Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, March 24, 2012

Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines (Vol. 1, Issue 1, March 2012)




Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines
A Quarterly Electronic Magazine on Hagonoeño Catholic Heritage and the Vicariate of St. Annne, Hagonoy

An online apostolate of the Catholic faithful of the
VICARIATE OF ST. ANNE, HAGONOY
(National Shrine of St. Anne [Hagonoy], Parish of Nuestra Señora del Santissimo Rosario [Sto. Rosario, Hagonoy], Parish of St. Helena the Empress [Sta. Elena, Hagonoy], Parish of St. John the Baptist [San Juan, Hagonoy], Parish of St. Anthony of Padua [Iba, Hagonoy], Parish of Ina ng Laging Saklolo [San Pedro, Hagonoy] and the Parish of St. Joseph the Worker 
[San Jose, Calumpit]

PUBLISHER
Vicariate of St. Anne, Hagonoy
Roman Catholic Diocese of Malolos
MODERATOR
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P.
EDITOR-IN-CHIEF
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
ASSOCIATE EDITOR
El Gideon G. Raymundo
MANAGING EDITORS
Basilio R. Martin, MIR (Filipino)
Marlon B. Santos, MA (English)
CONTRIBUTORS
Sem. Vil J. Santos, El Gideon G. Raymundo, Mharkdhy M. Atienza,
Sherwin M. Antaran, Dolores Mangahas-Cruz, Christian C. Flores, 
Gio Carlo B. Almirañez, Emilia M. Evangelista, Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Justine Cedric C. Espinosa, Consolacion T. Faundo
PHOTOGRAPHY
Rolando P. Bartolome
Arvin Kim M. Lopez
COVER DESIGN AND LAYOUT
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
PRODUCTION CONSULTANTS
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P.
Rev. Msgr. Luciano C. Balagtas
Rev. Fr. Reynaldo V. Rivera

ALL RIGHTS RESERVED 2012
Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines
www.catholichagonoeno.blogspot.com

Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines is a quarterly electronic magazine which aims at providing quality information, trivia, facts and discussion on the different traditions, practices and teachings of the Catholic faithful of the town of Hagonoy, Bulacan to know of the significance of these to their living and faith. This organ serves as an independent organization from the parishes yet works for the preservation of the Catholic cultural heritage of the town and vicariate contained within the parochial communities.





Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P.

Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban




Sem. Vil J. Santos
Parokya ni San Antonio de Padua, Iba, Hagonoy

El Gideon G. Raymundo
Parokya ng Mahal na Ina ng Santissimo Rosario, Sto. Rosario, Hagonoy

Mharkdhy M. Atienza

Parokya ni Sta. Elena Emperatris, Sta. Elena, Hagonoy


Sherwin M. Antaran
Parish of St. John the Baptist, San Juan, Hagonoy


Christian C. Flores
Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana, Hagonoy

Dolores Mangahas-Cruz
Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana, Hagonoy 

Gio Carlo B. Almirañez
Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana, Hagonoy


Emilia M. Evangelista
Parokya ng Ina ng Laging Saklolo, San Pedro, Hagonoy




Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Administrator and Editor-in-Chief 



Vol. 1, Issue 1, March 2012

Rdo. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P.
Msgr Jose B. Aguinaldo Foundation

Rdo. Msgr. Andres S. Valera, H.P.
Bikaryo Heneral, Diyosesis ng Malolos

Rdo. P. Paul Samuel M. Suñga
Kura Paroko, Parokya ng Ina ng Laging Saklolo, San Pedro, Hagonoy

Rdo. P. Elmer R. Ignacio
Kura Paroko, Parokya ng Mahal na Ina ng Bundok ng Carmelo, Pulong Buhangin, Sta. Maria

Justine Cedric C. Espinosa


Consolacion T. Faundo

MESSAGE FROM THE MODERATOR: Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P.



March 19, 2012
Solemnity of St. Joseph, Spouse of the Blessed Virgin Mary

Greetings of Peace!

