Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, March 24, 2012

KULTURA: Ang Pagsibol ng Kapatiran ni Sta. Ana sa Pambansang Dambana ni Sta. Ana sa Hagonoy

     Ang samahan ng mga deboto ni Sta. Ana sa Hagonoy, Bulakan ay hindi bagong samahan. Nagsimula ito sa panahon pa ni Rdo. Msgr. Jose B. Aguinaldo, P.A. na si-yang pinagkakautangan ng pagsilang ng 
samahan ni Sta. Ana sa bayan  ng Hago-noy.

Si Rdo. Msgr. Jose B. Aguinaldo ang pinag-
kakautangan ng loob dahil siya ang nanguna
sa pagpapalakas ng debosyon kay Apo Ana
sa Hagonoy na naging dahilan ng pagiging
Pambansang Dambana nito.
     Nang magretiro siya, ang pumalit sa kanya ay si Rdo. Msgr. Macario R. Manahan na siyang nagbigay ng kaayusan sa pagtatatag ng Kapatiran ni Sta. Ana sa anim (6) na barangay na bumubuo sa Parokya ni Sta. Ana na siyang pambansang dambana ng santa sa bansa. Ang bawat barrio ay may kani-kanilang panguluhan. Ang mga ito naman ay nasa ilalim ng Pamparokyang Kapatiran ni Sta. Ana at kilala sa pinaiksing PKNSA. Ang inyong lingkod ay nagsilbi noon bilang pangkalahatang pangulo ng nasabing samahan. Bukod tangi din ang samahang ito sapagkat kasama ito sa isang libong mga kapatiran ni Sta. Ana sa buong mundo na kinikilala ng Pandaigdigang Dambana ni Sta. Ana sa Beaupre, Quebec na hawak ng mga paring Redemptorista.

   Ang barangay ng Sta. Monica, bilang pinakamatandang barrio sa bayan ay isa sa mga unang nagkaroon ng itinatag na kapatiran para kay Sta. Ana. Ang barangay naman ng Sto. Niño ay isa rin sa mga mayroong kapatiran ni Sta. Ana na natatag noong panahon ni Msgr. Manahan noong ika-8 ng Enero, 1993. Ang una nitong naging pangulo ay si Gng. Lilian Reyes na may ilan taon nang namayapa. Sumunod na pangulo kay Gng. Lilian ay si Sis. Baby Te na napalitan ng kasalukuyang pangulong si Gng. Viring Martinez noong 2002.

Si Rdo. Msgr. Macario R. Manahan naman na
nagtagal sa Sta. Ana ng halos 14 na taon ang
nagparami sa Kapatiran ni Sta. Ana, pati
na din ang mga kapatiran para sa mga santo.


     Nagdaraos sila ng anibersaryo ng Kapatiran ni Sta. Ana tuwing ika-8 ng Enero taun-taon. Pumipili sila ng gaganap na Hermana ng Pista at nangungumbida ng mga kasapi sa ibang mga barangay – kapatiran na nagbibigay naman ng abuloy sa pangulo ng kapatirang may papista. Bukod sa naipahayag nila ang pananampalataya at naikakalat ang debosyon kay Sta. Ana ay nakapagdaragdag sa pondo ng kapatiran ng siyang ginagastos sa pagsusuporta sa mga proyekto ng parokya at pagbibigay ng tulong sa mahihirap at ilang ampunan.

   Dahil rin nila si Sta. Ana sa iba’t ibang tahanan sa kanilang barangay at pinagdarasalan doon. May nobena kay Sta. Ana at iyon ang dinarasal nila. Kung minsan ay tumatagal nang tatlong (3) araw sa isang bahay at isang lingo naman sa iba, depende sa may-ari ng bahay na nilipatan. Ang Kapatiran ni Sta. Ana ng Brgy. Sto. Niño ang may pinakakaunting miyembro sa anim na barangay.

      Ang Kapatiran ni Sta. Ana ng Sta. Monica, na isa sa anim (6) na barangay na pawang may Kapatiran ni Sta. Ana sa Parokya ni Sta. Ana, ngayon ay Pambansang Dambana na, ay natatag noong Pebrero 20, 1968. Si Msgr. Jose B. Aguinaldo pa ang Kura Paroko noon at si Gng. Victoria Perez ang pangulo ng kapatiran hanggang 1991.

         Ang humaliling pangulo kay Gng. Victoria ay si Gng Inee dela Cruz hanggang 2002. Sa ilalim na iyon ni Msgr. Macario Manahan bilang Kura Paroko.

         Si Sis Nimfa Cruz naman ang pumalit kay Gng. Inee nang ang huli ay yumao, at iyon ay nagsimula noong 2002 hanggang sa panahon ni Rdo. P. Reymundo Mutuc na nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan na ang Kura Paroko ay si Msgr. Luciano Balagtas.

          Nagpapapista ang Kapatiran ni Sta. Ana sa tuwing sasapit ang Pebrero 20  na siya nilang anibersaryo. Naglilibot din ang kapatiran dala ang imahen ni Sta. Ana sa mga tahanan sa kanilang barangay upang ikalat ang debosyon sa kanilang patrona.

Sulyap sa mga Gawain ng Kapatiran ni Sta. Ana
(Mga Larawan nina: Arvin Kim M. Lopez at Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban) 

Ang Kapatiran ni Sta. Ana sa pagdiriwang ng novenario para sa Dakilang Jubileo ng Diyosesis ng Malolos. Ang giliw ng mga kababaihan na miyembro ng samahan ay nagbibigay ng kagandahan at kulay sa naging pagdiriwang. (Itaas) ang mga sumasayaw na miyembro ng samahan at (Ibaba) ang nagsulat kasama ng Kura Paroko, Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas.
Ang Kapatiran ni Sta. Ana noong ika-20 annibersaryo ng pagkakadeklara ng Simbahan ni Sta. Ana bilang Pambansang Dambana ng Pilipinas. Masiglang masigla ang mga miyembro ng samahan sa pagkuha ng mga larawan bago ang prusisyon ng relikya ni Apo Ana kasama ang mga estandarte ng bawat kapatiran ng barrio.

No comments:

Post a Comment