Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Tuesday, April 29, 2014

PORTFOLIO: HOLY WEEK PROCESSIONS: Vol. 3, Issue 1, April 2014: Parokya ni Sta. Elena Emperatriz


Mula sa Patnugot: Ang koleksyon na ito ng mga larawan ay para sa isang natatanging pagtingin sa mga gawaing Katoliko sa bayan ng Hagonoy, Bulakan lalo na sa pagdiriwang ng tinatawag na Semana Santa o “Holy Week”. Dito sa panahong ito inaalala ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Jesukristo. Sa pamamagitan ng portfolio na ito, nais ipakita ng pahayagan ang mga kaganapan sa pagdiriwang na ito sa ating bayan. Nailagay ang koleksyon na ito sa unang tri-annual ng Dambana at Pananampalataya dahil natapat ngayong issue ang Semana Santa.

Mga Nagbigay: 
Marvin M. Magbitang, Mark Die M. Atienza, Charles Lyndon Perez at Bryan A. Ramos
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz

Vol. 3, Issue 1, April 2014
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz

Ika-11 ng Abril
Prusisyon ng Viernes Dolores

  Ang Viernes Dolores ay kaugnay ng mga hapis at dalamhati sa buhay ni Maria. Ito ay tanyag na debosyon ng mga Katoliko. Isa ito sa mga kilala at paboritong paksa sa Simbahang Katoliko.



  Sa Parokya ni Sta. Elena, may ilang taon na itong isinasagawa. Noong una sa Bisita lamang ng Sagrada Familia ginagawa at inilipat ilang taon na ang nakalipas sa Parokya ni Sta. Elena. Ang Nazareno ay nanggagaling sa Bisita ng Sagrada Familia kasama ang mga taga-Sagrada at ang Mater Dolorosa ay sa Parokya ni Sta. Elena kasama ang mga taga-Sta. Elena at magsasalubong ang mag-ina sa tulay.




Ang encuentro sa pagitan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno at ang Mater Dolorosa sa tulay sa pagitan ng barrio ng Sta. Elena at Sagrada Familia sa Hagonoy.

Ika-13 ng Abril
Prusisyon ng Linggo ng Palaspas

Ang Linggo ng Palaspas ay ang ika-anim at huling Linggo ng Kuwaresma bago ang Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo. Sa araw na ito ay ginugunita ng mga Kristiyano ang pagpasok ni Jesukristo sa Jerusalem bago ang kanyang kalbaryo o tanda ng pagsisimula ng mga Mahal na Araw.

Ang imahen ng Humenta o si Hesus na nakasakay sa asno sa matagumpay na pagpasok sa Herusalem. Ang imahen ay pagmamay-ari nina G. Levy at Gng. Amelita Bautista.

Ang pagbabasbas ng mga palaspas at ang pagpasok sa simbahang parokya sa pangunguna ni Rdo. P. Jaime B. Malanum, Kura Paroko.
Ika-18 ng Abril
Prusisyon ng Biyernes Santo

Ang Biyernes Santo ang isa sa tatlong araw ng Pagpapakasakit, Pagkamatay at Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo, na tinatawag din na Easter Triduum. Ginaganap ang prusisyon matapos ang Pagpaparangal sa Krus tuwing ika-3 ng hapon at nagtatagal hanggang gabi.

Hanay ng Prusisyon

Apostol San Pedro
G. Teri at Gng. Lydia Ablaza
Apostol San Judas Tadeo
Atty. Norie Aguilar
La Humenta
G. Levy at Gng. Amelita Bautista 
Ang Panalangin ni Hesus sa Jerusalem
Bisita ng Sagrada Familia, Hagonoy
Ang Pagkakadakip kay Jesukristo
Mga Kabataan ng Purok 4, Sagrada Familia
Si Hesus na nakagapos sa Haliging Bato
Gng. Paring Bartolome
Nuestro Padre Jesus Nazareno
Kapitan Froilan Agulto at Pamilya
Ang Pagkakasalubong ni Jesukristo at ng Mahal na Ina, Mater Dolorosa
Pamilya Galon
Ikalawang Pagkakadapa kay Jesukristo
G. Ernesto at Gng. Sally Reyes
Sta. Veronica
G. Rogelio Ramos
Ang Pagkakadapa ni Hesus sa Pangatlong Pagakataon
G. Boyet Cruz
Virgen dela Angustia
G. Rosalito at Gng. Gloria Ramos
Virgen dela Soledad
Bro. Irvin (Jose Maria) R. Bautista, O.F.M.
Sta. Juana de Cusa
G. John Victor M. Magbitang
Santo Entierro
Nasa pangangalaga ng pamunuan ng Bisita ng Sagrada Familia
Sta. Maria Magdalena
Gng. Emma Malagapo
San Juan Evangelista
Totoy Bartolome at Pamilya

Mater Dolorosa
G. Arnaldo Santos
Iba pang mga Larawan ng Prusisyon

















Ika-20 ng Abril
Prusisyon ng Encuentro/Salubong ng Linggo ng Muling Pagkabuhay

Ang Linggo ng Muling Pagkabuhay ang isa sa tatlong araw ng Pagpapakasakit, Pagkamatay at Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo, na tinatawag din na Easter Triduum. Ginaganap ang prusisyon ng encuentro o salubong sa madaling araw ng Linggo ng Muling Pagkabuhay na kung saan magsasalubong ang Mahal na Ina, Nuestra Señora dela Alegria at at ang Jesus Resucitado.

Hanay ng Prusisyon

Apostol San Pedro
Jesus Resucitado
Nuestra Señora dela Alegria, Inang Maluwalhati


Ang pagdating ng Nuestra Señora dela Alegria sa pagkita nila ng Jesus Resucitado habang iniilwan ng mga sky lamps sa harapan ng simbahang parokya. Bago magkita ang dalawang imahen ininsensuhan muna ang imahen ni Rdo. P. Jaime B. Malanum, Kura Paroko.


Page 6 of 6
Please press Older Posts for the December 2013 Issue.

No comments:

Post a Comment