ng tinatawag na Certificate of Hermitage na nagbibigay sa iyo ng pribilehiyo na kung kalian mo lamang gustong pumunta sa mga pagtitipon ay maaari dala ng kondisyon ng miyembro. Ang kanilang talaan ng pagdalo ay isinusumite sa punong monasteryon ng mga Karmelita na makikita sa Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Karmelo sa New Manila, Lungsod ng Quezon.
     Tuwing unang Sabado ng bawat buwan nagkakaroon sila ng pulong at pagdarasal ng sama-sama. Bukod sa pagdarasal ng Sto. Rosario dinarasal din nila ang Panalangin ng mga Kristiyano na kung tawagin ay Liturgy of the Hours o ang pagdarasal ng breviario. Maliban dito ay nagdadasal pa sila ng tatlong beses sa loob ng isang araw bilang bahagi ng kanilang gawain.
     Ngayong taon ang ika-27 ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Birhen ng Bundok ng Karmelo sa Parokya ni Sta. Elena sa Hagonoy noong ika-16 ng Hulyo, 2012. Umiikot sa mga miyembro ng Orden Tercera ang pag-hehermano o kung minsan ay naaatang ang responsibilidad ng pagiging hermano sa hindi miyembro ng orden. Si Gng. Paulina Canalok ng Sto. Rosario, Hagonoy ang siyang humawak sa mga responsibilidad para maging Hermana Mayor ngayong taon.
     Naka-sentro ang Jesus the Infant (Hesus na Sanggol) Chapter ng Orden Tercera ng Mahal na Ina ng Bundok ng Karmelo sa Parokya ni Sta. Elena ng Hagonoy kung saan nagsimula ang samahan. Sa kasalukuyan ang kanilang Prioress ay si Gng. Nathalia Lopez, TOC (Third Order of Carmel) na taga-San. Nicolas sa Hagonoy.


Ang Orden Tercera ng N.S. del Carmen ng bayan ng Hagonoy na nakasentro sa Parokya ni Sta. Elena Emperatris. Kasama nila sa larawang ito si Rdo. P. Domingo Salonga na naging Chairman ng Lupon ng Paghubog sa Diyosesis ng Malolos. Kinuha ang larawan sa simbahan ng Parokya ni San Juan Bautista sa Kalumpit, Bulakan.
Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang (Parish of St. Helena the Empress)


Page 1 of 6
Please press Older Posts for Page 2.

KULTURA: San Ignacio ng Loyola: Dakilang Patron ng Isla ng Pugad

(Itaas): Ang simbahan ni San Ignacio de Loyola na makikita sa sentro ng pulo o isla ng Pugad, ang dulong barrio sa bayan ng Hagonoy, Bulakan. Makikita dito ang parola ng bayan ng Hagonoy na napapalibutan na ng look ng Maynila.
Sino si San Ignacio ng Loyola?

     Si San Ignacio de Loyola ang nagtatag ng samahan ng mga misyonero Society of Jesus (S.J.) noong taong 1541. Kilala sa tawag na “Jesuits” o mga Heswita ang mga kaanib ng samahang ito. Ipinanganak siya noong taong 1491 sa Espanya. Noong una, siya ay namuhay bilang isang sundalo at lumaban siya sa ngalan ng hari ng Espanya. Gustung-gusto niyang magpakitang-gilas sa mga kababaihan. Noong taong 1521, ipinagtanggol niya ang isang kastilyo sa Pamplona sa Espanya laban sa mga Pranses. Isang bala ng kanyon ang tumama sa kanyang binti na naging dahilan ng kanyang pagbagsak. Noong bandang huli, siya at ang kanyang mga kasamang sundalo ay sumuko rin sa hukbo ng mga Pranses.

     Siya ay dinala sa kanyang bahay sa bayan ng Loyola at habang nagpapagaling siya ng kanyang sugat sa binti, humingi siya ng mga librong babasahin. Walang maibigay sa kanya na mga babasahin kundi ang mga talambuhay ng mga santo at santang Katoliko. Samantalang binabasa niya ang mga librong ito, nagkaroon siya ng pagbabagong-loob. Mula sa pagiging isang sundalo ng hari, siya ay nagsimulang maglingkod bilang sundalo ni Hesu-Kristo.

     Sa pagkakatatag niya sa kanyang samahan, humayo ang mga kasapi nito sa iba't ibang dako ng ating mundo. Sa kasalukuyan makikita sila sa iba't ibang mga kontinente - nasa Europa, Africa, Asia, Hilaga at Silangang Amerika at sa Oceania. Dito sa ating bansa, kilala sila sa pagtatayo ng iba't ibang mga pamantasan at paaralan tulad ng sikat na pamantasan ng Ateneo de Manila sa lungsod ng Quezon.

