Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, April 27, 2013

Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines (Volume 2, Issue 1, April 2013)



An Online Magazine of the Catholic Hagonoeño Social Communications Group

An online apostolate of the Catholic faithful of the
VICARIATE OF ST. ANNE, HAGONOY
(National Shrine of St. Anne [Sto. Niño, Hagonoy], Parish of Nuestra Señora del Santissimo Rosario [Sto. Rosario, Hagonoy], Parish of St. Helena the Empress [Sta. Elena, Hagonoy], Parish of St. John the Baptist [San Juan, Hagonoy], Parish of St. Anthony of Padua [Iba, Hagonoy], Parish of Ina ng Laging Saklolo [San Pedro, Hagonoy], Parish of St. Joseph the Worker 
[San Jose, Calumpit], Parish of St. James the Apostle [Poblacion, Paombong] and the Mission
Parish of Sta. Cruz [Sta. Cruz, Paombong].

in association with the
MSGR. JOSE B. AGUINALDO FOUNDATION, INC.
Unit 915, Union Square 1 Condominium
145 15th Ave., Cubao 1109 Quezon City

PUBLISHER
Vicariate of St. Anne, Hagonoy
Roman Catholic Diocese of Malolos
MODERATOR
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P., S.Th.D.
CO-EDITORS-IN-CHIEF
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Arvin Kim M. Lopez
ASSOCIATE EDITORS
Sem. Justine Cedric C. Espinosa
El Gideon G. Raymundo
SECTION EDITORS
KULTURA
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Sem. Samuel A. Estrope, II
Arvin Kim M. Lopez
TRIBUTES AND FEATURE:
Basilio R. Martin
OPINION
Marlon B. Santos
PHOTOGRAPHY
El Gideon G. Raymundo
Marvin M. Magbitang
Ma. Theresa G. Perona
Jun R. Acuña
Ariel L. Tolentino
PHOTOGRAPHY ACKNOWLEDGEMENT
Marvin Adriano Dalag
Julian P. Liongson
Sem. Adrian E. Eusebio
Sem. Rex Andrian E. Polintan
LITERARY
Consolacion T. Faundo
CONTRIBUTORS
Ronnel B. Perez, Marvin M. Magbitang, Jun R. Acuña, 
Mary Ann Christian D. Castro, Kim Eleandre del Pilar, Ariel L. Tolentino,
 Rev. Fr. Anacleto Clemente Ignacio, Sem. Samuel A. Estrope, II,
 Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban, Sherwin M. Antaran, 
El Gideon G. Raymundo, Sem. Niño Jomel H. de Leon, 
John Paul M. Morales, Consolacion T. Faundo
COVER DESIGN AND LAYOUT
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
ILLUSTRATOR
Saanir V. Gomez

PRODUCTION CONSULTANTS
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P.
Rev. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C.
Rev. Fr. Reynaldo V. Rivera

ALL RIGHTS RESERVED 2013
Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines
An Online Publication produced by the Catholic Hagonoeño Social Communications Group
www.catholichagonoeno.blogspot.com

Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines is a tri-annual electronic magazine which aims at providing quality information, trivia, facts and discussion on the different traditions, practices and teachings of the Catholic faithful of the town and vicariate of Hagonoy, Bulacan to know of the significance of these to their living and faith. This organ serves as an independent organization from the parishes yet works for the preservation of the Catholic cultural heritage of the town and vicariate contained within the parochial communities.

About the Cover Page  - The image of Jesus resurrected, Jesus Resucitado - symbol of the glory of the Lord in the light brought by the salvation in the season of Easter, which is the season the Catholic faithful have been preparing for the 40 days of Lent and for the celebration of the Paschal Triduum. This celebration is the highlight of the whole liturgical year. Following the portfolio last year on Holy Week in the National Shrine of St. Anne, the feature this year would be Holy Week in the Parish of N.S. del Santissimo Rosario. The coat of arms present in the cover is that of Pope Francis, the first pope from the Americas who is featured in this issue.

