Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, November 01, 2014

DAMBANA AT PANANAMPALATAYA: An Official Online Magazine of the Vicariate of St. Anne-Diocese of Malolos (Whole Vol. 3/Vol. 1, Special Issue, October 2014)



An Official Online Magazine of the 
Vicariate of St. Anne - Diocese of Malolos

An online apostolate of the Catholic faithful of the
VICARIATE OF ST. ANNE, HAGONOY
(National Shrine of St. Anne [Sto. Niño, Hagonoy], Parish of Nuestra Señora del Santissimo Rosario [Sto. Rosario, Hagonoy], Parish of St. Helena the Empress [Sta. Elena, Hagonoy], Parish of St. John the Baptist [San Juan, Hagonoy], Parish of St. Anthony of Padua [Iba, Hagonoy], Parish of Ina ng Laging Saklolo [San Pedro, Hagonoy], Parish of St. Joseph the Worker 
[San Jose, Calumpit], Parish of St. James the Apostle [Poblacion, Paombong] and the Mission
Parish of Sta. Cruz [Sta. Cruz, Paombong].

in association with the
MSGR. JOSE B. AGUINALDO FOUNDATION, INC.
Unit 915, Union Square 1 Condominium
145 15th Ave., Cubao 1109 Quezon City

PUBLISHER
Vicariate of St. Anne, Hagonoy
Roman Catholic Diocese of Malolos
MODERATOR
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P., S.Th.D.
PUBLICATION AND RESEARCH DIRECTOR
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
EDITORIAL DIRECTOR
Jose Luis V. Carpio
ASSOCIATE EDITORS
Sem. Justine Cedric C. Espinosa
El Gideon G. Raymundo
EDITOR-AT-LARGE
Melwyn V. Francisco
SECTION EDITORS
KULTURA
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
TRIBUTES AND FEATURE:
Basilio R. Martin
OPINION
Marlon B. Santos
PHOTOGRAPHY AND VIDEOGRAPHY
Derick L. Fabian
Joan Larion
Evangeline Alcantara
Photo Shoppe: Image and Photography
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
LITERARY
Consolacion T. Faundo
CONTRIBUTORS
Rev. Fr. Vicente Burayag Lina, Jr. Rev. Fr. Raymund Victor Acuña, Rev. Fr. Israel Enero dela Cruz Camara, Rev. Msgr. Ranilo Santos Trillana, P.C.
COVER DESIGN AND LAYOUT
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Derick L. Fabian
PRODUCTION CONSULTANTS
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P.
Rev. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C.
Rev. Fr. Candido D. Pobre, Jr.

ALL RIGHTS RESERVED 2014
Dambana at Pananampalataya
An Official Online Magazine of the 
Vicariate of St. Anne - Diocese of Malolos
www.dambana.blogspot.com

Dambana at Pananampalataya: An Official Online Magazine of the Vicariate of St. Anne - Diocese of Malolos is a tri-annual electronic magazine operated by the Commission on Social Communications-Vicariate of St. Anne which aims at providing quality information, trivia, facts and discussion on the different traditions, practices and teachings of the Catholic faithful of the town and vicariate of Hagonoy, Bulacan to know of the significance of these to their living and faith. This organ serves as an independent organization from the parishes yet works for the preservation of the Catholic cultural heritage of the town and vicariate contained within the parochial communities.

About the Cover Page - The three priests featured in this new issue of Dambana at Pananampalataya: Rev. Fr. Vicente Burayag Lina, Jr. (inset) of Sto. Niño, Hagonoy, who is celebrating his 25 years in the priestly ministry, Rev. Fr. Raymund Victor Acuña (inset) of Sta. Elena, Hagonoy, who was ordained last March 8, 2014 and is the 112th priest-son of Hagonoy and Rev. Fr. Israel Enero dela Cruz Camara (cover) of San Sebastian, Hagonoy, who was ordained last October 20, 2014 and is officially the newest member of the Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc. (KAKATHA) and the 113th priest-son of Hagonoy.

MESSAGE | MENSAHE:

Message from the Publication and Research Director
Pagdiriwang ng Tatlong Paring Anak
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban


THANKSGIVING | PASASALAMAT:

Rdo. Msgr. Ranilo Santos Trillana, P.C.
Pangulo, Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.


EVENTS | MGA PAGDIRIWANG:
Ika-25 Anibersaryo sa Pagkapari
(Bodas de Plata)
Ika-12 ng Setyembre, 2014
Parokya ng Inmaculada Concepcion - Katedral at Basilika Minore 
Lungsod ng Malolos

Mga Larawan

Pasasalamat ni Rdo. P. Vicente Burayag Lina, Jr.


Primera Misa Solemne 
Ika-3 ng Mayo, 2014
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz
Sta. Elena, Hagonoy, Bulakan

Mga Larawan

Homilya ni Rdo. P. Raymund Victor Acuña

Mensahe ng Panguluhan ng Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.


Ordinasyon sa Pagkapari
Ika-20 ng Oktubre, 2014
Parokya ni San Miguel Arkanghel
Poblacion South, Sta. Cruz, Zambales

Mga Larawan

Primera Misa Solemne 
Ika-29 ng Oktubre, 2014
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
Sto. Niño, Hagonoy, Bulakan

Mga Larawan at Video
(Dapit, Entrada, Pambungad na Pananalangin, Homilya, Konsagrasyon, 
  atbp.)

