Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, August 27, 2016

DAMBANA AT PANANAMPALATAYA: An Official Online Magazine of the Vicariate of St. Anne-Diocese of Malolos (Whole Vol. 4/Vol. 2, Issue 1, October 2015)




Dambana at Pananampalataya
An Official Online Magazine of the 
Vicariate of St. Anne - Diocese of Malolos

An online apostolate of the Catholic faithful of the
VICARIATE OF ST. ANNE, HAGONOY
(National Shrine of St. Anne [Sto. Niño, Hagonoy], Parish of Nuestra Señora del Santissimo Rosario [Sto. Rosario, Hagonoy], Parish of St. Helena the Empress [Sta. Elena, Hagonoy], Parish of St. John the Baptist [San Juan, Hagonoy], Parish of St. Anthony of Padua [Iba, Hagonoy], Parish of Ina ng Laging Saklolo [San Pedro, Hagonoy], Parish of St. Joseph the Worker 
[San Jose, Calumpit], Parish of St. James the Apostle [Poblacion, Paombong] and the Mission
Parish of Sta. Cruz [Sta. Cruz, Paombong].

in association with the
MSGR. JOSE B. AGUINALDO FOUNDATION, INC.
Bahay Pari, San Jose 3002 Bulacan

PUBLISHER
Vicariate of St. Anne, Hagonoy
Roman Catholic Diocese of Malolos
MODERATOR
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P., S.Th.D.
PUBLICATION DIRECTOR 
Consolacion T. Faundo
RESEARCH DIRECTOR
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
EDITORIAL DIRECTOR
Jose Luis V. Carpio
ASSOCIATE EDITORS
Ronnel B. Perez
Sem. Justine Cedric C. Espinosa
El Gideon G. Raymundo
EDITOR-AT-LARGE
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
SECTION EDITORS
KULTURA
Ronald Aron O. Perez
TRIBUTES AND FEATURE:
Basilio R. Martin
OPINION
Marlon B. Santos
PHOTOGRAPHY AND VIDEOGRAPHY
Ma. Theresa G. Perona
Cecille Cabigao
PHOTOGRAPHY ACKNOWLEDGEMENT
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P.
Rev. Fr. Dennis S. Soriano
Brian G. Romasoc | Jowel Karlo San Luis
Yahoo | Rappler | Associated Press | Telesur | Wires | Varsitarian 
LITERARY
Consolacion T. Faundo
CONTRIBUTORS
Justine Cedric C. Espinosa, Mr. and Mrs. Rico and Cecille Bartolome, Michael Cedric Bartolome,
Joseph L. Eligio, Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P., Rev. Fr. Dennis S. Soriano, Fr. Norberto
L. Bautista, S.J., John Martin Nabong, John David Bartolome, Sherwin M. Antaran, Cecille Cabigao
COVER DESIGN AND LAYOUT
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
John Esrom Cruz
PRODUCTION CONSULTANTS
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P.
Rev. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C.
Rev. Fr. Menald d.L. Leonardo

ALL RIGHTS RESERVED 2015
Dambana at Pananampalataya
An Official Online Magazine of the 
Vicariate of St. Anne - Diocese of Malolos
www.dambana.blogspot.com

Dambana at Pananampalataya: An Official Online Magazine of the Vicariate of St. Anne - Diocese of Malolos is a tri-annual electronic magazine operated by the Commission on Social Communications-Vicariate of St. Anne which aims at providing quality information, trivia, facts and discussion on the different traditions, practices and teachings of the Catholic faithful of the town and vicariate of Hagonoy, Bulacan to know of the significance of these to their living and faith. This organ serves as an independent organization from the parishes yet works for the preservation of the Catholic cultural heritage of the town and vicariate contained within the parochial communities.

