Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Sunday, August 03, 2014

PAGKILALA | TRIBUTE: LIKHANG LAYKO: Sining na Katoliko sa Ating Panahon: Mga Gawa ng mga Laykong Kabataan sa Bikarya ni Sta. Ana: Blg. 1: Clay Images by Arvin Kim M. Lopez

Inang Patrona ng Diyosesis - Isa sa mga kilalang gawa ni G. Arvin Kim M. Lopez and imahen na ito ng Virgen Inmaculada Concepcion de Malolos Coronada na Patrona ng Diyosesis ng Malolos. Giniwa niya ito bilang pag-alala sa kamakailan lang noon na koronasyon kanonikal ng imahen na ito noong taong 2012 na Taon ng Dakilang Jubileo ng Diyosesis. Itinampok ito sa nagdaang Marian Exhibit noong Mayo 2012 sa ikatlong palapag ng Puso Mini-Mall sa kabayanan ng Hagonoy, Bulakan.






LIKHANG LAYKO,
mula sa isang kabataang layko
para sa 
ikadadakila ng Diyos 
at
ng Kanyang Simbahan





Mula sa Patnugot: Ang mga larawang ipapakita sa ibaba ay mga likha ni G. Arvin Kim M. Lopez na kasalukuyang Kalihim ng Parish Pastoral Council (PPC) ng Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana. Siya rin ay aktibong kasapi sa Hermandad dela Asociada y delas Flores de Maria de Hagonoy at Cofradia dela Misterio Pascual del Nuestro Señor na mga samahang nagmamay-ari ng mga imahen para sa Semana Santa at Flores de Maria sa parokya. Siya rin naman ay Moderator ng Ministry of the Altar Servers ng parokya.

Mga Gawang Sining: Clay Images

   Isang bagay ang pagiging mapaglaro noong ikaw ay bata, lalo na sa paggamit ng modeling clay at sa paggamit nito upang makabuo ng mga bagay na nakamamangha para sa isang tumitingin sa isang gawang sining. Kapag ang isang piraso ng modeling clay ay magagawang buuin bilang isang likhang sining, naipapakita nito at naibabahagi ang isang malaking bagay tungkol sa isang lumilikha. Mula sa mga gawang ito makikita ang mga damdamin, prinsipyo at pananaw ng isang lumikha. Kaya naman, masasabi na ang mga imahen ng Panginoon, nga Mahal na Birhen at mga santo na nagawa ni G. Lopez ay isang "pagpapahayag ng pananampalataya" na nagiging daan sa pagpapalakas ng pananampalataya ng iba.