The launching of the online publication CATHOLIC HAGONOEÑO: LOOKING INTO THE CATHOLIC HERITAGE OF HAGONOY, BULACAN, PHILIPPINES is a significant event for it is literally a wave of the future that is already here. First of all, it is an undertaking by the youth by young men and women from Hagonoy, the future of our people, who remarkably possess already and so early proactive love for their hometown. Theirs is a respect for and sensitivity to the Catholic and cultural heritage they have been blessed with. And they are determined that such a gift be not lost but rather treasured, enriched and shared with the larger public. Secondly, in harmony with the young people the world over they see the possibility and challenge that the social network provides humankind today. The young ones are born into a world without borders, a world of instant and universal communication. Typically, the youth of Hagonoy, Bulacan daring to do a labor of love with an online religious and cultural publication, sees the not so much the difficulty, in their undertaking to contribute what they can in the preservation and propagation of their religious heritage. They are responding to the call to utilize the social media in the task of evangelization, by sharing the Christian kerygma in the lines and forms of our Filipino-Bulakeño-Hagonoeño history and culture.

Auspiciously, CATHOLIC HAGONOEÑO goes online while the Diocese of Malolos celebrates its Golden Jubilee as a Local Church. We marvel and give thanks to God at the amazing transforming grace we have received these past fifty years as God's people, even as we pray and hope for our unwavering faith in response to God’s unmerited gifts. May CATHOLIC HAGONOEÑO prosper in this dynamic of God's grace summoning our generous answer of faith to the divine initiative. As I congratulate everyone of the team behind this endeavor, I pray that they may all experience the fulfilling joy of standing up for their Catholic faith. Forward in the power of the Holy Spirit!


Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P., S.Th.D.
Moderator

MENSAHE MULA SA PATNUGOT/MESSAGE FROM THE EDITOR: Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban


Ika-26 ng Marso
Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Magandang
Balita tungkol sa Panginoon

Pag-aanunsyo: Layunin at Misyon

     Pag-aanunsyo – ito ang gawaing ipinapakita sa atin sa pagdiriwang ng pagpapahyag ng Anghel Gabriel kay Maria ukol sa kanyang katayuan: ang pagiging Ina ng Diyos. At lubos ko ring nakikita ang gawaing ito bilang misyon ng pahayagang ito: ang pag-aanunsyo. Sa loob po ng anim na buwan ng lathalaing ito simula pa po noong nakaraang taon, marami na itong naipakita. Ipinakilala nito ang Simbahang Katoliko sa bayan ng Hagonoy, Bulakan at ang maraming kayamanan nito. Dito nakatayo ang Pambansang Dambana ni Sta. Ana at marami pang mga tahanan ng Diyos sa katayuan ng marami pa nitong mga parokya.

     Ngunit bilang isang pahayagang pangkultura, mas pinapalalim pa ng mga manunulat at mga tumatangkilik ang halaga ng gawaing ito. Kaya naman, sa pasimula ng kasalukuyang taon sinubukang pag-isahin ng mga tagapangasiwa ang kaparian, mga relihiyoso at mga layko upang pagsumikapang ayusin at paunlarin ang gawaing ito. At nakatutuwang tignan ang bunga ng paghihirap ng ating mga tagapangasiwa.

     Sa pagkakataong ito hinati po namin ang paglalathala ng pahayagang ito sa apat na bahagi (4 quarters) at nagsisilbi ito bilang unang sangkapat para sa taong ito. Marami rin ang naidagdag na mga panibagong bahagi dito tulad na lamang ng Bayang Levitico. Ito ang bahagi para sa ating kaparian na miyembro ng Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc. (KAKATHA), ang samahan ng mga paring anak-Hagonoy. Lubos ang suportang ipinakita ng parehong mga pari, mga relihiyoso at mga layko sa gawaing ito, at nagpapasalamat  po ako para doon. Ang lahat ng ito ay isinkatuparan para sa ikadadakila ng Panginoong Jesukristo.

     Kaya naman inaanyayahan ko po kayo upang basahin, magnilay at mamangha sa mga makulay na tradisyon at turong Katoliko sa unang quarterly edition ng pahayagang ito: Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines.


Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Administrator and Editor-in-Chief

KULTURA:Ang Unang Araw ng Taon ay Kay Kristo: Pagdiriwang ng Sto. Niño ng Iba, Hagonoy



     Naging tradisyon na sa bansang Pilipinas ang kapistahan ng Sto. Niño bilang pagpaparangal sa tagapagligtas, ang batang isinilang upang tubusin ang sansinukob. Ngunit sa Iba, Hagonoy naiiba ang kasanayan ng mga mananampalataya. Sapagkat minarapat ng mga taga-Iba na ipagdiwang ang kapistahan ng Sto. Niño sa unang araw ng bawat taon.