FEATURE ARTICLE:

Isang Panayam kasama ni Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio
noong Ikalawang Sinodo ng Diyosesis ng Malolos


TRIBUTE:


Rdo. Msgr. Enrico Saguinsin Santos, H.P.
Kura Paroko, Parokya ni San Agustin ng Hippo
Baliwag, Bulakan

Rdo. P. Rogelio Dizon del Rosario, MJ
Missionaries of Jesus
Our Lady of Peace School
Malabang, Lanao del Sur

Rdo. P. Marcelino Nicolas Tiongson, CRS
Clerics Regular of Somasca
Somascan Major Seminary
Kaybagal, Tagaytay City, Cavite


Exclusive: From the Editorial Team and 
                Sem. Samuel Aldaba Estrope, II

Documentary Review - Brigada-GMA News TV's "Bokasyon ni JP Soriano"
Exclusive: From the Editorial Team


OPINION:



LITERARY:

PITONG HULING WIKA


Rdo. Msgr. Andres Santos Valera, H.P., S.L.L.
Sem. Niño Jomel H. de Leon


Music Video
John Paul M. Morales

Consolacion T. Faundo



EDITORIAL:

DEO GRATIAS! SALAMAT SA DIYOS!



    Tunay ngang isang kagalakan na muling magkaroon ng issue para sa taong 2013 ang ating pahayagang Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines. Dahil dito mas lumalakas ang aming loob na ipagpatuloy ang gawaing ito sa pamamagitan pag-iisip ng mga paksa na maaaring pag-usapan sa aming mga binubuong issue. Hindi ko po matatanggi na ang Diyos ang siyang nagiging dahilan ng ganitong pagapapatuloy. Sa paggalaw ng Espiritu Santo nauudyok ang aming mga kalooban na ipagpatuloy ang apostoladong ito para sa mga mananampalataya ng bayan at bikarya ng Hagonoy. Ito po talaga ay isang biyaya na kinakailangang bigyan ng pasasalamat.



    Una sa lahat isa itong pagsasagawa ng mga naging bunga ng Annual Evaluation and Planning (AEP) ng pamunuan ng pahayagang ito noong Disyembre 2012 kung kailan hinikayat ang mga manunulat na bumuo ng iba't ibang mga akda na magbibigay liwanag sa mga pagdiriwang na ginagawa ng mga taga-Hagonoy. Pangalawa dito ay ang pagkakaroon ng talakayan ukol sa ilang kaganapan sa Simbahang Katoliko, kung kaya't mayroon ngayong mga gawa na may kinalaman sa ating bagong Santo Papa, Francisco at ukol sa kamakailan lamang na naganap na Ikalawang Sinodo ng Diyosesis ng Malolos. Nandito rin ang mga kaganapan noong nagdaang pagsasara ng Taon ng Ginintuang Jubileo ng Diyosesis ng Malolos na mayroong kaganapan sa Pambansang Dambana ni Sta. Ana sa Hagonoy. Kasama na din dito ang paglabas ng GMA New TV sa programang Brigada ng dokumentaryo ukol sa pagpapari sa Hagonoy, Bokasyon ni JP Soriano. Lahat ng ito ay kung baga'y hulog ng langit sapagkat ito po ay naging mga bagay na magbibigay pagpapanibago para sa Simbahang Katoliko lalo na dito sa bayan ng Hagonoy.



    Sa pagkakataong din ito, sinimulan naming lagyan ng kaunting lagay ng new media sa ating mga artikulo sa pamamagitan ng mga video at uplinks na nagpapakita ng halaga ng ating di-nagmamaliw na pananampalataya na buhat ng biyayang nagpapanibago na mula sa Banal na Espiritu. Sadyang ito ay mga hakbang na pinagsususmikapang gawin upang mas maging maganda ang pahayagang ito. Bilang pagkilala sa Bagong Ebanghelisasyon, isang bagay na magandang simulan ay pagsusuri sa iba't ibang uri ng media para sa ika-uunlad ng apostolado ng pamamahayag.



