Inang sakdal linis,
pinaparangalan sa pagtataguyod ng debosyon kay Maria sa pagnonobena.
Isang pagpapakita ng karansan ng mga anak na deboto mula sa mga anak na pari sa Sambayanan ng Diyos sa Bikarya ni Sta. Ana.
UNANG BAHAGI:
Mga Pagninilay sa Ina ng Laging Saklolo
Mga Pagbasa:
Unang Pagbasa:
2 Hari 2:1, 6-14
Ebanghelyo:
Mt. 6: 1-6, 16-18
Ngayon ang
unang araw ng nobenaryo ng parokya na ito, ang Parokya ng Ina ng
Laging Saklolo para sa nalalapit nitong kapistahan. Ako po'y isang
deboto sa Mahal na Birhen sa pamagat niyang bilang Ina ng Laging
Saklolo. Noong bata nga ako'y mayroon kaming maliit na imahen niya na
nasa bahay. Hanggang ngayon nandoon pa rin siya at sa harap ng
kanyang imahen kami nanalangin noon bilang isang pamilya. Kaya naman
isang magandang pagkakataon para sa akin na makapagdiwang dito ng
Banal na Misa. Ngayon para sa ating pagninilay tungkol sa Salita ng
Diyos.
Sa Unang
Pagbasa maliwanag na sinasabi doon kung paano si Propeta Elias,
matapos maglakbay ng napakahabang panahon ay tumakas dahil natatakot
siyang mapatay matapos siyang makipagdigma sa mga bulaang propeta (ni
Baal, isang diyos-diyosan). At sa bandang huli ng kanyang
paglalakabay biniyayaan siya ng Diyos, dinala siya sa kalangitan sa
pamamagitan ng isang nagliliyab na karo. At sa Ebanghelyo ngayun ay
sinasabing kung tayo ay gumagawa ng mabuti, maging katotohanan iyon
at hindi pakitang tao. Si propeta Elias ay tumakas matapos mapatay
ang mga pulaang propeta doon sa bundok ng Karmelo kaya ang Bundok ng
Karmelo ay mahalaga sa mga Karmelitang madre sapagkat iyon ang isa sa
kanilang mga patron, si Propeta Elias. Tumakas si Propeta Elias.
Umiwas siya sa gustong kumitil ng kanyang buhay. Noong una pa lamang
may hinanakit na siya sa Panginoon. Sinabi niya "Panginoon,
kunin mo na ako gusto kong mamatay". Makikita natin na may
hinanakit ang kanyang tinig sapagkat ginawa niya ang kanyang dapat
gawin: ipinaglaban niya ang Panginoon, ang katotohanan, ang kabutihan
ng Diyos. Pero naging dahilan din ito upang pagtangkaan ang kanyang
buhay naisip ni Propeta Elias. "Matapos kong gawin ito sa
Panginoon ito pa ang aking sinapit.” Kaya tumakas si Propeta Elias.
Naglakbay siya at binalak niyang makausap ang Panginoon. Sinasabi sa
ibang parte ng pagbasa ngayon sa Aklat ng mga Hari na hinanap niya
ang Panginoon. Dumating ang hanging malakas at ang bagyo ngunit wala
ang Panginoon. Sa bandang huli narinig niya ang boses ng Panginoon sa
isang malumanay na ihip ng hangin. Makikita natin doon na ang
kapayapaan ng Panginoon ay hindi natin makukuha sa pakikipagtalo o
pakikipagtunggalian kundi sa katiwasayan ng buhay.
Ang Birhen
Maria din ay naguluhan nang sabihan siya ay piniling maging Ina ng
Anak ng Diyos. Matiwasay ang kaniyang buhay at di siya makapaniwala
sapagka’t siya’y nangakong mananatiling birhen sa buong buhay
nya. Tulad ni Maria na ating patrona, siya ay matiwasay na namuhay sa
kanyang pagpili na maging Ina ni Kristo na ating Tagapagligtas. Hindi
niya tinakasan ang Panginoon, bagkus buong loob niyang sinabi ang
kanyang pagbatid ng “oo” na tanda ng pagtanggap. Si Maria ay
isang simpleng babae na narinig ang halaga ng pagtawag ng Panginoon.
Tinawag siya at siya ay sumunod tulad ng iba pang mga disipulo ni
Jesukristo. Ngunit siya nga ang unang nagsabi ng “oo” kaya
matuturingan siyang “Unang Disipulo ni Kristo.” At mula sa
kanyang pagtanggap at pakikinig sa pagyabong ng kanyang kalooban ay
kanyang nakamit ng kaganapan sa buhay. Naging Reyna siya ng Langit at
Lupa.