About the Cover Page - The cover shows an original sketch of Pope Francis' famous image with a child during the mass at Quirino Grandstand in Manila. This also shows the official logo of the Apostolic Visit of Pope Francis in the Philippines designed as embracing arms, one in color read and one in color blue, representing the colors of the nation. The nation shows its joy as a people in welcoming the Holy Father, Pope Francis. Sketch by: John Esrom Cruz (Parish of Sta. Elena Emperatriz, Sta. Elena, Hagonoy, Bulacan)


MESSAGE | MENSAHE:

Mensahe mula sa Research Director
Mga Ala-ala kasama ang Santo Papa
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban


MGA ARTIKULO | ARTICLES:


Sem. Justine Cedric C. Espinosa
Pambansang Dambana at Parokya ng Sta. Ana | Hagonoy, Bulakan


Bartolome Family
Pambansang Dambana at Parokya ng Sta. Ana | Hagonoy, Bulakan


MGA NATATANGING ARTIKULO | FEATURE ARTICLES:


Rev. Msgr. Sabino Azurin Vengco, Jr., H.P.
Kadiwa sa Pagkapari Foundation, Inc.

Rdo. P. Dennis Santos Soriano
Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.
Diyosesis ng Cubao

Rev. Fr. Norberto Luza Bautista, S.J.
Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.
Rector, Church of the Gesu, Ateneo de Manila University



MGA PAGNINILAY | REFLECTIONS:

Rdo. P. Dennis Santos Soriano
Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.
Diyosesis ng Cubao

Sherwin M. Antaran
Parokya ng San Juan Bautista| San Juan, Hagonoy, Bulakan

Cecille G. Cabigao
Parokya ng Santiago Apostol | Paombong, Bulakan


John David B. Bartolome
Pambansang Dambana at Parokya ng Sta. Ana Hagonoy, Bulakan


MESSAGE/ MENSAHE:



Mga Ala-ala kasama ang Santo Papa

    Maganda po ba na maglabas ng isang sipi tungkol sa isang kaganapan na halos dalawang taon na ang nakalilipas? Noong buwan ng Enero 2015, wala pa ang mga trending na palabas tulad ng kinagigiliwang AlDub at iba pang mga palabas. Bago pa ito nang naganap na pagpaslang sa SAF 44 sa Mamasapano sa Maguindanao. Bago pa ito nang pagpapasa ng kandidatura ng mga nais maging Pangulo sa susunod na eleksyon at manalo ang bagong Pangulo ng Pilipinas. Sa dinami-daming mga kaganapan, sapat pa bang alalahanin na mayroong pagkakataon noong Enero na nagkatipon-tipon lahat ng mga Pilipino, Katoliko man o hindi, upang saksihan ang pagdating ng isang banal na alagad ng Diyos tulad ng Santo Papa? Para sa amin dito sa Dambana at Pananampalataya, mas kailangan natin ito higit pa sa anumang mangyari.

    Bakit po? Dahil ito sa natatanging paggalaw ng Espiritu Santo na sa pagkakataong iyon, nagkasama-sama tayo upang parangalan ang Diyos at ipahayag ang mensahe ng Awa at Malasakit (Mercy and Compassion). Ngunit matapos ba ang lahat ng naganap sa taong ito, sapat ba na bigyan natin ang malasakit? Dito tayo ginagabayan ng Santo Papa na sa paglipas ng panahon, sa pagbalik niya noon sa Vaticano mula dito sa ating bansa, may napulot ba tayong aral sa kanya? Atin bang isinabuhay ang kanyang mga ipinangaral? O sadyang nabaon na lamang sa limot ang pagpapahayag? 

    Nawa sa siping ito ng ating pahayagan, mas maramdaman po natin sa pagninilay at pagsasaayos ng ating mga napiling manunulat at patnugot, mabigyan namin kayo ng sapat na paalala na tulad ng sinabi ng Santo Papa, "Ang realidad ay higit pa sa mga ideya." Nawa ang realidad na ito na si Kristo ay naririto sa ating piling ang siyang magdala sa ating sa patnubay tungo sa walang hanggang kaligtasan.

     Papa Francisco, salamat po sa pagtulong ninyong na kami'y magabayan.