  Huli sa lahat, isang magandang biyaya na muling maranasan ang pagdiriwang ng Banal na Triduo ng Pagpapakasakit, Pagkamatay at Pagkabuhay ng ating Panginoon. Makikita ito sa pahayagang ito sa pamamagitan ng mga artikulong tumutukoy sa mga gawain sa loob ng pagdiriwang ng Semana Santa sa Hagonoy at ng akda ni binuo ni Msgr. Andres S. Valera ukol dito na makikita sa bahaging pampanitikan.

     Sadyang maraming kailangang pasalamatan para sa mga biyayang ating natanggap ngayong taon. Sa ngalan ng aking naging katuwang na patnugot para sa isyung ito, Arvin Kim M. Lopez, muli naming ipinapahayag ang diwa ng Katolikong Hagonoeño.

Deo Gratias! Salamat sa Diyos!

Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Administrator and Co-Editor-in-Chief

ADVERTISEMENT: Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines


Like the Catholic Hagonoeño Facebook Page 

KULTURA | CULTURE: BUNYING STO. NIÑO: Ilang Pagninilay sa Debosyon sa Haring Sanggol
































     Angat na angat sa ating mga Pilipino ang kapistahang ito, ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño. Maraming bayan at lugar ang nakikiisa sa pagdiriwang na ito. Tulad ng Lungsod ng Cebu, kilalang-kilala sila sa kanilang pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño na kung tawagin nila ay Sinulog Festival. Ngunit sa kapistahan ng Sto. Niño dito sa ating bansang Pilipinas, may ipinapaalala sa atin na dalawang bagay: (1.) minsa’y naging bata ang Panginoong Jesus, at (2.) ang pagdating sa atin ng pananampalatayang Kristiyano sa ating bansa.

   Hindi lang sa Lungsod ng Cebu nagkaroon ng kapistahan o sa ibang lugar at bayan, nakiisa rin ang Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño. Ganap na ika-7:30 ng umaga idinaos ang Banal na Misa sa pangunguna ng ama ng paropkya na si Rdo. P. Quirico L. Cruz. Ayon sa kanyang homilya “Napakadakila ng kapistahang ito dahil sa pagdating ng Imahen ng Sto. Niño sa Cebu naganap ang kaluwalhatian ng Diyos sa bansang Pilipinas at dito naganap ang unang pagbibinyag."


     Pagkatapos ng Banal na Misa, isinunod ang maringal na prusisyon sa karangalan ng Sto. Niño. Napakaraming bata ang sumunod sa prusisyon at makikita sa kanilang mga mukha ang kasiyahan sa kanilang mga dala-dalang imahen ng Sto. Niño. Isa rin sa nagpatingkad ng Banal na Prusisyon ang mga batang nagati-atihan - “Pit Señor” ang kanilang mga isinisigaw kasabay ng kanilang pag-indak. Napakasaya at naging makabuluhan ang naging pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño sa Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario. Kailanman ay hindi na maiaalis sa ating mga Pilipino ang ganitong pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño. “PIT SEÑOR”



BUNYING STO. NIÑO, Kaawaan Mo Kami!

Photo Courtesy: Ma. Theresa G. Perona
                          Parish of Nuestra Señora del Santissimo
                          Rosario

KULTURA | CULTURE: Ang Pagdiriwang ng mga Taga-Marulao para sa Sto. Nino, ang Batang Tagapagligtas


































     Kilala ang imahen ng Sto. Nino bilang imahen ng Panginoong Jesus sa kanyang anyong kabataan.

   Ang unang imahen ng Santo Nino sa Pilipinas ay binigay ni Ferdinand Magellan kay Reyna Humaymay noong ika 14 ng Abil, 1521, sa Cebu na siya ring araw ng unang pagbibinyag sa mga Pilipino. Si Papa Innocente XIII ang nag-utos na ipagdiwang ito tuwing ikatlong Linggo ng Enero bilang pangkalahatang kapistahan ng Banal na Sanggol para sa Simbahan ng Pilipinas noong ika-18 siglo.