At dahil sa
kanyang mga paghihirap, makikita na lubos ang kanyang naging
katapatan sa pag-aalay niya ng kanyang sarili upang maging Ina ni
Kristo. Kaya naman di lumalayo sa kanya ang mga nananampalataya sa
kanyang Anak. Si Maria ay naging Ina ng Laging Saklolo dahil sa ating
pagdalangin, siya ay kapiling natin. Sa pagnonobena sa kanya, siya ay
inaasahan nating magpapadala ng tulong sa pagsamo niya sa kanyang
Anak. Kaya naman si Maria ay tunay na pinagpala at tayo naman ay
pinagpala sa pagdamay niya sa atin at sa lagi niyang pagsaklolo sa
atin.
Anuman ang
ating suliranin at pagsubok sa buhay, tumulad tayo kay Propeta Elias
at Birhen Maria na sa kabila ng kanilang dinanas ay di bumitiw sa
pananalig sa Diyos. Si Maria ay tumutulong sa atin upang ito’y
maging makatotohanan sa ating buhay. Hindi niya tayo iiwanan na
idalangin sa kaniyang Anak sapagka’t siya’y Laging nakasaklolo!
Mga Pagbasa:
Unang Pagbasa:
2 Hari 22: 8-13; 23: 1-3
Ebanghelyo:
Mt. 7: 15-20
Ngayon tayo'y
nasa ika-8 araw na ng nobenaryo sa karangalan ni Maria, Ina ng Laging
Saklolo na inyong patrona dito sa parokyang ito sa bayan ng Hagonoy.
Ako rin ay taga-Hagonoy na naimbitahan ng inyong Kura Paroko bilang
makasama ngayon ninyo dito. Si P. Carlo ay naging isa sa mga
estudyante ko sa tagal ng aking panahong ginugol sa iba't ibang
seminaryo sa ating bansa na kung saan nagtuturo ako ng Teolohiya lalo
ng Mariolohiya o yung pag-aaral tungkol kay Maria na ating Ina dito
sa Santa Iglesia.
Kapansin-pansin
na ang simbahan na ito'y isang magandang halimbawa ng isang
napakagandang istraktura, lalong lalo na itong retablo kung saan
makikita ang mosaic
ng
Ina ng Laging Saklolo. Ngunti bakit nga ba tayo nasa lugar na ito?
Ito'y dahil dito ang Salita ng Diyos na napapakinggan, ang Salita ng
Diyos ay naipapaliwanag at dito hinihikayat tayo na isabuhay ito.
Ito'y sapagkat ang bahay na ito ay hindi lamang bahay dalanginan
ngunit bahay ng Salita ng Diyos. Ayan ang gusto kong maintindihan
ninyo dito, na ang tunay na pagpapahalaga natin sa Salita, tulad ng
nasasaad sa unang pagbasa na ito'y maging isang tunay na tahanan ng
Salita, na ang mga tao dito'y nagtitipon at ang una nilang ginagawa
ay ang makinig at ang kanilang pinananabikan ay ang Salita ng Diyos.
MANALANGIN - Tayo'y inaanyayahan lagi ng Panginoong sa pagdiriwang sa Kanyang tahanan na makipag-talamitam sa Kanya. Ang pananalangin ng mga parokyano ng Ina ng Laging Saklolo. |
At
ngayon ay idudugtong ko ito sa Ebanghelyo. Alam ninyo ba kung bakit?
Ano ba ang buhay na tinatanggap ninyo? Ang sabi kung hindi natin
tinatanggap ang Salita ng Diyos, para tayong isang halaman na hindi
maganda ang tubo sapagkat kulang ka sa pataba, hindi maganda ang
lupang iyong tinubuan. Ikaw ba ay magbubunga ng mabuti? Alam po ba
natin ang ibig sabihin noon? Tayo'y mga Kristiyano at tayo'y
sumasampalataya ngunit paano mo malalaman kung ikaw ay mabuting puno
o masamang puno? Tinatanggap ba natin ang Panginoon sa ating buhay?
Mayroon kasing mga tao na tingin nila sa iba sila'y masama na
simula't sapul, na may mga taong sinasamahan mo pero ang nagsisimula
pa lamang sa mga gawain ay hinahatulan na kaagad? Hindi natin pwede
tanggapin ang ganoong pangunawa. Tayo'y masama o mabuting puno
depende sa ating lupang kinatatamnan, depende sa pagkaing ibinibigay
sa puno, depende sa pag-alagang ginawa sa puno. Doon makikita kung
mabuti o masama kaya naman iyon ang batayan kung bubunga ng mabuti o
masama. Sa umpisa. At ano ang umpisa? Ang Salita ng Diyos.
Ngayon
nasa harapan tayo ng isang ina, ang mapaghimalang larawan ng Ina ng
Laging Saklolo na sinasabing isang katangian ni Maria. Dito makikita
ang kanyang matimyas na pakikipag-isang diwa kay Jesus, na sa
pagmamadali, sa pagsamba, sa pagkaling kay Maria, halos malaglag yung
kanyang sandalyas. Hindi ba ninyo napansin? Samakatuwid, sa pagdampot
ni Maria pawang gusto niyang pakinggan ang sumbong, yung sinasabi sa
kanya nung bata. Ito po ay maganda nating malaman, kaugnay ito ng
ating dalawang pagbasa ngayong araw.