Isang Araw ng Pasasalamat mula sa mga Taga-Pugad


Ang imahen ni San Ignacio ng
Loyola na iprinusisyon noong
Pistang Pasasalamat ng
Parokya ni Sta. Elena noong
Agosto 18.
     Sa dulong isla ng Pugad sa Hagonoy, itinatangkiik ng mga taga-roon ang banal na taong ito. Mistulang naging isang misyon ang pagpapalaganap roon ng pananampalatayang Katoliko dala ng layo nito sa kalupaan. Ngunit natatangi na sa kanya ipinamatnubayan ang islang ito upang maging tanda ng tagumpay ng pananampalataya sa hangganan ng Hagonoy. Kaya naman ang kapistahan ng santo tuwing ika-31 ng Hulyo ay isang araw para sa dakilang patron ng Isla ng Pugad. Isa itong pasasalamat sa mga biyayang nakamtan ng bawat isa at sa walang sawang paggabay ng santo sa gitna ng mga panganib mula sa karagatan. Sa bawat paghampas ng alon, kaalinsabay ang mga problema ng bawat isa. At sa tulong ng mahal na patrong si Apo Ignacio, naipapabatid ang aming kahilingan sa Amang lumikha. Kung kaya’t sa araw na ito ang bawat isa sa mga taga-Pugad ay magpupugay kay Apo Ignacio. Bisperas pa lamang ay umaapaw na ang kasiyahan sa bawat isa. Nagkaroon ng isang banal na misa sa ganap na ika-6 ng gabi sa pangunguna ng Kura Paroko ng Sta. Elena, Rdo. P. Efren G. Basco at pagkatapos ay nagkaroon ng isang prusisyon na umikot sa buong isla, tampok ang Imahen ni San Ignacio, mga taga-isla at ang Hermano na si Gng. Alfredo Medina Santos Sr. na nakatira sa tapat ng harap ng munting bisita.


Ang imahen ni San Ignacio ng Loyola,
ang dakilang patron ng isla ng Pugad
sa Hagonoy.
    Dumating ang araw ng kapistahan ni San Ignacio, ang araw na pinakahihintay ng bawat isa bagamat patuloy ang pagbayo sa kanila ng sama ng panahon kasabay pa ang malaking tubig. Ito’y tuloy pa rin. Nagsimula ang Banal na misa sa ganap na ika-10 ng umaga, ang Misa Mayor at sinundan ng isang banal na prusisyon sa saliw ng tugtog ng banda ng musiko kasabay pa ang pag-indak ng mga kababaihan ng nayon. Sigaw dito sayaw doon, pagpapakita ng tunay na kagalakan para sa kanilang pintakasi.. Matapos ang prusisyon nagkaroon ng isang munting salu-salo sa tahanan ng Hermano. Ayon kay Gng. Santos, dumalangin ang kanyang anak sa mahal na patron upang mawala ang kanyang karamdaman, kung kanyang sinuportahan ang paghehermano sa dakilang patron.

    Sa pagdapit ng gabi, nagkaroon muli ng isang Banal na Misa sa ika-7 ng gabi at sinundan ito ng isang banal na prusisyon. Matapos ang prusisyon sinundan ito ng isang palabas sa patio ng simbahan kung tawagin nila ito ay jamboree na inihanda ng mga kalalakihan ng Pugad. Tinapos ito sa isang awitin na inihandog nila para kay Apo Ignacio. Kasama dito ang hermano na umaayon sa tradisyunal na gawain na isang lalaki lamang ang maaaring maging hermano para sa kapistahan ng Pugad.


Ang tarpaulin ng kapistahan ni San Ignacio de Loyola na pinamunuan ng Hermano Mayor nito na si Gng. Alfredo Media Santos, Jr. Makikita dito ang tema ng pagdiriwang na, "It's More Fiesta in Pugad, Hagunoy, Bulacan" na may hawig sa tourism program ng pamahalaan na "It's More Fun in the Philippines."
   Kinabukasan ay nagtipon-tipon muli ang mga taga-Isla para ipasa ang Vallarta sa susunod na Hermano.

“Napaginipan ko si Apo Ignacio na naghermano daw ako sa kanya(ng kapistahan). Kaya naipangako ko sa aming patron na kapag ako ay nakaluwag-luwag ay itutuloy ko ang paghehermano sa kanya sa susunod na taon.” Wika ni Gng. Apolinario Agulto ang Hermano para sa taong 2013.

   Isang masaya, makabuluhan at puno ng biyaya ang pasasalamat nila sa dakilang patron na si San Ignacio de Loyola.

Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang (Parish of St. Helena the Empress)