Sa panayam na ito, kasama ng ating pahayagan si Sem. Justine Cedric C. Espinosa, isang seminarista sa Kagawaran ng Teolohiya ng Seminaryo Mayor ng Inmaculada Concepcion, Tabe, Guiguinto, Bulacan. Siya ay taga-San Jose, Hagonoy, Bulacan at isa sa mga patnugot ng pahayagang ito. Isa siya sa mga naging kasapi ng 'A Thousand Voice Ensemble' na siyang kumanta noong ika-18 ng Enero, sa Misa ng Santo Papa sa Quirino Grandstand, Maynila.
Ang orchestra ng Thousand Voices Ensemble na nagsasanay ng mga awit para sa pagdiriwang. |
1. Paano ka naging kasapi ng koro ng 1000 boses na naging
katuwang ng Sambayanan ng Diyos sa pag-awit para sa Misa ng Santo Papa?
Ang ginawa
ng Commitee ng Sub-Commission ng Liturgical Music ay kada diocese nagbigay sila
ng mga "sslot" kung baga, halimbawa sa Archdiocese of Manila-100 na
slot, sa Diocese of Malolos-100 na slot kaya nung slot na naibigay sa Malolos ay
binigyan ni Fr. Allan ang seminaryo natin ng Inmaculada Concepcion ng 30 slot. Kaya naman, nung nasa seminaryo na
nasabi na magkakaroon na po ng 30 slots, ang ginawa po naming paraan para
makapili kami kung sino sasama,nung una ay nangyari ay, magpapa-audition po
dapat pero hindi na natuloy dahil kulang na rin sa oras kaya ang nangyari po ay
namili na lang kami nung talagang desedido at may dedikasyon mula sa philosophy at sa formation
year dahil sinabi po ng ating mga kaparian sa seminaryo na huwag na pong isama
ang kasapi sa kagawaran ng teolohiya sapagkat mahihirapan sila dun sa schedule ng mga practice.
2.) Maaari mo bang isalarawan sa amin ang mga ginawang paghahanda kung saan ika'y naging kabahagi?
Ang
nangyari po ay, una ay may mga plakanta na idini-distribute po nila bawat
diocese,meron pong binibigay na art copies dun sa mga coordinator sa bawat
diocese at meron din pong pino-post sa Facebook/internet kaya ang mangyari po ay
kung sino po ang mga magkakasama,kungyari merong mga deligates sa isang
parokya/isang seminaryo.Pagkatanggap nila ng piyesa ay kami-kami ang
magpapractice tapos at meron kaming practice kada Sabado depende yan kung saan
sasabihin ng mga head, kadalasan po sa Immaculate Conception Cathedral ng Cubao tsaka isang beses sa
Maynila,mangyari po pag na-practice na naminn tapos pinagsama-sama na yung 1,000
boses ay parang run on nalang ng mga kanta,kung baga ay napractice na namin
tapos amin nalang bubuuin sa mismong practice,pinaka blending nalang ang
ipapractice.
Si Sem. Justine at iba pang mga seminarista sa Quirino Grandstand sa Maynila. Kapansin-pansin ang dumaraming tao sa mga quadrant ng bawat section ng grandstand sa umaga bago ang misa. |
3.) Sa pagdiriwang ng Banal na Misa, anu-ano ang iyong mga
naramdaman bilang isa sa mga bukod-tanging umawit para sa Santo Papa?
Una sa
lahat, di ko ma-describe yung feeling kasi una sa lahat first time ko makita ang
Santo Papa,iba talaga na pag first time mo makita pero napaglingkuran mo ba sa
misa ng Santo Papa? Iba ang feeling talaga. Iba ang araw na yun na hanggang ngayon
ay sariwang-sariaw pa din yung nangyari nung naganap nung araw na yun,alas-6
palang andun na kami pero alas-3 pa yung misa, maraming tao, hindi mo alam kung saan
nanggaling ang mga taong yun. Maaga palang,madaling araw palang,madilim pa.
