Sa kalendaryo ng Simbahan, apat ang inuukol na kapistahan para kay San Pedro Apostol: ang ukol sa kanyang tanikala, ang luklukan sa Antiokya, ang kanyang kamatayan tuwing ika-29 ng Hunyo kasabay ni San Pablo at ang luklukan ni Pedro sa Roma. Ipinagdiriwang ang huli tuwing ika-22 ng Pebrero kung kailan inaalala ang pagsasaayos ng Simbahan sa pamamagitan ng pagtatag nito sa Roma. Ang Roma ang nagsilbing sentrong lugar para sa Santa Iglesia Katolika at luklukan ng Kristyanismo sa buong daigdig.
Ang tawag sa lungsod ng Batikano na siyang tirahan ng Santo Papa ay “Holy See” o Banal na Luklukan. Dito naluklok si Pedro, Prinsipe ng mga Apostol bilang pastol ng Simbahang Pandaigdigan. Ang Luklukan ni Pedro sa Roma ay nagmula na sa iba’t ibang lugar simula pa lamang noong A.D. 370. Noong ipinagawa muli ang Basilika ni San Pedro sa Roma, kasama sa mga ipinaayos ay ang luklukang ito. Dinesenyo ito ng sikat na taga-ukit na si Giovanni Bernini (1598 - 1680). Pinalibutan ito ng tanso upang mapanatili at magamit muli ng susunod na Santo Papa. Noong ipinagawa muli ito, kahoy na muli ang naging upuan at pinatungan ng disenyo ng pagpapahayag ni Kristo kay Pedro ang kanyang pamumuno sa Simbahanng Katolika (Mateo. 16: 18 – 19) Kaya naman inaalala sa araw na iyon ang pagiging pangunahing pastol ni Pedro at ng 267 na obispong humalili sa kanya sa ating Simbahan.
Pamparokyang Pagdiriwang:
Ang imahen ng nakaluklok na San Pedro de Hagonoy na nasa pangangalaga ng
Pamilya dela Cruz ng barrio din ng San Pedro, Hagonoy.
| . |
Noong sumunod na taon, patuloy ang kagalakan ng mga tao sa pagdiriwang ng kapistahang ito na katambal din naman ng Kapistahan ni San Pedro Apostol tuwing ika-29 ng Hunyo. Iba’t ibang miyembro ng pamayanan ang namuno sa mga sumunod na pagdiriwang na nagsisilbing tanda ng pagsuporta ng mga mananampalataya ng barrio ni San Pedro sa Hagonoy.
Hermanidad ng Kapistahan ng Luklukan ni San Pedro (2008 – Kasalukuyan)
2008 – Gng. Marina Atanacio
2009 – G. Celso de Guzman
2010 – Gng. Emma Martinez
2011 – Gng. Evangeline Espargosa
2012 – Bb. Carmelita Bernardo
Sa pagdiriwang ngayong taon, sinimulan ito sa pamamagitan ng misa na pinangunahan ng Kura Paroko. Dito din nagkaroon ng mga gawain para sa mga miyembro ng pamayanan sa pamamagitan ng pagdarasal kay San Pedro Apostol at ng pagpruprusisyon sa kanya sa buong barrio. Naging napakasaya ng pagdiriwang na ito at matapos ng unang kapistahan ni San Pedro sa umpisa ng taon, susundan naman ito ng pangalwang pagdiriwang ang pagdiriwang ng Pista Mayor sa Hunyo. Sa pagdiriwang din noon ipinasa ang pagkahermano ng kapistahan kay Gng. Cirila de Guzman na mangangasiwa naman sa taong 2013.
Si Gng. Emilia M. Evangelista ay isa sa mga tapat at masigasig na tagapaglingkod sa Parokya ng Ina ng Laging Saklolo, San Pedro, Hagonoy. Naglilingkod siya sa kasalukuyang sa Komisyon ng Liturhiya at nanunungkulan din sa iba't ibang posisyon sa Paring Lingkod Team Ministry, Propetang Lingkod Team Ministry at Haring Lingkod Team Ministry ng parokya.
Si Gng. Emilia M. Evangelista ay isa sa mga tapat at masigasig na tagapaglingkod sa Parokya ng Ina ng Laging Saklolo, San Pedro, Hagonoy. Naglilingkod siya sa kasalukuyang sa Komisyon ng Liturhiya at nanunungkulan din sa iba't ibang posisyon sa Paring Lingkod Team Ministry, Propetang Lingkod Team Ministry at Haring Lingkod Team Ministry ng parokya.
No comments:
Post a Comment