Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, March 24, 2012

KULTURA:Ang Unang Araw ng Taon ay Kay Kristo: Pagdiriwang ng Sto. Niño ng Iba, Hagonoy



     Naging tradisyon na sa bansang Pilipinas ang kapistahan ng Sto. Niño bilang pagpaparangal sa tagapagligtas, ang batang isinilang upang tubusin ang sansinukob. Ngunit sa Iba, Hagonoy naiiba ang kasanayan ng mga mananampalataya. Sapagkat minarapat ng mga taga-Iba na ipagdiwang ang kapistahan ng Sto. Niño sa unang araw ng bawat taon.

          Sa mismong barrio ng Iba, Hagonoy mayroong isang kapilya na kung saan patron ang minamahal na Niño Hesus. Ang kapilyang ito ay sakop ng Parokya ni San Antonio de Padua at mahahanap malapit sa simbahang parokya. Dito ginaganap ang taunang pagdiriwang ng kapistahan ni Sto. Niño na pinamamahalaan ng Sub-Pastoral Council ng nasabing kapilya. Karamihan sa mga namumuno sa kapilyang ito ay kabataan at ito’y mukhang nararapat bilang pagbibigay ng katungkulan sa mga kabataang ginusto ng Panginoon na maglingkod tulad ng sinabi Niya sa kanyang mga alagad: “Hayaan mong lumapit sa akin ang mga bata.” (Mateo 19:14)

          Lubos na idinadalangin sa Mahal na Poong Sto. Niño ang kagalingan ng mga bata at ang kanilang pag-unlad bilang pag-asa ng bayan. Noong ika-1 ng Enero ng taong ito, ipinagdiwang sa umaga ng parokya ang Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos na siyang liturhikal na pagdiriwang tuwing unang araw ng Enero. Matapos nito naman nanguna ang Sub-Pastoral ng Sto. Niño para sa pagdiriwang sa kapliya ng patron. Sa umaga, nanguna sa pagdiriwang si Rdo. P. Napoleon Baltazar, Katuwang na Pari ng Parokya ng Mahal na Ina ng Santo Rosario, Maysan, Valenzuela City na bisitang pari noon. Sinundan ito ng isang maringal na prusisyon kung saan masayang dala-dala ng mga tao ang mga imahen ng batang Hesus sa buong barrio. Noong gabi naman, tinapos ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Banal na Misa na pinangunahan naman  ng Kura Paroko, Rdo. P. Prospero V. Tenorio.

          Sa pag-umpisa ng taong pinagpala, pinatunayan ng mga taga-Iba ang pag-uukol ng unang araw ng taon para kay Kristo. Matapos nito, isang taon nanaman ang lilipas at isa pang bagong taon ang darating. At sa bawat darating na taon, iaalay uli ng mga taga-Iba ang kanilang mga sarili sa Niño Hesus, ang ating manunubos. 

No comments:

Post a Comment