          Sa mismong barrio ng Iba, Hagonoy mayroong isang kapilya na kung saan patron ang minamahal na Niño Hesus. Ang kapilyang ito ay sakop ng Parokya ni San Antonio de Padua at mahahanap malapit sa simbahang parokya. Dito ginaganap ang taunang pagdiriwang ng kapistahan ni Sto. Niño na pinamamahalaan ng Sub-Pastoral Council ng nasabing kapilya. Karamihan sa mga namumuno sa kapilyang ito ay kabataan at ito’y mukhang nararapat bilang pagbibigay ng katungkulan sa mga kabataang ginusto ng Panginoon na maglingkod tulad ng sinabi Niya sa kanyang mga alagad: “Hayaan mong lumapit sa akin ang mga bata.” (Mateo 19:14)

          Lubos na idinadalangin sa Mahal na Poong Sto. Niño ang kagalingan ng mga bata at ang kanilang pag-unlad bilang pag-asa ng bayan. Noong ika-1 ng Enero ng taong ito, ipinagdiwang sa umaga ng parokya ang Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos na siyang liturhikal na pagdiriwang tuwing unang araw ng Enero. Matapos nito naman nanguna ang Sub-Pastoral ng Sto. Niño para sa pagdiriwang sa kapliya ng patron. Sa umaga, nanguna sa pagdiriwang si Rdo. P. Napoleon Baltazar, Katuwang na Pari ng Parokya ng Mahal na Ina ng Santo Rosario, Maysan, Valenzuela City na bisitang pari noon. Sinundan ito ng isang maringal na prusisyon kung saan masayang dala-dala ng mga tao ang mga imahen ng batang Hesus sa buong barrio. Noong gabi naman, tinapos ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Banal na Misa na pinangunahan naman  ng Kura Paroko, Rdo. P. Prospero V. Tenorio.

          Sa pag-umpisa ng taong pinagpala, pinatunayan ng mga taga-Iba ang pag-uukol ng unang araw ng taon para kay Kristo. Matapos nito, isang taon nanaman ang lilipas at isa pang bagong taon ang darating. At sa bawat darating na taon, iaalay uli ng mga taga-Iba ang kanilang mga sarili sa Niño Hesus, ang ating manunubos. 

KULTURA: Konsagrasyon, Isang Gunita!: Ang Pagpapasinayan ng Simbahan ng Sto. Rosario


     Isa sa mga hindi malilimutang petsa sa dahon ng kasaysayan ng Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario ay ang ika-4 ng Enero, 2009, tatlong taon na ang nakalipas ngunit bakas pa rin sa mga puso`t isipan ng bagong henerasyon ng parokya ang isang magandang ala-ala. Ang konsagrasyon at ang pagpapasinayan ng bagong gusaling simbahan ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ng Hagonoy ay lubos na pinanabikan ng mga parokyano noong buhat sa Olandis hanggang sa dulong Dita at maging yaong mga nasa malayong lugar na, sapagkat ito ay katuparan ng isang pangarap at adhikain na maipaayos at mabigyan ng marangyang dambana ang pinakamamahal na ina ng parokya. Isa ring araw ng pagpapasalamat at paghahandog sa Diyos na sa kabila ng lahat ng pagsubok ay napagtagumpayan ang isang malaking hangarin sa biyayang Diyos at sa tulong ng lahat ng nagmamahal sa Mahal na Birhen. Ang takdang araw ay lubhang inaabangan ng lahat, itinakda ang petsa, at ito`y itinapat sa unang linggo ng taon, Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon, pumatak sa kalendaryo ang ika-4 ng Enero. Naghandaang lahat, inaayos mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit na detalye upang higit na maging makabuluhan ang banal na araw na ito.