APO ANA AT NIÑA MARIA - Ang ina at ang kanyang anak, parehong patrona ng bayan ng Hagonoy pati na rin ng Bikarya ni Sta. Ana ng Diyosesis na sakop rin ang mga parokya ng Paombong at ng San Jose, Calumpit. Iginaya ang imaheng ito sa imahen ng Sta. Ana y Niña Maria, La Verdedara, ang lumang imahen ni Apo Ana at ng Birheng Maria sa retablo mayor ng Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana. Pinaniniwalaan na ang imaheng ito ay nagawa noong panahon ni Fray Manuel Alvarez noong 1841, na nagsasaad na ito'y 174 taong gulang na.
SAGRADA FAMILIA - Ang imahen ng Banal na Mag-anak ay isa sa mga inspirasyon para sa mga mag-anak sa bayan ng Hagonoy. Ang isa sa mga barrio ng bayang ito na nasasakupan ng Parokya ni Sta. Elena Emperatriz ay nakatalaga sa ating Panginoon kasama ang kanyang Amain at Ina. 
SAN JUAN APOSTOL AT EBANGHELISTA - Ang minamahal na disipulo ng ating Panginoong Jesukristo na siyang itinatampok tuwing mga Mahal na Araw sa pagdadalamhati niya at ng Mahal na Ina sa kamatayan ni Jesus. Ang imahen na ito ay hango sa antigong imahen ng Pamilya Mangahas ng San Jose, Hagonoy.
MATER DOLOROSA - Ang Inang Nagdadalamhati na siyang itinatampok din sa mga Mahal na Araw sa Hagonoy. Ang imahen naman na ito ay hango sa antigong imahen ng Pamilya Laderas ng Sto. Niño, Hagonoy.
NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO - Ang imahen ng Panginoong Jesukristo na nagdurusa na isa ring itinatampok tuwing mga Mahal na Araw. Ang imahen na ito ay patron sa Visita ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa Sitio Parong-Parong na nasa ilalim ng Visita ni San Agustin sa San Agustin, Hagonoy.
NUESTRA SEÑORA DELA EUCHARISTIA - Isa mga ipinagawang imahen kay G. Lopez na ngayon ay na kay Erlie Manlapaz Cruz na siyang may imahen din ng birheng ito.
SAN RAFAEL ARKANGHEL - Patron siya ng isla ng Tibaguin, sakop ng Parokya ni Sta. Elena Emperatriz. Hango ito sa imahen ni San Rafael Arkanghel na nagbabantay sa islang ito na siya ring visita ng isla.
STO. NIÑO DELA PAZ - Isa ring patron ng Hagonoy, sa Batang Jesus nakapangalan ang gitnang barrio o kabayanan ng Hagonoy kung saan nakaluklok ang Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana. Dahil sa taunang exhibit ng mga Sto. Niño sa Hagonoy tuwing Enero o Pebrero, nakakapaglikha din si G. Lopez ng mga gawang sining sa panahong ito.
STO. TOMAS DE AQUINO - Bilang isang guro, kinuha ni G. Lopez si Sto. Tomas na patron ng mga guro at mga paaralan bilang kanyang tagapagbantay at inspirasyon. Hango naman ang imahen na ito sa isa pang mas malaking imahen na mayroon din ang naglilikha.
SAN ANTONIO DE PADUA - Isa pang patron sa bayan ng Hagonoy, ang Parokya ni San Antonio de Padua sa Iba, Hagonoy ay isa ding patron ni G. Lopez. Ito ang may kaisa-isang parokya na nakatalaga sa kanya sa buong Diyosesis ng Malolos. Dalawa pang barrio sa Hagonoy ang nakatalaga kay San Antonio: Iba-Ibayo at Palapat.
STA. TERESITA NG NIÑO JESUS - Isa pa sa mga ninilkhang gawa ni G. Lopez na isa sa mga sikat ng santa sa ating panahon. Siya ang tinatawag na "Munting Bulaklak" o "Little Flower" dahil sa kanyang pagpapahalaga sa mga simpleng bagay. Patrona din siya ng mga Misyong Panlabas.
STO. DOMINGO DE GUZMAN - Isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng pananalangin ng Sto. Rosario, si Sto. Domingo ay kilala ding tagapagtatag ng Ordo Praedicatorum o ang mga Dominikano na isang kilalang orden ng mga prayle sa buong mundo.

PAANO BA GINAGAWA
 ANG MGA IMAHEN?

Sample:
Nuestra Señora delos Desamparados y Inocentes
(Our Lady of the Abandoned and the Innocent)

Kaganapan:
12th Marian Exhibit
Hermanidad dela Asociada y delas Flores de Maria de Hagonoy

UNANG YUGTO: Makikita natin sa bahaging ito ang pasimula pa lamang na paggawa ng imahen. Nasa kaliwa ang kulay ginto, puti at asul na modeling clay. Kanyang binuo ang isang katawang may suot na damit na kulay rosas. Sinumulan na niya itong lagyan ng burdang ginto na isa sa kanyang mga natatanging talento. Ang detalye ng bawat disenyo ang nagpapaganda sa kanyang mga gawa. Dito makikita rin na wala pang disenyo ang kapang asul na kanya nang nilatag sa kanyang harapan at ninipisan para magmistulang damit.
IKALAWANG YUGTO: Makikita natin sa bahaging ito ang gawa nang kapa ng Mahal na Birhen na linagyan na ng disenyo. Mula dito kukunin na niya ang clay na tsokolate para sa kutis ng mukha at kamay ng birhen at itim para sa kanyang buhok.
IKATLONG YUGTO: Sa pagbuo na ito sa gawang nang imahen ng birhen, makikita ang pagkakalagay ng ulo at kamay ng birhen, ang sanggol na si Jesus at ang mga sanggol na napabayaan sa kanyang paanan. Naglalagay si G. Lopez ng mga dekorasyon na gawa sa aluminum foil, bakal at mga totoong splendora para sa mga santo. Mula dito makikita ang rikit ng imahen ng birhen na ilalagak naman sa Marian Exhibit.

LAYKONG LINGKOD - Sa kanyang pagiging isang deboto, nabuo ni G. Lopez (kaliwa) ang isang malikhain at masigasig na pagaapostolado sa mga parokyano ng Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana. Kasama niya sa larawan si G. Ulysses Ernesto F. Reyes (kanan), kapwa kasapi sa Hermanidad dela Asociada y delas Flores de Maria de Hagonoy.

No comments:

Post a Comment