Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Tuesday, April 29, 2014

KULTURA: Ang Kapistahan ng Mahal na Poong Sto. Niño sa Pambansang Dambana ni Sta. Ana


   Tradisyon, panata at debosyon ang tatlong bagay na naging dahilan kung bakit muling naibalik ang saya at sigla sa Kapistahan ng Sto. Niño dito sa kabayanan ng Hagonoy. Ayon sa kwento ng mga matatanda, ang saya ng nasabing kapistahan, pawing ang kapistahan ng mahal na patrona ng parokya na si Sta. Ana tuwing ika-26 ng Hulyo. Makikita sa pagdiriwang ang pasyo ng musiko, ang sagitsit ng kuwitis, ang dupikal ng kampana at ang mga gabi-gabing palabas mula sa iba’t ibang paaralan. (Dapat bigyang-pansin na ang mga pangunahing paaralang Katoliko sa bayan ay mahahanap sa barrio ng Sto. Niño)

Pinagunahan ni Rdo. P. Juvenson C. Alarcon
ang pagpapasinaya sa Sto. Niño Exhibit sa
ginanap sa Hagonoy Water District Bldg. sa
kabayanan ng Hagonoy.
   Sa taong 2014, nahirang ang Pamilya Viri-Carpio bilang Hermanos at Hermanas Mayores para sa nasabing kapistahan dito sa Hagonoy, isang natatanging kapistahan na inaprubahan ng Santa Sede para sa Simbahang Katoliko sa Pilipinas simula noong ika-18 siglo sa pamumuno ni Papa Innocento XIII. Naiiba ito sa kapistahan sa Visita ng Sto. Niño tuwing Pebrero dahil iyon ay isang pistang pasasalamat at ang Kapistahan tuwing Enero ang opisyal na pagdiriwang. Sinumulan ang pagdiriwang sa siyam na araw na nobena at pagtatanghal ng mga imahen ng Mahal na Poong Sto. Niño. Pinasinayaan at binasabasan ang pagtatanghal na ito ni Rdo. P. Juvenson C. Alarcon, Katuwang na Pari sa Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana. Sinundan ang unang araw ng nobenaryo ng tradisyunal na pagpanaog ng Poong Sto. Niño sa tahanan ng kanyang camarero sa barrio ng San Agustin noong ika-9 ng Enero, 2014.

Ang isa sa mga antigong imahen ng Sto. Niño noong exhibit sa Hagonoy Water
District Bldg. sa kabayanan.
Sto. Niño de los Presbyteros - imahen ni G. Jose Paulo V. Espinosa
Sto. Niño del Dormido, isa sa mga maliliit na imahen sa exhibit sa Bulwagang Blas F. Ople.
Cor Iesu Domini (Puso ni Jesus na Panginoon) - isa pa sa mga imahen sa exhibit.
Sto. Niño de Oliva - imahen ni G. Jhapett Raymundo
   Noong ika-18 ng Enero, Vesperas Mayores at unang gabi ng kapistahan, nagdaos ng Banal na Misa sa pangunguna ni Rdo. P. John Michael G. dela Cruz. Matapos ang misa, sinundan ito ng isang maringal na prusisyon ng Mahal na Poong Sto. Niño. Sa mismong araw ng kapistahan, ginanap ang Misa Mayor o Misa para sa mga Bata sa pangunguna nina Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C., Kura Paroko ng Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana, Rdo. P. Joselito R. Martin at Rdo. P. Nicanor T. Victorino, mga paring anak-Hagonoy. Sa homilya ng Kura Paroko, binanggit niya ang sulat pastoral ng Lubhang Kgg. Jose F. Oliveros, D.D., Obispo ng Malolos ukol sa pagdedebosyon sa Mahal na Poong Sto. Niño. Matapos noon sinundan ang pagdiriwang ng Banal na Misa, sinundan ito ng prusisyon para sa mga bata.

Ang imahen ng Sto. Niño de Hagonoy na
nasa pangangalaga ng Pamilya Carpio-Viri.
   Sa pagsapit ng pagtatakipsilim, isinagawa ang Misa dela Hermana o ang lundo ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño at ang maringal na prusisyon ng Sto. Niño. Sa kabayanan ng Hagonoy, makikita ang pagmamahal para sa ating Panginoong isinilang sa sabasaban at nagligtas sa ating lahat, ang Hari ng Sanlibutan.

   Viva Sto. Niño de Hagonoy!
   Maligayang Kapistahan!







Mga Imahen sa Araw ng Kapistahan

Ang Hermana Mayor para sa kapistahan, si Gng. Victoria Reyes-Viri kasama ng kanyang mga kamag-anak. Kasama sa larawan ang manunulat na Editorial Director ng pahayagang ito.
Isa sa mga tagapaglingkod sa dambana, si Cairan Freeman dela Cruz na may dalang imahen ng Sto. Niño noong prusisyon.
Ang imahen na Cor Iesu Domini na nasa carroza para sa prusisyon ng kapistahan.
Ang isa pang imahen ng Sto. Niño sa carroza noong prusisyon.
Ang  imahen ng Sto. Niño na may dalang rosaryo kasama ang nagniningning na korona.

Photo Courtesy: June d.A. Navio 
                              Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
                              Sto. Niño (Pob.), Hagonoy, Bulakan
  
                              Virgilio M. Bautista
                              Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
                              Sto. Niño (Pob.), Hagonoy, Bulakan

No comments:

Post a Comment