Ang mga kabataan ng Parokya ni Sta. Elena Emperatris na buhay na nagsasalarawan ng Ati-atihan, isang sayaw para sa mga kapistahan na ginagawa sa kabisayanan. Pagpaparangal ito ng mga taga-roon sa luwalhati ng Banal na Sanggol.
     Simula nuo’y kumalat at lumaganap ang debosyon sa Sto. Niño. Hanggang sa makarating ito sa mga karatig bayan hanggang sa makarating sa Bayan ng Hagunoy at nagkaroon ito ng isang munting bisita malapit sa kabayanan ng Hagonoy, na kung tutuusi'y bahagi pa rin ng barrio na ipinangalan sa Sto. Niño na siyang sentro ng bayan ng Hagonoy. Hindi matatawaran ang debosyon ng mga Katolikong Pilipino, pati na rin naman ng mga Hagonoeño sa Sto. Niño. Karamihan sa mga tahanan ng mga taga-rito, tulad din sa ibang mga lugar ay may imahen ng Kristong Sanggol. Dito sa Parokya ni Sta. Elena Emperatris, nagdiwang ng kapistahan para sa karangalan ng Batang Manunubos tuwing araw ng Linggo, Enero 20, 2013 tulad ng naaayon sa kalendaryo ng mga pagdiriwang ng Simbahan sa Pilipinas. Kasama ang mga magulang ng mga bata sa barrio ay nagsipagsimba sila. Dalangin ng kanilang ama at ina na basbasan ang kanilang mga anak, maging huwaran at maging modelo ng kanilang mga anak ang Sto. Niño. Puno ang simbahan hanggang sa patio.

 Pinangunahan ang pagdiriwang ng Hermana Mayor, si Gng. Helena Marie Gabrielle Feliciano at ng kanyang pamilya. Nuong bisperas nagkaurong ng dapit sa ganap na ika-5 ng hapon. Dinapit ng mag-asawang Jose at Maria ang batang Hesus sa tahanan ng Hermano patungo sa Simbahan.

    Nuong umaga naman, araw ng kinapistahan, walang humpay ang pagpapasyo ng banda ng musiko na sinalisihan pa ng isang mobile truck sa saliw ng tugtog ng sinulog kaya’t damang dama ang saya ng pista. Sa ganap na ika-9:30 ng umaga ay ginanap ang Banal na Misa para sa karangalan ng Sto. Niño. Sa pangunguna ng Kura Paroko ng Sta. Elena, si Fr. Efren G. Basco at ng pamilya ng hermana. Sa dami ng mga batang nagsimba ay halos puno na ang simbahan. Binasbasan ng Kura ang lahat ng mga batang naroroon. Isinimba ng mga ina ang kanilang mga anak upang idalangin na sa bawat araw na daraan ay bigyan ng mahabang buhay , ilayo sa ang mga bata sa sakit at sakuna. Matapos ang Banal na misa ay sinundan ito ng isang Maringal na Prusisyon kung saan ito ay pinangunahan ng isang ati-atihan sinundan ng seryales, estandarte, mga abay, ang hermana at ang imahen ng Sto. Niño at ang banda ng musiko. Masaya ang araw ng kapistahan. Matapos ng prusisyon, nagsalu-salo ang barrio sa tanghalian na sinundan pa ng palaro para sa mga bata.

     Tunay ngang malalim ang pananampalataya at paniniwala ng mga taga-Marulao sa batang manunubos at tagapagligtas. Matapos nito, isang taon nanaman ang lilipas at isa pang bagong taon ang darating. At sa bawat darating na taon ay muling ipagdiriwang naming mga taga- Marulao ang pista at karangalan ng Señor Sto. Niño.


Viva Sta. Elena de Hagonoy!!!

Viva Sta. Ana de Hagonoy!!!

Viva Señor Sto. Niño de Hagonoy!!!


Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang
                          Parish of St. Helena the Empress


Page 1 of 5
Please press Older Posts for Page 2.