     At ang haring araw sa bukang-liwayway ng ika-4 ng Enero ay marahang sumikat at lubos na nagpaliwanag sa buong kalangitan, ang kampana`y bumatingaw at ang mga kuwitis ay sumagitsit. Alas 8 ng umaga`y puno na ang patyo ng simbahan at duo`y inaabangan ng lahat ang pagdating ng Mahal na Obispo, ang Lubhang Kgg. Jose F. Oliveros, D.D.  Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagtugtog ng Lupang Hinirang sa pangunguna ng Banda San Roque, isinagawa ang pagsasalin ng susi sa Obispo, sumunod ang pagputol ng mga laso sa tatlong pintuan ng patsada na pinamunuan ng mga kilalang tagapagtaguyod, binuksan ng Obispo ang gitnang pintuan at unti-unting pumasok ang lahat. Sa pagpasok, ang simbahan ay payak at walang ilaw at walang palamuti ang altar. Sinimulan ang Banal na Misa. Sa kalagitnaan ng misa ay isinagawa ang rito ng konsagrasyon, ang pagpapahid ng langis sa altar gayon rin sa labingdalawang haligi ng simbahan, ang paglalagay ng palamuti sa altar, ang pagpapausok ng insenso sa altar at ang pagbubukas ng mga kandila at ilaw ng simbahan, bago matapos ang banal na misa ay nagbigay ng madamdaming pananalitang pasasalamat ang noo`y Kura Paroko at siyang nanguna sa pagpapaayos ng simbahan na si Rdo P. Vicente B. Lina, Jr. 

     Dito rin niya sinalaysay ang mga pagsubok at mga karanasan sa balaking ipaayos ang simbahan. At pati na rin si Gng. Magdalena Raymundo-Perez na siya naming ka-pangulo ng Sangguniang Pastoral ay nagbigay rin ng pananalita, nagging matagumpay at tunay na pinagpala ang pagdiriwang na ito, isang malaking pagdiriwang na ipinagpapasalamat sa Diyos sa pagkatito`y naganap sa aming henerasyon. Isang bagay pa ang hinding–hindi malilimutan sa pagdiriwang na ito, kapag ikaw ay tumunghay sa altar mayor ay tatambadang napakaganda at napakarangya. lnaayos at namumutiktik sa magagandang bulaklak ang baldochinong mahal na patrona kung saan matatagpuan ang orihinal na imahen ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario de Hagonoy na suot ang kanyang pinakamagandang kasuotan na animo`y tunay na nagsasaya sa handog na ibinigay sa kanyang  mga anak – ang kanyang marangyang tahanan sa dulong Hagonoy.

Isang Pagbati sa Pagdiriwang ng ika-60 taon ng Parokya!

Mabuhay ang Parokya! Mabuhay ang Virgen ng Santo Rosario ng Hagunoy!

Mga Larawan ng Nakaraang Konsagrasyon ng Simbahan (Enero 4, 2008)
(Mga Larawan ni: El Gideon G. Raymundo)
Sinimulan ang pagdiriwang sapatyo. Ang pagsasalin ng susi ng simbahan sa Obispo sa Lubhang Kgg. Jose F. Oliveros, D.D., Obispo ng Malolos.

Ang antigong tabernakulo na handogng Pamilya Trillana at ang bahagi ng antigong sagraryo ng Visita ng Sta. Cruz, makikita ang virgin sa kanyang pinakamagandang regalia handog sa panahon ng paghehermano ni Rdo P. Vicente B. Lina, Jr.,  G. Dexter Santos at G. Roberto Villanueva.
Ang baldochinong Mahal na Birhen sa pagdiriwang ng konsagrasyon. Ang ilang parte ng Baldochino na ito ay bahaging dating baldochino ng Sta. Ana de Hagonoy sa pambansang dambana sa kabayanan. Makikita sa baldochino ang orihinal na imahen ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario de Hagonoy kasama rin ang mga imahen nina Sto. Domingo de Guzman at Sta. Catalina de Siena ang mga santong tagapagtatag at panatikong Banal na Rosario ng Mahal na Birhen.

Ang orihinal na imahen ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario de Hagonoy.

KULTURA: ISANG BANAL NA ARAW PARA SA BANAL NA MAG-ANAK: Ang Kapistahan ng Sagrada Familia, Hagonoy

 

Enero 01, 2012 - Ipinagdiwang ng mga taga-Malayak (sinaunang tawag sa barrio ng Sagrada Familia, Hagonoy) ang isang banal na araw para sa kanilang pinipintakasing mga patron, ang Banal na Mag-anak o mas kilala bilang Sagrada Familia. Isang espesyal na araw ito para sa kanila kung kaya't nag-alay sila ng pasasalamat, pagpupugay at mga panalangin. Ang lahat ay abala, nagahahanda at nilalagyan ng palamuting banderitas ang siguradong daraanan ng karosa ng Banal na Mag-anak.

