Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Tuesday, April 29, 2014

OVERVIEW: HIGHLIGHTS OF THE PERIOD (WHOLE VOL. 3/VOL. 1: ISSUE 1, APRIL 2014)



OVERVIEW:

HIGHLIGHTS OF THE PERIOD
January | February | March | April

Ang maligayang pagpipista ng Sto. Niño de Hagonoy sa Pambansang Dambana ni Sta. Ana sa kabayanan ng Hagonoy.
Ang papaparangal ng mga debota sa pagdadala ng belo ng Mahal na Birhen, Mater Dolorosa noong pagdiriwang ng Virgen delos Dolores, ang huling Biyernes bago mag-Semana Santa.
Ang katuwaan ng mga bata sa pagpaparangal sa mga maliliit na santo na kanilang dinadala
noong prusisyon para sa mga bata noong Lunes Santo sa Parokya ng Nuestra
Señora del Santissimo Rosario.
Ang pagtitika ng mga mata (fasting of the eyes), isang gawain noong Semana Santa di lamang sa Hagonoy kundi sa buong Simbahan sa buong mundo para sa pagsisikap ng mga mananampalataya na hintayin ang Muling Pagkabuhay ni Kristo. Misa ito sa Parokya ng Ina ng Laging Saklolo.
Ang pagpaparangal ng Krus sa mga Estasyon ng Krus kung saan umikot sa buong parokya
ang mga mananampalataya. Ito ang Estasyon ng Krus sa Parokya ng Nuestra Señora del
Santissimo Rosario.
Ang pagpaparangal sa pagdurusa ng Panginoong Hesukristo noong Miyerkules Santo sa Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario.
Ang pagpaparangal sa Santissimo Sakramento na ginaganap pagkalagay nito sa repositoryo ng simbahan tuwing Huwebes Santo ng gabi sa pagdaraos ng Visita Iglesia sa mga parokya. Ito ang repositoryo ng Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana sa Hagonoy.
Ang pagbababa sa nakapakong Kristo mula sa Krus sa pagdiriwang ng gaganaping prusiyon tuwing Biyernes Santo. Kuha ito sa Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario.
Ang pagsunod sa Nagdadalamhating Ina sa pagkalumbay sa kanyang Minamahal na Anak. Ang prusisyon ng paglilibing, kuha sa Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana sa Hagonoy.
Ang magdamagang pagdiriwang ng paghihintay sa Muling Pagkabuhay ni Kristo na kung saan nakahanda ang lahat na saksihan ang Panginoong Jesukristo. Ginanap ito sa Parokya ni Sta. Elena Emperatriz sa Sta. Elena, Hagonoy.
Photos by: 
John Andrew C. Libao, Jun R. Acuña, Charles Lyndon Perez, Elena V. Macapagal, June d.A. Navio, El Gideon G. Raymundo and Virgilio M. Bautista

No comments:

Post a Comment