Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Sunday, August 03, 2014

PAGTINGIN | OPINION: DEBOTO: Paglilingkod ng Kabataang Layko sa Simbahan: Isang Panayam sa Kabataang Lingkod


Isang kabataang lingkod,
isang parokyano ang nakausap, nakapanayaman,
upang makita ang buhay Simbahan,
sa mga mata ng isang hinuhubog sa pananampalataya.


Kailan mo sinimulan ang pagiging isang aktibong kasapi ng parokya?

Sinimulan ko ito sa pagiging isang sakristan sa aming barrio. Naenganyo ako na ipagpatuloy ang pagiging isang lingkod sa Simbahan, kaya naman kasunod na dito ang paglilingkod sa aming parokya. Dahil dito mas lumawak ang aking debosyon sa Mahal na Birheng Maria at sa kanyang inang si Apo Ana.

PAGLILINGKOD SA DAMBANA - Naging gampanin ni Kim Jastinn na maging isang tagapaglingkod sa dambana ng Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana. Bilang isa ring estudyante ng St. Anne's Catholic School (SACS), naging malaking bahagi ng kanyang paghubog at pag-aaral ang paglilingkod sa Simbahan.

Sino o sinu-sino ang masasabi mong naging inspirasyon mo upang tahakin ang pagiging isang aktibong kasapi ng parokya?

Ang naging inspirasyon ko para tahakin ang pagiging isang aktibong kasapi sa aming parokya ay ang aking lola, sapagkat sa kanya ko nalaman ang mga bagay na mahahalaga sa Santa Misang ginaganap noon hanggang ngayon. Siya rin ang gumabay sa akin at nagturo kung paano maglilingkod sa aming parokya.

Nasabi mo na ikaw ay naging isang altar server. Isa itong napakagandang karanasan para ang isang kabataan ay mapalapit sa paglilingkod sa altar. Ano ang iyong mga naging karansan sa pagiging altar server na nagpabanal sayo at patuloy na nagbibigay sayo ng mabuting kaloob mula sa Diyos?

Ang aking mga naging karanasan bilang isang altar server ay maging isang responsableng miyembro at maging aktibong kabataan na naglilingkod sa altar. Maging magalang, at tumanaw ng utang na loob sa mga taong nagbibigay sayo ng magagandang asal at pag-uugali.

MATER ECCLESIAE - Ang imahen na inaalagaan ni Kim Jastinn sa kanyang pagsapi sa Hermandad dela Asociada y delas Flores de Maria de Hagonoy ng Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana.
Bukod sa pagiging altar server, naging kasapi ka rin ng Hermandad dela Asociada y delas Flores de Maria de Hagonoy. Isa itong hindi pangkaraniwang samahan dahil sa mga gawain nito tulad ng Marian exhibits, Marian processions, atbp. Malayo ito kung tutuusin sa pagiging isang altar server. Paano ka napunta sa ganitong uri ng paglilingkod? Anong mga karansan mo ang nagpayabong sayo bilang isang kabataan na sumapi dito?

Ako, bilang isang simpleng kabataan, isang simpleng altar server at miyembro na rin ng Hermandad dela Asociada y delas Flores de Hagonoy, naging isa na rin akong kabataan na nagdedebosyon sa Mahal na Ina, ang Birheng Maria. Bilang isang nangangalaga ng imahen, napapalawak ko ang aking isipan pati na rin ang aking pagdedebosyon. Kasama na rin ang matutong kilalanin kung sino nga ba ang aking sinasamba at sinasampalatayanan.

Ngayon at marami kung tutuusin ang nasalinan mo bilang isang kasapi ng parokya sa murang edad. Hindi ito pangkaraniwan, ngunit kung tutuusi'y nais nating maging pangkaraniwan sa iba't ibang kabataan sa ating mga parokya. Paano sa tingin mo maeenganyo o mas mahihikayat ang mga kabataan na sumunod sa yapak ng mga aktibong kasapi ng parokya?

Sa aking palagay, maeengganyo natin ang mga kabataan na sumali at makiisa sa mga gawaing pamparokya sa pamamagitan ng isang pagtatatag ng isang samahan o grupo na kung saan ang mga kabataan ang mangunguna sa mga gawin na gustong itaguyod ng bawat isa, tulad ng altar servers, koro, Pamparokyang Lupon ng Kabataan, Lehiyon ni Maria at iba pang gawaing pamparokya.

DEBOTO: Bilang isang deboto ni Apo Ana de Hagonoy
at ni Mariang kanyang anak na Ina naman ni Kristo,
mahalaga ang pagiging "puno ng pananampalataya"
na buhat sa pagtiwala sa Maykapal.
Ano ang iyong personal na pagtingin sa mga pangangailangan ng mga layko sa Simbahan natin ngayon at sa mga kampanya ng Simbahan sa Taon ng mga Layko, 2014?

Kailangan naming mga layko, lalo na sa mga kabataan ng mga pinuno na maalam, mapagigay ng sarili at puno ng pananampalataya upang maayos niyang magampanan ang mga tungkulin bilang isang leader ng samahan. Upang siya ang maging modelo sa iba para maenganyo silang makilahok sa mga samahang ito sa ating Simbahan.









Photography Acknowledgement: Kim Jastinn G. Pimentel
                                                  Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
                                                  Sto. Niño (Pob.), Hagonoy, Bulakan

No comments:

Post a Comment