Ang mga kabataan ay abala sa paghahanda para sa isang munting palatuntunang kakalahukan ng mga manganganta, mananayaw at mga natatanging magagandang dilag ng barangay. Matapos ang pagbukang- liwayway noong araw na iyon, sinisimulan ng mga taga-Malayak ang kanilang umaga sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Matapos ang unang misa, maghihintay ang iba para sa ikalawa. Magdaratingan ang mga taong-baryo upang magpasalamat sa mga biyayang ipinagkakaloob at sa patuloy na paggabay sa kanila ng Banal na Mag-anak. Sinundan ito ng banal na prusisyon na katatampukan ng mga deboto, mga abay, kapitan at kapitana, ang hermano, banda ng mosiko at ang karo ng Banal na Mag-anak.

Masaya ang mag-hapon na puno ng pagpapala mula sa langit. Ang pagdating ng mga tao sa bisita ay walang humpay. Ang lahat ay abala sa pagtanggap ng kani-kaniyang mga bisita sa kanilang mga tahanan. Bago matapos ang maghapon o mag agaw ang liwanag sa dilim, ilalabas muli sa bisita ang karosa para sa isa muling prusisyon. Magsasayawan ang lahat sa patio at sisindihan ang makukulay na pailaw. Matapos ang prusisyon isasagawa ang ilang araw , mga gabing pinag-puyatan at pinag-paguran na palatuntunan ng mga kabataan ng barangay. Isang araw ang natapos na puno ng pag-papala, hihintayin ng mga taga malayak ang buwan ng Abril upang isagawa muli ang ganitong pagdiriwang.

Ang kapistahan naman tuwing Abril ng Banal na Mag-anak sa Sagrada, Hagonoy ay ipinagdiriwang tuwing ikalawang taon.

KULTURA: Viva Pit Senyor!!!: The 2012 Sto. Niño Exhibit



SAN JUAN, HAGONOY - A celebration of faith and devotion for the child Jesus, a widely spread celebration of the feast of the Most Holy Child Jesus was celebrated not only in Cebu and Tondo but all over the country. Even in our own vicariate and in my home parish, the Parish of St. John the Baptist, it became a yearly devotion to the parishioners and the youth. Since 2008, our former Parish Priest Rev. Fr. Lamberto Tomas introduced the parochial celebration of the said feast. The said celebration takes place every second week of the first month of the year. However, this year it was moved from second week to fourth week of January due to the preparation of the annual Señor Sto. Niño Exhibit, hosted by the Parish Commission on Youth led by Richard Gutierrez and with the help of various organizations in the parish and of course with our Parish Priest, Rev. Fr. Candido D. Pobre, Jr.

The said exhibit was opened January 20, 2011 at exactly 6:45 in the morning, which was started with a sponsored mass for children. Several parishioners came in to see how beautiful the images of the Child Jesus are. Friends from neighboring parishes and parishes from the vicariate also spent time to lend their images of Señor Sto. Niño, a total of 40 images and figures were exhibited. The exhibit ran for 10 days in total, which included the novena days and the feast day on January 29. It was when all the owners of the images and figures took their time dancing, walking  and praying all through the procession which started at about 3:00 in the afternoon of a more or less two kilometer walk. They never got tired until the Holy Mass which was celebrated by Fr. Pobre. Its was almost 6 in the evening then, when the Holy mass ended, everyone shouted, “VIVA SENYOR STO. NIÑO!!” Afterwards, a simple snack was shared by almost 250 people and as a compliment to the children, Commission on Youth and other sponsors gave away candies and cookies. Everyone went home happy and hopeful of the blessings of the Señor Santo Niño’s blessings.

Indeed, it was another successful feast held for the most loved Child Jesus. And because of its success, surely next year’s celebration will be another triumph. So as I end this column I want you, readers to shout. “Viva Pit Senyor!” I hope to once again see you next year for this remarkable celebration.

Glimpses of the Celebration
(Pictures from: Sherwin M. Antaran)

Some of the images of the Senyor Sto. Niño which were exhibited in the parish of San Juan in Hagonoy for the celebration.
The youth of the Parish of St. John Baptist, together with some of the elderly have brought their images of the Sto. Niño in order for them to be exhibited. (Below) The faces of the images of the Child Jesus during the exhibit of the parish for the traditional Philippine feast for the Child-King. 

