Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Tuesday, April 29, 2014

KULTURA: Ang Prusisyon ng mga Bata sa Lunes Santo: Isang Pangangaral sa mga Mahal na Araw



   May isang visita sa Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario ang naitayo at naipangalan dahil sa paglalaro ng mga  bata at dahil ito ay napansin ng mga matatanda, sila ay nagkaroon ng ideya na magtayo ng kapilya sa naturang lugar. At nakakatuwang isipin na magpasa hanggang ngayon ang visitang ito ay patuloy paring nagssagawa ng "Misyong Pangkaligtsan." Ito ang bisita ng Sta. Cruz, Hagonoy, Bulakan na patuloy na nagiging pamana ng pananampalataya sa bayan ng Hagonoy.

Maliit na Apostol San Pedro
Maliit na Apostol San Andres
Maliit na Humenta - Pagdating ni Hesukristo sa Herusalem
Maliit na Paghahampas sa Haliging Bato
Maliit na Pagpuputong ng Koronang Tinik kay Hesus
Maliit na Jesus Desmayado
Maliit na Ecce Homo
Maliit na Nuestro Padre Jesus Nazareno
Maliit na kaganapan ni Maria at ni San Juan sa paanan ng Krus ni Kristo.
Maliit na La Pieta
Maliit na Santo Entierro
Sta. Marta de Betania
Maliit na Sta. Maria Salome
Maliit na Mater Dolorosa
   Muli, dahil sa paglalaro ng mga bata ay nakaisip ang Kura Paroko na si Rdo. P. Quirico L. Cruz na magsagawa ng isang gawaing banal para sa mga bata. Minsan na niyang nakita ang mga batang ito na naglalaro ng prusisyon-prusisyunan. Kaya nagkaroon siya ng ideya na magsagawa ng isang prusisyon para sa mga bata. Ito’y hindi para kunsintihin ang paglalaro ng mga bata, kundi upang ipamulat sa kanila na sila'y bahagi ng Simbahan na hindi dapat balewalain, upang ituro at ipakita sa kanila ang tamang pagdedebosyon, at upang malaman nila ang kahalagahan ng mahal na Araw. at maituro sa kanila ang tunay na kahulugan ng kabanalan at pananampalataya.


Ang prusisyon ng mga batang Apostoles kasama ng Kura Paroko, Rdo. P. Quirico L. Cruz sa Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario.
Ang pasimula ng prusisyon ng mga batang Apostoles sa Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario.


   Ang Lunes Santo ay isa sa mga Mahal na Araw, ang napiling araw upang isagawa ito sa unang pagkakataon sa parokya. Kaya naman ang lahat ay bago sa paningin: ang mga Apostoles na laging nariyan kapag Mahal na Araw ay sadyang bata rin ang gumanap para sa prusisyon. Ang pagiging Apostoles  ay mana sa kanilang mga magulang at mga lolo, isang paraan din  ng pagmumulat sa mga bata ng napakagandang tradisyon na hindi dapat mawala. Gayundin ang mga imahen ay sadyang ipinagawa para sa mga bata, maliliit na replica ng mga poon na inilalabas tuwing mga Mahal na Araw sa parokya. Kahit na ito'y sa unang pagkakataon pa lamang isinagawa, 18 na maliliit na poon ang naiprusisyon sa araw na iyon.


Ang maliit na larawan ng pagkakapako ni Jesus sa Krus na nasa labas na ng simbahan, handa na para sa prusisyon.
   Isinagawa ito noong ika-4 ng hapon sa pagtutulungan ng mga samahan ng parokya. Naipakita ang kabanalan ng gawaing ito at naging matagumpay ang gawain. Tulad sa prusisyon ng mga matatanda meron din ditong nagdarasal, dalawang pila at may dalang kandila. Naipakita sa mga mananmaplatayang matanda at bata na ito'y hindi laro kundi gawain na nagpapabanal.

Photo Courtesy:  Elena V. Macapagal
                              Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario
                              Sto. Rosario, Hagonoy, Bulakan

                              El Gideon G. Raymundo
                              Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario
                              Sto. Rosario, Hagonoy, Bulakan

                             Arvin Kim. M. Lopez
                             Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
                             Sto. Niño (Pob.), Hagonoy, Bulakan

Page 2 of 6
Please press Older Posts for Page 3.

No comments:

Post a Comment