Kay Kristo, 


ARTIKULO|ARTICLE: A THOUSAND VOICES ENSEMBLE: Isang Panayam sa Isang Mang-aawit: Sem. Justine Cedric C. Espinosa


Panimula:


    Sa panayam na ito, kasama ng ating pahayagan si Sem. Justine Cedric C. Espinosa, isang seminarista sa Kagawaran ng Teolohiya ng Seminaryo Mayor ng Inmaculada Concepcion, Tabe, Guiguinto, Bulacan. Siya ay taga-San Jose, Hagonoy, Bulacan at isa sa mga patnugot ng pahayagang ito. Isa siya sa mga naging kasapi ng 'A Thousand Voice Ensemble' na siyang kumanta noong ika-18 ng Enero, sa Misa ng Santo Papa sa Quirino Grandstand, Maynila.

Ang orchestra ng Thousand Voices Ensemble na nagsasanay ng mga awit para sa pagdiriwang.


1. Paano ka naging kasapi ng koro ng 1000 boses na naging katuwang ng Sambayanan ng Diyos sa pag-awit para sa Misa ng Santo Papa?

   Ang ginawa ng Commitee ng Sub-Commission ng Liturgical Music ay kada diocese nagbigay sila ng mga "sslot" kung baga, halimbawa sa Archdiocese of Manila-100 na slot, sa Diocese of Malolos-100 na slot kaya nung slot na naibigay sa Malolos ay binigyan ni Fr. Allan ang seminaryo natin ng Inmaculada Concepcion ng 30 slot. Kaya naman, nung nasa seminaryo na nasabi na magkakaroon na po ng 30 slots, ang ginawa po naming paraan para makapili kami kung sino sasama,nung una ay nangyari ay, magpapa-audition po dapat pero hindi na natuloy dahil kulang na rin sa oras kaya ang nangyari po ay namili na lang kami nung talagang desedido at may dedikasyon mula sa philosophy at sa formation year dahil sinabi po ng ating mga kaparian sa seminaryo na huwag na pong isama ang kasapi sa kagawaran ng teolohiya sapagkat mahihirapan sila dun sa schedule ng mga practice.

Mga kasapi ng Seminaryo Mayor ng Inmaculada Concepcion sa naganap na practices para sa A Thousand Voices Ensemble para sa Papal Visit. Si Sem. Justine Cedric Espinosa (nakadilaw ng t-shirt) at si Sem. John Paul Morales (naka-itim na t-shirt na may dilaw na stripes) ay parehas na taga-Hagonoy, Bulakan.







2.) Maaari mo bang isalarawan sa amin ang mga ginawang paghahanda kung saan ika'y naging kabahagi?

Ang nangyari po ay, una ay may mga plakanta na idini-distribute po nila bawat diocese,meron pong binibigay na art copies dun sa mga coordinator sa bawat diocese at meron din pong pino-post sa Facebook/internet kaya ang mangyari po ay kung sino po ang mga magkakasama,kungyari merong mga deligates sa isang parokya/isang seminaryo.Pagkatanggap nila ng piyesa ay kami-kami ang magpapractice tapos at meron kaming practice kada Sabado depende yan kung saan sasabihin ng mga head, kadalasan po sa Immaculate Conception Cathedral ng Cubao tsaka isang beses sa Maynila,mangyari po pag na-practice na naminn tapos pinagsama-sama na yung 1,000 boses ay parang run on nalang ng mga kanta,kung baga ay napractice na namin tapos amin nalang bubuuin sa mismong practice,pinaka blending nalang ang ipapractice.

Si Sem. Justine at iba pang mga seminarista sa Quirino Grandstand sa Maynila. Kapansin-pansin ang dumaraming tao sa mga quadrant ng bawat section ng grandstand sa umaga bago ang misa.
3.) Sa pagdiriwang ng Banal na Misa, anu-ano ang iyong mga naramdaman bilang isa sa mga bukod-tanging umawit para sa Santo Papa?