KULTURA: ANG PASYO NG MUSIKO: Ang Pagdiriwang ng Kapistahan ni San Sebastian



    Matapos ang kapaskuhan, sa barangay ng San Sebastian sa Hagonoy, Bulacan ay naghahanda  naman para sa kapistahan ng patrong si San Sebastian na Ipinag-diriwang tuwing ika-20 ng Enero. Bago sumapit ang araw na iyon ay nagkakaroon sa baryong ito ng nobenaryo at susundan ng sa isang Banal na Misa tuwing sasapit ang ikalabing-isa hanggang ika-labing siyam ng Enero sa maliit na Bisita at ang mga purok naman na nasasakupan nito ay nagsisispaghanda na rin para lagyan ng mga palamuti at dekorasyon sa kalsada. Dito rin nabubuo ang pagtutulungan at pagkakaibigan ng bawat kabataan upang mapaganda ang daraanan ng prusisyon sa kapistahan ng patron. Tuwing sasapit na ang ikalabing-isa ng Enero ay maririnig muna ang alingawngaw ng musiko na tumatawag pansin sa mga taong magsisimba hanggang sumapit ang araw ng kapistahan. Ayon sa mga nakatatanda, kapag narinig muna ang pasyo ng musiko na lumilibot sa buong barangay maghuhudyat ito na nalalapit na ang kapistahan. Nagkakaroon din ng mga palabas o kasiyahan  katulad ng pagandahan ng mga kababaihan ng bawat purok, palaro sa mga bata, patimpalak sa pagkanta at serenata sa gilid ng patio ng simbahan matapos ang nobena at ang Banal na Misa.

Nang sumapit ang araw ng kapistahan, umaga pa lang ay nagsipaghanda na ang mga tao para dumalo sa banal na misa na pinangunahan ni Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, Kura Paroko at Rektor ng Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana. Sinundan naman ito ng isang masayang prusisyon na inilibot sa buong barrio ng San Sebastian. Matapos ito ay  nagkaroon ng isang kaunting salu-salo sa kani-kanyang tahanan ang bawat pamilya. Nagtapos ang kapistahan sa isang Banal na Misa noong kinagabihan  ng araw ding iyon na pinangunahang muli ni Msgr. Balagtas. Nairaos na naman ang masaya at payak ang Kapistahan ng patrong si San Sebastian.

Mga Larawan ng Kapistahan ng San Sebastian
(Mga Larawan ni: Virgilio Bautista)

Ang pagdiriwang ng prusisyon ng Kapistahan ng San Sebastian ay tanda ng pagbibibgay ng karangalan sa santong patron na tanda ng sakripisyo para sa Simbahan. Makikita ang ganda ng prusisyon sa karangyaan ng mga carroza na yari sa mga detalyadong plata.
Nanguna si Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, Kura Paroko at Rektor ng Pambansang Dambana ni Sta. Ana sa pagdiriwang ng Banal na Misa para sa kapistahan. 

KULTURA: Ang Pagsibol ng Kapatiran ni Sta. Ana sa Pambansang Dambana ni Sta. Ana sa Hagonoy

     Ang samahan ng mga deboto ni Sta. Ana sa Hagonoy, Bulakan ay hindi bagong samahan. Nagsimula ito sa panahon pa ni Rdo. Msgr. Jose B. Aguinaldo, P.A. na si-yang pinagkakautangan ng pagsilang ng 
samahan ni Sta. Ana sa bayan  ng Hago-noy.

Si Rdo. Msgr. Jose B. Aguinaldo ang pinag-
kakautangan ng loob dahil siya ang nanguna
sa pagpapalakas ng debosyon kay Apo Ana
sa Hagonoy na naging dahilan ng pagiging
Pambansang Dambana nito.
     Nang magretiro siya, ang pumalit sa kanya ay si Rdo. Msgr. Macario R. Manahan na siyang nagbigay ng kaayusan sa pagtatatag ng Kapatiran ni Sta. Ana sa anim (6) na barangay na bumubuo sa Parokya ni Sta. Ana na siyang pambansang dambana ng santa sa bansa. Ang bawat barrio ay may kani-kanilang panguluhan. Ang mga ito naman ay nasa ilalim ng Pamparokyang Kapatiran ni Sta. Ana at kilala sa pinaiksing PKNSA. Ang inyong lingkod ay nagsilbi noon bilang pangkalahatang pangulo ng nasabing samahan. Bukod tangi din ang samahang ito sapagkat kasama ito sa isang libong mga kapatiran ni Sta. Ana sa buong mundo na kinikilala ng Pandaigdigang Dambana ni Sta. Ana sa Beaupre, Quebec na hawak ng mga paring Redemptorista.

