Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Sunday, August 03, 2014

PAGKILALA | TRIBUTE: LIKHANG LAYKO: Sining na Katoliko sa Ating Panahon: Mga Gawa ng mga Laykong Kabataan sa Bikarya ni Sta. Ana: Blg. 2: Marian Sketches by Edwin L. Clemente


LIKHANG LAYKO,
mula sa isang kabataang layko
para sa 
ikadadakila ng Diyos 
at
ng Kanyang Simbahan.


Mula sa Patnugot: Ang mga larawang ipapakita sa ibaba ay mga likha ni G. Edwin L. Clemente na isang kabataang mag-aaral sa St. Anne's Catholic School (SACS) sa Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana. Kasapi siya sa pampaaralang pahayagan ng nasabing paaralan, "The Annesian".


ANG LARAWAN - Ang sketch ng Nuestra Señora dela Purissima dela Inmaculada Concepcion dela Asociada de Hagonoy na gawa ni G. Edwin L. Clemente para sa samahang Esculturas Religiosas en las Filipinas sa kanilang ginawang kompetisyon na "Prusisyon ni Maria: A Drawing Exhibit."
Kailan mo sinimulan ang paglikha sa larawan na ito ng Nuestra Señora dela Purissima dela Inmaculada Concepcion dela Asociada de Hagonoy? Para saan o kanino mo ito ginawa?

   Sinimulan kong iguhit ang larawan ng Nuestra Señora dela Purissima dela Inmaculada Concepcion dela Asociada de Hagonoy noong ika-18 ng Mayo. Ito ay aking inilahok para sa “Prusisyon ni Maria: A Drawing Exhibit” ng Esculturas Religiosas en las Filipinas, ang grupong aking kinabibilangan sa social networking site na Facebook.

LUMIKHA - Si G. Edwin L. Clemente ay
mag-aaral pa lamang, ngunit sa kanyang
mga malikhaing mga kamay nabuo at
nahubog ang mga Marian sketches
na ipinapakita sa ating pahayagang ito.
Ito ba ang unang ginawa mong larawan ng mga imahen ng mga santo o ng ating Panginoon? Kung mayroon pang iba, anu-ano na ang mga nalikha mo pang mga larawan sa mga nagdaang taon?

   Noong ako ay bata pa lamang ay mahilig na akong gumuhit ng mga banal na imahe. Mayroon pa akong ibang larawan na iginuhit tulad ng Santo Entierro de Hagonoy, Mater Dolorosa de Hagonoy, Santa Monica de Hagonoy, Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje, Nuestra Señora del Santisimo Rosario con Santo Domingo de Guzman y Santa Catalina de Siena, Mater Intemerata, at marami pang iba.

MATER INTERMERATA - Isang paboritong pintakasi ng manlilikha na isa pa sa kanyang mga ginawang Marian sketches gamit ang kanyang mga talentong natanggap sa Maykapal.
Bakit sa iyong mga gawa sa mga nagdaang taon, bakit itong imahen na ito ng Virgen dela Asociada ang napili mong isumite sa nasabing institusyon/koponan?

   Ang imahen ng Virgen dela Asociada ang aking napiling isumite sa Esculturas Religiosas en las Filipinas ay dahil sa mga sumusunod na kadahilanan: una, dahil ako ay isang deboto ng Virgen dela Asociada; pangalawa, sa kagandahan nang pagkakagawa o pagkakayari ng imahen; pangatlo, dahil ito’y isang antigo at kayamanan ng bayang Hagonoy na dapat nating ipagmalaki; pang-apat, sapagkat ako ay isang Hagonoeñong Katoliko; at panghuli, dahil gusto ko pang palaganapin ang debosyon sa Mahal na Birheng Asociada.

Sa iyong paggawa ng imaheng ito, kapansin-pansin ang detalye sa pagkakalagay ng mga anghel, ng mga bulaklak sa mismong carroza. Ano ang nagsilbing inspirasyon sayo upang mapagsama-sama ang lahat ng ito nang may pinong detalye sa larawan ni Maria?

   Ang nagsilbing inspirasyon ko upang mapagsama-sama ang lahat ng ito nang may pinong detalye sa larawan ni Maria ay ang kanyang kagandahang taglay at ang kabutihan ng kanyang puso. Si Maria ay dapat na parangalan sa kanyang pagmamahal, pagkalinga, paghihirap, at pagpapakasakit para sa ating Panginoong Hesukristo at para na rin sa ating makasalanan.

PAGGAWA - Patuloy si G. Edwin Clemente sa paggawa ng iba pang mga likha na may kinalaman kay Maria o di kaya naman ay sa Simbahan. Sa tamang paghubog at pagtuturo, dito makikita ang patuloy na paglago ng pananampalataya sa susunod na henerasyon.
Nasa murang gulang ka pa lamang, ngunit sa paggawa mo nito naipakita mo ang angking galing mo sa paglikha ng mga larawan. Paano ka natulungan ng iyong pagiging isang Katoliko at maging pagiging isang Hagonoeño sa paglikha ng mga larawan ng mga imahen ng mga santo?


   Sa pananampalataya ko inihinugot ang paglikha ng mga imahen ng mga banal na santo at santa. Una sa lahat, lubos kong pinapaabot ang pasasalamat sa pamunuan ng Dambana at Pananampalataya sa pagtampok ng aking nilikhang imahe ng Nuestra Señora dela Purissima dela Inmaculada Concepcion dela Asociada de Hagonoy. Ako ay nagagalak dahil pinahalagahan ninyo ito. Kasiyahan nawa tayo ng Panginoon at Mahal na Birheng Maria.

Photography Acknowledgement: Edwin L. Clemente
                                              Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
                                              Sto. Niño (Pob.), Hagonoy, Bulakan

No comments:

Post a Comment