Ang
binibigyang diin ay walang iba kundi ang hiwaga na ang Diyos sa ating
mga ay nagsasalita sa atin. Alam ba ninyo kung gaano kahalaga ito?
Mayroon ba sa inyo dito ang naransan na mayroong kasambahay na hindi
nagsasalita kung ano ang kanyang iniisip?
Alam
ninyo magandang tignan ito dahil sa ating tahanan lamang maganda sana
kung lahat tayo'y magkakasamang nagbabahagi ng ating mga puso't
kalooban sa isa't isa. Alalaumbaga'y tayo'y nagsasalita dahil kapag
nawawala ang pagsasalita, na magkaroon ng ugnayan sa pamamagitan ng
palitan ng mga sinasabi ng bawat isa. Ang pagkakaisa ay lalago dahil
ang salita ay sisidlan ng diwa. Ang nagsasalita ay isang nagbabahagi
ng kung ano ang nasa kalooban niya at ang salitang ito ay parang
lalagyan na iniaabot at iyong naririnig ang mga laman nito. Tulad ito
ng paulit-ulit nating narinig sa Salmo Responsorio, sabihin mo at
ipagbigay alam Mo sa akin ang layunin, ang nilalaman ng Iyong Utos,
ng Iyong Salita. Ipagbigay mo, turuan mo kami. Ano ba ang laman? Ano
ba ang layunin? Ano ba ang diwa ng naririnig namin na Iyong Salita?
Ang
Diyos ay Diyos na nagsasalita. At ang Kanyang Salita ang Kanyang
pamamaraan katulad ng isang kutsara na kapag iyong isinubo, nakukuha
mo lahat ng nilalaman nito. Nitong nakalipas na Linggo ipinagdiwang
natin ang Dakilang Kapistahan ng Banal na Katawan at Dugo ni Kristo,
Corpus
Christi. Ito'y
hindi lamang ang pag-aalay natin ng tinapay at alak bilang katawan at
dugo ni Kristo na Sakramento ng ating Panginoong Jesukristo.
Nagbibigay buhay din ang Salita kaya naman, una sa lahat ang Salita
bago ang paghahain ng mga alay. Di ba ninyo napansin? Hindi tayo
makakapag-alay ng tinapay at alak nang hindi natin nauunawaan ang mga
turo ni Kristo mula sa Kanyang Salita. Hindi ba ninyo napapansin mga
kababayan ko na sa pagpunta natin dito sa bahay ng Diyos, dalawang
altar ang ating dinudulugan? Sapagkat ang inihahain sa atin ay
dalawang bagay: ang Salita at ang unang hapag ay ang Hapag ng Salita
na kung saan tayo'y natututo at sa homiliya kung saan tayo'y
nabubusog sa Salita at pagkaraan pa laman nito ay sa Hapag ng
Eukaristiya. Tayo'y inaaya ngayon dahil tayo'y hinahainan ng
pag-ibig, pag-ibig ng Diyos sa kanyang tanan.
Ngayo'y
ipagpatuloy natin ang ating pagdiriwang. Magpasalamat tayo sa Diyos
sa ibinigay Niya sa ating Salita at ang Katawan at Dugo Niya na
inihain para sa atin! Amen.
Ang Pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Ina ng Laging Saklolo
Parokya ng Ina ng Laging Saklolo
San Pedro, Hagonoy, Bulakan
PAGDULOG - Ang pananalangin lalo na ng isang dasal tulad ng nobena ng Ina ng Laging Saklolo ay isang bagay na may kasamang pagdamay sa mga intensyon na kanilang hinahabilin sa Mahal na Ina. |
PAGHAHANDOG- Sa pagkakaisa ng pagpaparangal sa Mahal na Birheng Maria bilang Ina ng Laging Saklolo, masayang nag-aalay ang Sambayanan ng Diyos sa nagdaang kapistahan. |
PAGPAPAHALIK - Ang naganap na pagpapahalik ng relikya ng dugo ni Papa San Juan Pablo II. |
PAGPASA - Ang kaganapan ng pagpasa ng baston de honor ng Ina ng Laging Saklolo mula kay Gng. Ella Cruz, Hermana Mayor 2014 kay Bb. Severina delos Santos, Hermana Mayor 2015. |
Ang Pagbabalik sa Imahen ng Ina ng Laging Saklolo
sa Kanlurang Luklukan
Parokya ng Ina ng Laging Saklolo
San Pedro, Hagonoy, Bulakan
Photography and Video Acknowledgement: Jun R. Acuña
Parokya ng Ina ng Laging Saklolo
San Pedro, Hagonoy, Bulakan
Page 2 of 4
Please press Older Posts for Page 3.
No comments:
Post a Comment