Kay Maria Inang tunay,
isang pag-alala sa pagmmahal ng kanyang mga deboto.
Isang pagpapakita ng debosyon sa Masintahing Ina mula sa mga lingkod ng parokya sa Sambayanan ng Diyos sa Sta. Elena Emperatriz.
Ang
orthodox
na larawan ng
Ina ng walang-katapusan at walang-humpay na pagtulong o mas kilala
nating mga mananampalataya sa tawag na
Ina ng Laging Saklolo ay isa sa mga kilala at may malawak na debosyon
ukol sa Mahal na Birhen sa Pilipinas. Ayon
sa kasaysayan ang pangalan ng Ina ng Laging Saklolo ay nagmula sa
Mahal na Ina sa isang aparisyon sa isang maliit na bata. Isang araw,
habang ang maliit na bata na si Hesus ay naglalaro sa hardin nang
magpakita ang dalawang arkanghel mula sa langit na dala ang mga
kagamitan ng kanyang hinaharap na pagpapakasakit at kamatayan. Dala
ng malaking pagkatakot sa nasabing pangitain, ang banal na bata ay
tumakbo sa mga bisig ng kanyang ina para sa kanyang pangangalaga,
kung saan naman ang Mahal na Ina, buong higpit na niyakap ang batang
si Hesus, na dahil sa pagmamadali, isa sa kanyang panyapak ay halos
mapigtal. Dahil sa mga bisig ng Mahal na Ina, ang banal na bata ay
nakadama ng tunay na kaligtasan at kapayapaan, sapagkat siya ang ina
na laging handang dumamay at sumaklolo.
Sa
Pilipinas, sa dambana ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran, ang
pamimintuho ay naging pambansang debosyon. Noong 1940, ang
pagnonobena sa Mahal na Ina sa araw ng Miyerkules, ay umakit sa
maraming tao at naging dahilan ng paglago ng kalakalan at negosyo.
Ngayon, buong bansa ay itinalaga ang araw ng Miyerkules ay araw ng
pagnonobena, kung saan sa bawat simbahan sa buong kapuluan ay
nagiging dambana ng Ina ng Laging Saklolo.
SAMAHAN - Ang Samahan ng Ina ng Laging Saklolo ang siyang nagiging tanda ng nananatiling debosyon sa Ina ng Laging Saklolo sa barrio at parokya ng Sta. Elena, Hagonoy. |
Hanggang
sa Parokya ni Sta. Elena ay nakarating ang lumalaganap na debosyon sa
Mahal na Ina. Sa katunayan may mga Redemptorista o pangunahing
tagapagtaguyod ng pamimintuho sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo sa
Parokya ni Sta. Elena na mas kilala sa tawag na Samahan ng Ina ng
Laging Saklolo. Ang Parokya ni Sta. Elena ay may ilang dekada nang
nagdiriwang ng kapistahan na ito ng Mahal na Ina. Ngayong taon ito ay
ipinagdiwang noong ika-25 ng Hunyo taong kasalukuyan na taliwas sa
nakagawian na tuwing ika-27 ng Hunyo sapagkat ang petsa na ito ay
natapat ng Pagdiriwang ng Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni
Hesus, na ipigdiriwang din ng buong mga Katoliko. Sa pangunguna ng
samahan, naitaguyod ang siyam na araw ng nobena para sa kapistahan.
Hanggang sa sumapit ang araw ng pista. Sa Pangunguna ni Rdo. P. Jaime
Malanum, nagdiwang ang buong parokya ng pamarokyang kapistahan ng
Mahal na Ina ng Laging Saklolo sa pangunguna ng Hermana Mayor na si
Gng. Belen Ramos at ang kanyang pamilya. Nag-alay ang Sambayanan ng
Diyos ng Misa sa pangungunan ng pamilya ng Hermana at ng samahan sa
ganap na ika-9 ng umaga, araw ng Miyerkules. Ang imahen ay
inensensuhan matapos ang Banal na Misa bilang parangal sa Mahal na
Ina. Matapos ang Banal na Misa ay inilabas na ang Banal na Prusisyon
sa pangunguna ng mga kasapi ng samahan, hermana at ang kanyang mga
kaibigan at pamilya, banda ng mosiko at ang Mahal na Ina. Nagdaan ang
prusisyon mula sa parokya hanggang sa tulay ng Kaysuka at pabalik
muli sa parokya. Pagkatapos ng prusisyon dinasal ang Sto. Rosario, at
nag-alay ng mataimtim na panalangin. Hindi matatawaran ang
pananampalataya sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo at ang sakripisyo
bagkus kahit na malaki na ang tubig sa kalsada kanila parin itong
ihinatid sa susunod na Hermana na inuna nila ito at nagging
prayoridad kesa sa kanilang pagod na katawan. At natapos ang
pagdiriwang sa isang payak at simpleng salo-salo sa tahanan ng
Hermana.
Ang
Samahan ng Ina ng Laging Saklolo sa Parokya ni Sta. Elena ay isa sa
matatag na samahan sa Parokya. Sila ay may taunang pagdiriwang ng
kapistahan ng Mahal na Ina. Tuwing Miyerkules ay sama-sama silang
nagnonobena at sa paglipas ng panahon sila ay dumarami pa. Ang
paghehermano sa kapistahan para sa Ina ng Laging Saklolo sa Parokya
ni Sta. Elena ay umiikot sa kanilang samahan.
Ayos
sa Samahan “Hindi mo matatanggihan kung ang Mahal na Ina na ang
tumatawag sa iyo “
MASINTAHING
INA, TULUNGAN MO KAMI!
Photography Acknowledgement: Marvin M. Magbitang
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz
Sta. Elena, Hagonoy, Bulakan
No comments:
Post a Comment