Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Sunday, August 03, 2014

PAGTINGIN | OPINION: Paglilingkod sa Bikarya ni Sta. Ana: Mga Karanasan ng mga Seminarista sa Apostolado: Blg. 2: Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana



Nagbigay ng pagninilay ang mga seminaristang sina Jiovanne Christian S. Bariquit at Oliver F. Olfindo sa Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana sa Hagonoy upang malaman ang bunga ng kanilang karansan sa kanilang Summer Pastoral Exposure dito sa ating lugar:


   Marahil, para sa aming mga seminarista, ang pagdating ng summer ay isa sa aming pinaka-inaabangan. Hindi dahil sa mahaba-haba ang magiging pananatili namin sa labas, hindi dahil sa mapupuntahan na namin ang mga lugar na nais naming mapuntahan, at lalong hindi dahil sa hawak na namin ang aming oras, kundi dahil maipapadala na kami sa iba't ibang parokya para sa aming Summer PFE o Pastoral Field Exposure. Ngayong taon ay nadestino kami, kasama ni Sem. Oliver Olfindo, sa Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana sa bayan ng Hagonoy, Bulakan.

   Sa parokyang ito, kami ay inatasan ni Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C., Kura Paroko at Rektor ng Dambana na bumuo ng isang B.E.C. o Basic Ecclesial Community (Maliliit na Sambayanang Simbahan) sa isang lugar na kung tawagin ay Peralta Bukid sa barrio ng San Sebastian. Marami nang naitayong buklod sa ibang lugar na sakop ng parokya ngunit wala pang nakakapunta noon sa Peralta Bukid. Bago kami tumungo upang makapagtayo ng B.E.C., sumasama muna kami sa mga mayroon nang naitayong B.E.C para malaman kung paano ang dapat naming gawin sa pagtatayo sa Peralta Bukid. Halos araw-araw sa isang linggo kami sumasama, nakikibalita at nangangamusta sa mga tao na kung papaano nila naitataguyod ang B.E.C. sa kabila ng mga gampanin sa kani-kanilang pamilya. Iba’t-ibang uri ng tao ang aming nakasalamuha at iba’t-ibang uri rin ng ugali ang aming nakita.

   Bago namin simulan ang pagtatayo ng B.E.C. ay nagkaroon muna kami ng seminar na naglalayong ipakita ang kahalagahan ng B.E.C. sa mga mananampalataya ng parokya. Binigyan din namin sila ng kaunting kaalaman tungkol sa Bibliya. Ang mga nagsipagdalo ay pinagkalooban namin ng mga Bibliya upang kanilang mabasa at para may matutunan sila sa Salita ng Diyos dito. Naniniwala kasi kami na kapag ang bawat isa ay may hawak na Bibliya kapag sila ay nagpupulong ay mas makakatulong upang magnilay. Sa una ay hindi madali ang magtawag at manghikayat ng mga nais sumapi ngunit sa pamamagitan na rin ng awa at biyaya ng Diyos ay naibsan ang lahat at naging matagumpay ang aming hangarin. Sabi ko nga sa sarili ko, “Ang sarap pala ng feeling na kapag ang lahat ng bagay ay itinataas mo sa Panginoon sapagkat ipinapakita Niya ang kanyang pagkilos sa ‘di inaasahang pagkakataon.”

   Ang pagkatuto sa isang bagay ay hindi lamang nalalaman dahil ito ay pinag-aaralan kundi dahil sa ito ay nararanasan at lalo’t higit sa pamamagitan ng Diyos na patuloy na sa atin ay ipinararanas ang mga bagay na ito.







Photography Acknowledgement: Marianita G. Carson
                                                Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
                                                Sto. Niño (Pob.), Hagonoy, Bulakan

No comments:

Post a Comment