Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Sunday, August 03, 2014

PANITIKAN | LITERARY: Sta. Ana de Hagonoy


Mula sa Patnugot: Ang tulang ito ay gawang akda ni Gng. Dolores Mangahas-Cruz na regular nating manunulat dito sa ating pahayagan. Siya ay Pangulo ng Pamunuan ng mga Kapatiran sa Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana, Hagonoy, Bulakan.





Sa pagsapit ng Hulyo
isang mag-anak ang nagagalak,
sa Hagonoy ang ina'y gabay at patrona,
si Sta. Ana na minamahal ng buong sambayanan.

Sta. Ana de Hagonoy

Sa bayan ng Hagonoy kapag dumaratal ang buwan ng Hulyo,
Kung saan ang Patron ay si Sta. Ana na lola ni Kristo;
Mga Kapatiran at mga samahan, lahat ng deboto
Sa mga gawain at mga gampanin, 'di magkantututo.

---o0o---


Dambana - Ang simbahang parokya at pambansang dambana na nakatalaga kay Apo Ana ng bayan ng Hagonoy, Bulakan na sentro ng debosyon sa santa sa bansa.

---o0o---

Isa sa gawain ay ang idalaw nga, Patronang si Ana
Sa mga lugaring ang lola ni Hesus ay 'di pa kilala;
Banal na lalaki, pangala'y Joaquin, ang asawa niya
At si Birheng Maria, na sakdal ng linis, ang kanilang bunga.

---o0o---


LA VERDADERA - Ang imahen na ito ni Sta. Ana de Hagonoy ang isa sa mga pinakamatandang imahen ng santa sa buong bansa. Naitala ito noon pang 1847 na kung saan nailuklok na ito sa retablo mayor sa panahon ni Fray Manuel Alvarez, OSA na noo'y Kura Paroko ng simbahan at parokya.

---o0o---

May mga babaeng 'di nagkakaanak sa maraming taon
Ng pag-aasawa ay nabiyayaan sa pagdedebosyon;
Naawa ang Diyos, nagkaanak sila, natupad ang layon
Ng pagnonobena, Patronang si Ana, ang siyang naging doktor.

---o0o---


BAKA NG KASAYSAYAN - Kasama sa buhay ng mga mananampalataya ang pagpasok at paglabas sa mga pintuang ito ng dambana ni Sta. Ana. Tanda ang mga ito sa mga mananampalataya ng Hagonoy sa tagal ng panahon na nakasama nila si Apo Ana at Apo Joaquin. 

---o0o---

Magbuhat nga noon, kumalat sa lahat ng pinaroonan
Ng aming Patrona ang balitang ito, at pinagpistahan;
Dumagsa ang namamanata at dumalaw sa Simbahan,
Ang layo'y magpasalamat, at ang Santa'y papurihan.

---o0o---


SIMBAHAN - Ang isang simbahan ay tahanan ng Diyos at ito ang nakikitang tanda ng pagmamahal Niya at pagkalinga Niya sa mga tao. Dito sa Hagonoy, ang dambanang ito ay nanatiling isang malaking tanda ng presensya ng Maykapal.  

---o0o---

Isa ako sa may kahilingan na nagtamong-pala,
Nang ang kabuntisan ng anak kong bunso, na aking akala
Ay hindi totoo at tulad nuong una ay isang kayawa;
Ako'y nanalangin at kay Sta. Ana ay nagmakaawa.

---o0o---


MURAL - Isa sa mga natitirang napanatiling simbolo ng pananampalataya ng mga deboto ni Apo Ana at Apo Joaquin ang pagpruprusisyon sa mga imahen nito sa paligid ng simbahan.

---o0o---

Salamat, O Diyos, salamat, O Lola; salamat sa inyo,
Sa inyong pagdinig at pananainga sa mga dasal ko;
Ang nangyaring ito, sa palagay ko ay isang milagro,
Na ang walang buhay, sa bisa ng dasal, naging tao.

---o0o---


PAGLALABAS - Simula noong taong 2013, gagawin nang tradisyon sa parokya ang paglalabas ng relikya ni Apo Ana at ang Sta. Ana La Verdadera tuwing gabi.
---o0o---

Ito ang dahilan kung bakit lumalim ang aking pananalig
Hindi mabibigo, basta't sa kay Lola Ana, tayo ay lumapit
Kanyang ibibigay kailangan natin; tayo ay manalig
Huwag hihintuan ang ating pagtawag, kasama'y pag-ibig.


Photography Acknowledgement:  Ulysses Ernesto F. Reyes (Town Fiesta 2013)
                                                  Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
                                                  Sto. Niño (Pob.), Hagonoy, Bulakan

                                                   Ronald M. Santos (Town Fiesta 2014)
                                                   and Joan Larion (Layout Acknowledgement)
                                                  Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
                                                  Sto. Niño (Pob.), Hagonoy, Bulakan



Page 1 of 4
Please press Older Posts for Vol. 3, Issue 1, July 2014.

No comments:

Post a Comment