Sa
lipunang ginigimbal ng ugong ng pagtatalo,
nasisindak
ang madilim na isip ng mga tao;
salungata'y
walang habas, marami ang basag-ulo,
manlalabo
ang isipan at sa isyu'y nalilito;
maulap
ang tinatahak na landasing tinutungo,
na
tila ba maliligaw sa laot ng mga gulo;
sa
ganitong kalagaya'y ISANG INANG MATALINO
na
dapat na pumagitna't mabigay ng gintong payo.
---o0o---
Isang
INANG bawat wika'y sulo't tanglaw ng isipan,
bawa't
pasya'y karunungan at mabuting kahatulan;
isang
INANG pantas manding may payo ng katarungan
sa
sinumang naaapi't sapupo ng agam-agam;
Iyan
po ang INA NATIN NG MABUTING KAHATULAN,
na
sa buhay na magusot may matatag na patnubay;
sa
libo mang suliranin nitong bayan at simbahan,
INA
siyang sa balana'y may hatol na kagalingan.
---o0o---
Ang
birhen kong pintakasi'y binatbat ang pag-iisip
sa
kislap ng karunungang inihulog ng Langit;
Siya'y
Ina ng Mesiyas na sinugo ng Pag-ibig
at
Anghel ng kanyang diwa ang “binatang pagtitiis
ay
sangla ng katubusan ni Jesus sa taong ganid;”
ang
hatol ng Amang Diyos ay nasakyan Niyang labis,
na
hatol ng karunungang dapat sundin ng daigdig.
---o0o---
Nilimi
sa kanyang puso't sinimpan sa kanyang loob
ang
hatorl ng katarungang mahabagin nitong Diyos;
“-
sa palalo'y inilipat ang kababaan-ng-loob,
sa
suwali ang tinumbas ay mabait na pagsunod;
sa
malaswang mga sala ay hirap na walang tuos
ang
bayad na ibinuwis ng Bathalang Manunubos;
sa
ganito itong tao'y pinagsisi Niyang lubos,
pinagtika't
pinagbanal sangayon sa mga Utos.
---o0o---
…
Sa
pagsunod kay Bathala nitong Inang Mariang Birhen,
ang
suwail na si Eva'y nalantikan nang mariin;
Si
Eva po ay nakinig sa tukso ng mainggitin,
kasawai't
kamatayan ang nakamit na malagin;
ang
Birhen po ay nakinig sa “payo ng Poon natin”,
katubusa't
kamatayan ay natamng maluningning;
kaya
INANG sa parangal si Maria po'y ating sunin,
tagapayo
Siyang mutya, taga-akay na butihin.
---o0o---
…
Ang
pag-ibig daw sa Diyos at Banal na Pagkatakot
ay
dunong na walang hanggang may dulot na tuwa't tugod;
ito,
anya, ang panlaban sa hibo ng sansinukob,
kalasag
at kaligtasan sa tukso mang walang lagot;
kaya,
giliw na katoto, pakinggan ang Inang irog,
sa
anumang sulirani'y sa Birhen ka manikluhod,
halimbawang
iniwana'y pangaral mong isaloob
at
sundin ang Kanyang payo na bulong sa iyong loob.