   Ang barangay ng Sta. Monica, bilang pinakamatandang barrio sa bayan ay isa sa mga unang nagkaroon ng itinatag na kapatiran para kay Sta. Ana. Ang barangay naman ng Sto. Niño ay isa rin sa mga mayroong kapatiran ni Sta. Ana na natatag noong panahon ni Msgr. Manahan noong ika-8 ng Enero, 1993. Ang una nitong naging pangulo ay si Gng. Lilian Reyes na may ilan taon nang namayapa. Sumunod na pangulo kay Gng. Lilian ay si Sis. Baby Te na napalitan ng kasalukuyang pangulong si Gng. Viring Martinez noong 2002.

Si Rdo. Msgr. Macario R. Manahan naman na
nagtagal sa Sta. Ana ng halos 14 na taon ang
nagparami sa Kapatiran ni Sta. Ana, pati
na din ang mga kapatiran para sa mga santo.


     Nagdaraos sila ng anibersaryo ng Kapatiran ni Sta. Ana tuwing ika-8 ng Enero taun-taon. Pumipili sila ng gaganap na Hermana ng Pista at nangungumbida ng mga kasapi sa ibang mga barangay – kapatiran na nagbibigay naman ng abuloy sa pangulo ng kapatirang may papista. Bukod sa naipahayag nila ang pananampalataya at naikakalat ang debosyon kay Sta. Ana ay nakapagdaragdag sa pondo ng kapatiran ng siyang ginagastos sa pagsusuporta sa mga proyekto ng parokya at pagbibigay ng tulong sa mahihirap at ilang ampunan.

   Dahil rin nila si Sta. Ana sa iba’t ibang tahanan sa kanilang barangay at pinagdarasalan doon. May nobena kay Sta. Ana at iyon ang dinarasal nila. Kung minsan ay tumatagal nang tatlong (3) araw sa isang bahay at isang lingo naman sa iba, depende sa may-ari ng bahay na nilipatan. Ang Kapatiran ni Sta. Ana ng Brgy. Sto. Niño ang may pinakakaunting miyembro sa anim na barangay.

      Ang Kapatiran ni Sta. Ana ng Sta. Monica, na isa sa anim (6) na barangay na pawang may Kapatiran ni Sta. Ana sa Parokya ni Sta. Ana, ngayon ay Pambansang Dambana na, ay natatag noong Pebrero 20, 1968. Si Msgr. Jose B. Aguinaldo pa ang Kura Paroko noon at si Gng. Victoria Perez ang pangulo ng kapatiran hanggang 1991.

         Ang humaliling pangulo kay Gng. Victoria ay si Gng Inee dela Cruz hanggang 2002. Sa ilalim na iyon ni Msgr. Macario Manahan bilang Kura Paroko.

         Si Sis Nimfa Cruz naman ang pumalit kay Gng. Inee nang ang huli ay yumao, at iyon ay nagsimula noong 2002 hanggang sa panahon ni Rdo. P. Reymundo Mutuc na nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan na ang Kura Paroko ay si Msgr. Luciano Balagtas.

          Nagpapapista ang Kapatiran ni Sta. Ana sa tuwing sasapit ang Pebrero 20  na siya nilang anibersaryo. Naglilibot din ang kapatiran dala ang imahen ni Sta. Ana sa mga tahanan sa kanilang barangay upang ikalat ang debosyon sa kanilang patrona.

Sulyap sa mga Gawain ng Kapatiran ni Sta. Ana
(Mga Larawan nina: Arvin Kim M. Lopez at Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban) 

Ang Kapatiran ni Sta. Ana sa pagdiriwang ng novenario para sa Dakilang Jubileo ng Diyosesis ng Malolos. Ang giliw ng mga kababaihan na miyembro ng samahan ay nagbibigay ng kagandahan at kulay sa naging pagdiriwang. (Itaas) ang mga sumasayaw na miyembro ng samahan at (Ibaba) ang nagsulat kasama ng Kura Paroko, Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas.
Ang Kapatiran ni Sta. Ana noong ika-20 annibersaryo ng pagkakadeklara ng Simbahan ni Sta. Ana bilang Pambansang Dambana ng Pilipinas. Masiglang masigla ang mga miyembro ng samahan sa pagkuha ng mga larawan bago ang prusisyon ng relikya ni Apo Ana kasama ang mga estandarte ng bawat kapatiran ng barrio.