Naging
panata na ng maraming Pilipino ang pagpunta sa Quiapo upang makita
ang itim na Poong Nazareno dahil pinaniniwalaan nila na ang Imahen ng
Nazareno ay gumagawa ng mga himala. Sampu-sampung libong mga deboto
ang pumupunta sa panahon ng isang relihiyosong prusisyon tuwing
ika-09 ng Enero.
Isang
napakalaking biyaya ng Poong Maykapal ang pagdalaw ng Poong Nazareno
sa Parokya ng Nuestra Señora
del Santissimo Rosario sapagkat napakaraming parokyano ang may
debosyon sa Poong Nazareno. Walang mapagsidlan ng tuwa noong nalaman
ng mga parokyano ang pagdalaw ng Poong Nazareno sa kanilang parokya.
Kaya hinintay nila ito nang may kagalakan sa kanilang mga puso.
Ang pagdating ng Poong Hesus Nazareno ng Quiapo sa Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana patungo sa Parokya ng N.S. del Santissimo Rosario sa Sto. Rosario, Hagonoy. |
Sumapit
ang ika-10 ng Hulyo 2012, ang araw ng pagdalaw ng Poong Nazareno na
pinakahihintay ng mga parokyano. Ika-2:00 ng hapon nang sinalubong ng
bayan ng Diyos ang Itim na Poong Nazareno sa patio ng Pambansang
Dambana ni Sta. Ana sa saliw na awit na Nuestro Padre Jesus Nazareno.
Makikita
sa mukha ng bawat isa ang kaligayahan habang inihatid ang Poong
Nazareno sa Parokya ng Santissimo Rosario. Sinalubong ito ng mga
mag-aaral ng Mercado Elementary School, Hagonoy West Central School
at Ramona S. Trillana High School ang Itim na Poong Nazareno. Ngiti,
luha at panalangin ang makikita sa mga mukha ng mga tao sapagkat
sumapit na ang araw ng pagdalaw. Bago ipinasok ang Itim na Poong
Nazareno ay inalayan ito ng isang tula bilang pagtanggap ni G. Jaime
S. Sumpaico, at pagakatapos inilagay na sa altar ang Itim na Poong
Nazareno.
Ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa karangalan ng pagdalaw ng Poong Hesus Nazareno at ng itim na Birhen ng Sto. Rosario na pinangunahan ni Rdo. P. Quirico L. Cruz, Tagapamahala ng Parokya. |
Sa
pagdiriwang ng Banal na Misa, ipinahayag ng namuno na si Rdo. P.
Quirico L. Cruz, Tagapamahala ng Parokya na:
“Mapaghimala
ang imahen ng Itim na Poong Nazareno sapagkat libo-libong deboto ang
dumadayo sa Quiapo upang mahawakan lamang ang imahen ng Poong
Nazareno, ngayon napakabuti ng Diyos dahil dinalaw niya tayo. Lahat
tayo ay may kahilingan kaya tayo naririto, kaya ibulong natin mamaya
sa ating paghalik ang ating mga ito.”
Matapos
ang Banal na Misa, isinagawa ang pagpapahalik sa Poong Nazareno. Sa
paghalik masisilayan ang mga mukhang taimtim na nanalangin at umasa
na diringgin ng Diyos ang kanilang panalangin. Walang patid ang
pagdating ng mga deboto para lamang mahawakan ang itim na Poong
Nazareno. Nagkaroon din ng pagbabantay sa Itim na Poong Nazareno
hanggang sa ika-2:00 ng madaling araw.
Sa ikalawang araw na pananatili ng itim na Poong Nazareno nagkaroon muli ng Banal na Misa sa ganap na ika-7:00 ng umaga na pinangunahan muli ni P. Cruz. Matapos ang Banal na Misa isinagawa ang maringal na prusisyon sa karangalan ng Itim na Poong Nazareno sa nasasakupan ng Parokya. Hagis dito, hagis doon ang mga panyo ay makikita sa pagdaan ng Itim na Poong Nazareno habang ngiti naman ang isinalubong ng iba. Talagang nakakakilabot kapag nadaanan ka ng Itim na Poong Nazareno, dahil maaalala mo lahat ng iyong pagkakasala sa Diyos.
Ang pagsakay ng imahen ng Poong Hesus Nazareno ng Quiapo para iikot sa mga nasasakupan ng parokya ng Sto. Rosario. |
Matapos
ang prusisyon, isinagawa ang pagpapaalam at huling pagbabasbas ni P.
Cruz, hudyat ng paglisan ng Itim na Poong Nazareno. Inihatid ng
Sangguniang Pastoral ang Itim na Poong Nazareno sa patio ng
Pambansang Dambana ni Sta. Ana kung saan siya sinalubong sa aliw ng
awit na Nuestro Padre Jesus Nazareno.
Mula
noon hanggang ngayon, napakaraming deboto ang Poong Nazareno dahil
pinaniniwalaang ito mapaghimalang imahen ng ating Panginoong
Hesu-Kristo.
NUESTO
PADRE JESUS NAZARENO ....
KAAWAAN
MO KAMI
Photo Courtesy: Ma. Theresa G. Perona (Parish of N.S. del Santissimo Rosario)
Photo Courtesy: Ma. Theresa G. Perona (Parish of N.S. del Santissimo Rosario)
No comments:
Post a Comment