Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, March 24, 2012

KULTURA: ANG PASYO NG MUSIKO: Ang Pagdiriwang ng Kapistahan ni San Sebastian



    Matapos ang kapaskuhan, sa barangay ng San Sebastian sa Hagonoy, Bulacan ay naghahanda  naman para sa kapistahan ng patrong si San Sebastian na Ipinag-diriwang tuwing ika-20 ng Enero. Bago sumapit ang araw na iyon ay nagkakaroon sa baryong ito ng nobenaryo at susundan ng sa isang Banal na Misa tuwing sasapit ang ikalabing-isa hanggang ika-labing siyam ng Enero sa maliit na Bisita at ang mga purok naman na nasasakupan nito ay nagsisispaghanda na rin para lagyan ng mga palamuti at dekorasyon sa kalsada. Dito rin nabubuo ang pagtutulungan at pagkakaibigan ng bawat kabataan upang mapaganda ang daraanan ng prusisyon sa kapistahan ng patron. Tuwing sasapit na ang ikalabing-isa ng Enero ay maririnig muna ang alingawngaw ng musiko na tumatawag pansin sa mga taong magsisimba hanggang sumapit ang araw ng kapistahan. Ayon sa mga nakatatanda, kapag narinig muna ang pasyo ng musiko na lumilibot sa buong barangay maghuhudyat ito na nalalapit na ang kapistahan. Nagkakaroon din ng mga palabas o kasiyahan  katulad ng pagandahan ng mga kababaihan ng bawat purok, palaro sa mga bata, patimpalak sa pagkanta at serenata sa gilid ng patio ng simbahan matapos ang nobena at ang Banal na Misa.

Nang sumapit ang araw ng kapistahan, umaga pa lang ay nagsipaghanda na ang mga tao para dumalo sa banal na misa na pinangunahan ni Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, Kura Paroko at Rektor ng Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana. Sinundan naman ito ng isang masayang prusisyon na inilibot sa buong barrio ng San Sebastian. Matapos ito ay  nagkaroon ng isang kaunting salu-salo sa kani-kanyang tahanan ang bawat pamilya. Nagtapos ang kapistahan sa isang Banal na Misa noong kinagabihan  ng araw ding iyon na pinangunahang muli ni Msgr. Balagtas. Nairaos na naman ang masaya at payak ang Kapistahan ng patrong si San Sebastian.

Mga Larawan ng Kapistahan ng San Sebastian
(Mga Larawan ni: Virgilio Bautista)

Ang pagdiriwang ng prusisyon ng Kapistahan ng San Sebastian ay tanda ng pagbibibgay ng karangalan sa santong patron na tanda ng sakripisyo para sa Simbahan. Makikita ang ganda ng prusisyon sa karangyaan ng mga carroza na yari sa mga detalyadong plata.
Nanguna si Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, Kura Paroko at Rektor ng Pambansang Dambana ni Sta. Ana sa pagdiriwang ng Banal na Misa para sa kapistahan. 

No comments:

Post a Comment