    Una sa lahat, di ko ma-describe yung feeling kasi una sa lahat first time ko makita ang Santo Papa,iba talaga na pag first time mo makita pero napaglingkuran mo ba sa misa ng Santo Papa? Iba ang feeling talaga. Iba ang araw na yun na hanggang ngayon ay sariwang-sariaw pa din yung nangyari nung naganap nung araw na yun,alas-6 palang andun na kami pero alas-3 pa yung misa, maraming tao, hindi mo alam kung saan nanggaling ang mga taong yun. Maaga palang,madaling araw palang,madilim pa. 

"Napakaganda na maging isang Katolikong Pilpino, dahil una sa lahat alam ko na hawak ko yung katotohan na nasa Simbahang Katoliko ang katotohanan, hindi man ito mapatunayan ng kung sinuman pero makikita mo, maraming bagay ang hindi kayang ipaliwanag ng salita ng tao pero mararamdaman mo iyon."

Sem. Justine Cedric Espinosa sa kanyang nararamdaman sa pagdiriwang.

Ang mga mang-aawit na seminarista sa choir section ng Quirino Grandstand.
4.) Naging saksi ka sa lahat ng naganap mula sa anggulo ng grandstand. Paano mo maisasalarawan ang pananampalataya nating mga Pilipino mula sa iyong pagtingin (view) sa araw na iyon?

Ang larawan ng mga sumimba noong pagdiriwang habang sinasanay ang pagsayaw ng Sinulog.
   Doon po kasi sa pwesto po namin sa choir loft at kitang kita po namin yung dami ng tao hanggang dun sa likod ng rebulto ni Rizal talagang dagat ng tao yung kita. Ang masasabi ay since sinasabi ng iba unti unti na daw pong namamatay yung pananampalatayang Katoliko sa kahit saang parte ng mundo pero nung araw na yon na dumating ang ating Santo Papa sa pilipinas parang naiba yung tingin kasi hindi biro yung pitong milyong dami ng tao na naitalang higit sa dami ng tao noong World Youth Day dito rin sa Pilipinas noong 1995. Siguro meron din na hindi Katoliko na nagpunta doon sa Luneta kase iba talaga ang dating ng Santo Papa, iba yung paghahatid niya sa Panginoon sa mga tao.

5.) Ano sa mga sinabi o ginawa ng Santo Papa sa pagkakatong iyon ang tumimo sa iyong puso at nais mong maging gawaing tularan ng iyong sarili at ng ating kapwa?

    Una, sa buong pagdalaw niya sa buong bansa ang pinaka gusto ko sa mga sinabi niya ay yung sa misa niya sa Leyte, sabi niya “Alam naman ninyo kung bakit ako naparito yun ay upang samahan kayo sa inyong pagdadalamhati, medyo nahuli ako pero nandito ako” napaka ganda na parang tinitingnan talaga tayo ng Santo Papa, napakahalaga ng bawat isa satin para sa kanya sa panahon ng sakuna, sa panahon ng ating pagdadalamhati kasama natin siya. Hindi man niya kayang puntahan lahat sa dami ng mga Katoliko sa buong mundo, sa dami ng naghihirap pero kung makahanap siya ng paraan pupunta at pupunta siya. Sa Luneta naman maganda din yun nung napakinggan niya yung theme song na We are all God’s Children sabi niya parang sinasabi daw nating mga Pilipino na tayo ay mga anak talaga ng Diyos. Kaya sinabi niya na maging mga anak talaga tayo ng Diyos, ituring talaga natin ang Diyos na magulang natin , humingi tayo kung tayo ay mga kahilingan at magsumbong tayo kung tayo ay naapi.

6.) Anong mensahe ang dala ng iyong karanasan bilang isang Katolikong Pilipino at paano natin ito ipapahayag para sa Sambayanan ng Diyos?

   Napakaganda na maging isang Katolikong Pilpino, dahil una sa lahat alam ko na hawak ko yung katotohan na nasa Simbahang Katoliko ang katotohanan, hindi man ito mapatunayan ng kung sinuman pero makikita mo, maraming bagay ang hindi kayang ipaliwanag ng salita ng tao pero mararamdaman mo iyon.


Photo Courtesy:
Sem. Brian Romasoc at Sem. Jowel Karlo San Luis 
(Immaculate Conception Major Seminary - Department of Philosophy)