Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, March 24, 2012

KULTURA: Konsagrasyon, Isang Gunita!: Ang Pagpapasinayan ng Simbahan ng Sto. Rosario


     Isa sa mga hindi malilimutang petsa sa dahon ng kasaysayan ng Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario ay ang ika-4 ng Enero, 2009, tatlong taon na ang nakalipas ngunit bakas pa rin sa mga puso`t isipan ng bagong henerasyon ng parokya ang isang magandang ala-ala. Ang konsagrasyon at ang pagpapasinayan ng bagong gusaling simbahan ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ng Hagonoy ay lubos na pinanabikan ng mga parokyano noong buhat sa Olandis hanggang sa dulong Dita at maging yaong mga nasa malayong lugar na, sapagkat ito ay katuparan ng isang pangarap at adhikain na maipaayos at mabigyan ng marangyang dambana ang pinakamamahal na ina ng parokya. Isa ring araw ng pagpapasalamat at paghahandog sa Diyos na sa kabila ng lahat ng pagsubok ay napagtagumpayan ang isang malaking hangarin sa biyayang Diyos at sa tulong ng lahat ng nagmamahal sa Mahal na Birhen. Ang takdang araw ay lubhang inaabangan ng lahat, itinakda ang petsa, at ito`y itinapat sa unang linggo ng taon, Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon, pumatak sa kalendaryo ang ika-4 ng Enero. Naghandaang lahat, inaayos mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit na detalye upang higit na maging makabuluhan ang banal na araw na ito.


     At ang haring araw sa bukang-liwayway ng ika-4 ng Enero ay marahang sumikat at lubos na nagpaliwanag sa buong kalangitan, ang kampana`y bumatingaw at ang mga kuwitis ay sumagitsit. Alas 8 ng umaga`y puno na ang patyo ng simbahan at duo`y inaabangan ng lahat ang pagdating ng Mahal na Obispo, ang Lubhang Kgg. Jose F. Oliveros, D.D.  Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagtugtog ng Lupang Hinirang sa pangunguna ng Banda San Roque, isinagawa ang pagsasalin ng susi sa Obispo, sumunod ang pagputol ng mga laso sa tatlong pintuan ng patsada na pinamunuan ng mga kilalang tagapagtaguyod, binuksan ng Obispo ang gitnang pintuan at unti-unting pumasok ang lahat. Sa pagpasok, ang simbahan ay payak at walang ilaw at walang palamuti ang altar. Sinimulan ang Banal na Misa. Sa kalagitnaan ng misa ay isinagawa ang rito ng konsagrasyon, ang pagpapahid ng langis sa altar gayon rin sa labingdalawang haligi ng simbahan, ang paglalagay ng palamuti sa altar, ang pagpapausok ng insenso sa altar at ang pagbubukas ng mga kandila at ilaw ng simbahan, bago matapos ang banal na misa ay nagbigay ng madamdaming pananalitang pasasalamat ang noo`y Kura Paroko at siyang nanguna sa pagpapaayos ng simbahan na si Rdo P. Vicente B. Lina, Jr. 

     Dito rin niya sinalaysay ang mga pagsubok at mga karanasan sa balaking ipaayos ang simbahan. At pati na rin si Gng. Magdalena Raymundo-Perez na siya naming ka-pangulo ng Sangguniang Pastoral ay nagbigay rin ng pananalita, nagging matagumpay at tunay na pinagpala ang pagdiriwang na ito, isang malaking pagdiriwang na ipinagpapasalamat sa Diyos sa pagkatito`y naganap sa aming henerasyon. Isang bagay pa ang hinding–hindi malilimutan sa pagdiriwang na ito, kapag ikaw ay tumunghay sa altar mayor ay tatambadang napakaganda at napakarangya. lnaayos at namumutiktik sa magagandang bulaklak ang baldochinong mahal na patrona kung saan matatagpuan ang orihinal na imahen ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario de Hagonoy na suot ang kanyang pinakamagandang kasuotan na animo`y tunay na nagsasaya sa handog na ibinigay sa kanyang  mga anak – ang kanyang marangyang tahanan sa dulong Hagonoy.

Isang Pagbati sa Pagdiriwang ng ika-60 taon ng Parokya!

Mabuhay ang Parokya! Mabuhay ang Virgen ng Santo Rosario ng Hagunoy!

Mga Larawan ng Nakaraang Konsagrasyon ng Simbahan (Enero 4, 2008)
(Mga Larawan ni: El Gideon G. Raymundo)
Sinimulan ang pagdiriwang sapatyo. Ang pagsasalin ng susi ng simbahan sa Obispo sa Lubhang Kgg. Jose F. Oliveros, D.D., Obispo ng Malolos.

Ang antigong tabernakulo na handogng Pamilya Trillana at ang bahagi ng antigong sagraryo ng Visita ng Sta. Cruz, makikita ang virgin sa kanyang pinakamagandang regalia handog sa panahon ng paghehermano ni Rdo P. Vicente B. Lina, Jr.,  G. Dexter Santos at G. Roberto Villanueva.
Ang baldochinong Mahal na Birhen sa pagdiriwang ng konsagrasyon. Ang ilang parte ng Baldochino na ito ay bahaging dating baldochino ng Sta. Ana de Hagonoy sa pambansang dambana sa kabayanan. Makikita sa baldochino ang orihinal na imahen ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario de Hagonoy kasama rin ang mga imahen nina Sto. Domingo de Guzman at Sta. Catalina de Siena ang mga santong tagapagtatag at panatikong Banal na Rosario ng Mahal na Birhen.

Ang orihinal na imahen ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario de Hagonoy.

No comments:

Post a Comment