"Napakaganda na maging isang Katolikong Pilpino, dahil una sa lahat alam ko na hawak ko yung katotohan na nasa Simbahang Katoliko ang katotohanan, hindi man ito mapatunayan ng kung sinuman pero makikita mo, maraming bagay ang hindi kayang ipaliwanag ng salita ng tao pero mararamdaman mo iyon."
Sem. Justine Cedric Espinosa sa kanyang nararamdaman sa pagdiriwang.
Ang mga mang-aawit na seminarista sa choir section ng Quirino Grandstand. |
4.) Naging saksi ka sa lahat ng naganap mula sa anggulo ng
grandstand. Paano mo maisasalarawan ang pananampalataya nating mga Pilipino
mula sa iyong pagtingin (view) sa araw na iyon?
Ang larawan ng mga sumimba noong pagdiriwang habang sinasanay ang pagsayaw ng Sinulog. |
Doon po kasi sa pwesto po namin sa choir loft at kitang kita po namin yung dami ng tao hanggang
dun sa likod ng rebulto ni Rizal talagang dagat ng tao yung kita. Ang masasabi
ay since sinasabi ng iba unti unti na daw pong namamatay yung pananampalatayang
Katoliko sa kahit saang parte ng mundo pero nung araw na yon na dumating ang
ating Santo Papa sa pilipinas parang naiba yung tingin kasi hindi biro yung
pitong milyong dami ng tao na naitalang higit sa dami ng tao noong World Youth
Day dito rin sa Pilipinas noong 1995. Siguro meron din na hindi Katoliko na nagpunta doon
sa Luneta kase iba talaga ang dating ng Santo Papa, iba yung paghahatid niya sa
Panginoon sa mga tao.
5.) Ano sa mga sinabi o ginawa ng Santo Papa sa
pagkakatong iyon ang tumimo sa iyong puso at nais mong maging gawaing tularan
ng iyong sarili at ng ating kapwa?
Una, sa buong
pagdalaw niya sa buong bansa ang pinaka gusto ko sa mga sinabi niya ay yung sa
misa niya sa Leyte, sabi niya “Alam naman ninyo kung bakit ako naparito yun ay
upang samahan kayo sa inyong pagdadalamhati, medyo nahuli ako pero nandito ako”
napaka ganda na parang tinitingnan talaga tayo ng Santo Papa, napakahalaga ng
bawat isa satin para sa kanya sa panahon ng sakuna, sa panahon ng ating
pagdadalamhati kasama natin siya. Hindi man niya kayang puntahan lahat sa dami
ng mga Katoliko sa buong mundo, sa dami ng naghihirap pero kung makahanap siya
ng paraan pupunta at pupunta siya. Sa Luneta naman maganda din yun nung
napakinggan niya yung theme song na We are all God’s Children sabi niya
parang sinasabi daw nating mga Pilipino na tayo ay mga anak talaga ng Diyos.
Kaya sinabi niya na maging mga anak talaga tayo ng Diyos, ituring talaga natin
ang Diyos na magulang natin , humingi tayo kung tayo ay mga kahilingan at magsumbong
tayo kung tayo ay naapi.
6.) Anong mensahe ang dala ng iyong karanasan bilang isang
Katolikong Pilipino at paano natin ito ipapahayag para sa Sambayanan ng Diyos?
Napakaganda na
maging isang Katolikong Pilpino, dahil una sa lahat alam ko na hawak ko yung
katotohan na nasa Simbahang Katoliko ang katotohanan, hindi man ito mapatunayan
ng kung sinuman pero makikita mo, maraming bagay ang hindi kayang ipaliwanag
ng salita ng tao pero mararamdaman mo iyon.
Photo Courtesy:
Sem. Brian Romasoc at Sem. Jowel Karlo San Luis
(Immaculate Conception Major Seminary - Department of Philosophy)
No comments:
Post a Comment