Homilya: Rdo. Msgr. Enrico Saguinsin Santos, H.P. (San Sebastian)
Kamag-anak ni P. Camara

Pasasalamat ni Rdo. P. Israel Enero dela Cruz Camara


MESSAGE/ MENSAHE:
PAGDIRIWANG NG TATLONG PARING ANAK

Ginigiliw na mga mambabasa,


  Ngayong taon 2014 napakalaki ng biyayang natanggap bunga ng mga pagdiriwang dito sa ating Bayang Levitico ng Hagonoy, Bulakan. Mula sa mga paring anak-Hagonoy, isa ngayon ang nagdiriwang ng kanyang ika-25 taon bilang isang pari ng ating Simbahan, si Rdo. P. Vicente "Jay" Burayag Lina, Jr. Mula din sa ating tinubuang lupa umusbong ang bokasyon ng dalawa pang pari na bagong ordina lamang at ngayo'y naglilingkod sa kani-kanilang mga diyosesis: sina Rdo. P. Raymund "Lucky" Victor Acuña, anak ng Sta. Elena na naglilingkod sa Diyosesis ng Tarlac at Rdo. P. Israel Enero "Rael" dela Cruz Camara, anak ng San Sebastian na naglilingkod sa Diyosesis ng Iba, Zambales.

   Kaya naman, minarapat ng ating pahayagan, ang Dambana at Pananampalataya: An Official Online Magazine of the Vicariate of St. Anne-Diocese of Malolos ang pagbuo nitong Special Issue upang gunitain ang biyayang ito na mayroong tayo para sa tatlong anak na pari ng Hagonoy. Laman ng siping ito ang ilang mga larawan, pananalita at pati mga video ng ilang kaganapan sa pagdiriwang ng bawat pari sa loob ng taong ito. Kasama na rin dito ang mensahe ng Pangulo ng Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc., si Rdo. Msgr. Ranilo Santos Trillana, P.C. na makikita sa pinakatampok na pagdiriwang noong nagdaang ika-29 ng Oktubre, ang Primera Misa Solemne ni P. Camara na kaalinsabay ng ika-23 anibersaryo ng Simbahan ni Sta. Ana sa Hagonoy bilang Pambansang Dambana.

   Sa lahat po ng mga ito, ating gunitan, tayo'y magpasalamat sa malaking biyaya na mula sa Diyos at sa Kanyang Simbahan.

Kay Kristo,













THANKSGIVING | PASASALAMAT: Pag-anunsyo sa mga Nagdiwang Rdo. Msgr. Ranilo Santos Trillana, P.C. Pangulo, Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.



Pasasalamat: Pag-anunsyo ng mga Nagdiwang

Primera Misa Solemne: Rdo. P. Israel Enero dela Cruz Camara (San Sebastian)
Ika-29 ng Oktubre, 2014
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana

Rdo. Msgr. Ranilo Santos Trillana, P.C.
Pangulo, Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.

15MsgrTrillana-FrLina from Dambana at Pananampalataya 2 on Vimeo.

   Sa ngalan po ng Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc. o ang KAKATHA, ibinibigay namin ang mga sumusunod na parangal para sa aming mga kapatid na pari na nagdiriwang ng kanyang ika-25 anibersaryo at ang mga nakababata naming mga kapatid na nakababata kaalinsabay nitong pagdiriwang ng ika-23 anibersaryo ng dambana nitong aming Patronang Sta. Ana.

Ang una po ay ang nagdiwang ng kanyang ika-25 anibersaryo sa taon na ito, at ito ang nakalagay sa plaque na aming ibibigay sa kanya:


KAPATIRAN NG KAPARIANG TAGA-HAGONOY, INC.
National Shrine and Parish of St. Anne
Sto. Niño, Hagonoy 3002 Bulacan
www.kakatha.blogspot.com

Bilang pasasalamat ng Sambayanan ng Diyos
sa bayan ng Hagonoy, Bulakan
sa paglago ng bokasyon sa pagpakapari sa ating bayan
ibinibigay ang parangal na ito kay

RDO. P. VICENTE BURAYAG LINA, JR.

na anak ng barrio Sto. Niño, Hagonoy, Bulakan
at ika-limang pangulo ng samahan na
inordenahang pari noong
ika-12 ng Agosto 1989
sa kanyang

Ika-25 Anibersaryo sa Pagkapari
(Bodas de Plata)

Iginawad noong ika-29 ng Oktubre, Taon ng mga Layko 2014
sa Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
Sto. Niño, Hagonoy, Bulakan
sa pagdiriwang ng ika-23 anibersaryo ng
Simbahan ni Sta. Ana
bilang Pambansang Dambana.


Rdo. P. Virgilio Mangahas Cruz
Ingat-Yaman

Rdo. P. Rolando Reyes Atienza
Kalihim

Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio
Pangalawang Pangulo


Rdo. Msgr. Ranilo Santos Trillana, P.C.
Pangulo


   At ang mga susunod naming mga parangal ay para sa aming mga bunsong kapatid na pari. Bagamat itong isa ay hindi nakadalo, ngunit noong Kapistahan ni Sta. Ana noong ika-26 noong nakaraang Hulyo, kasama natin siya sa ating Banal na Misa. Gayunpaman ibibigay namin ang parangal na ito sa kanyang kamag-anak na si P. Atienza:


KAPATIRAN NG KAPARIANG TAGA-HAGONOY, INC.
National Shrine and Parish of St. Anne
Sto. Niño, Hagonoy 3002 Bulacan
www.kakatha.blogspot.com

Bilang pasasalamat ng Sambayanan ng Diyos
sa bayan ng Hagonoy, Bulakan
sa paglago ng bokasyon sa pagkapari sa ating bayan
ibinibigay ang parangal na ito kay

RDO. P. RAYMUND VICTOR ACUÑA

na anak ng barrio Sta. Elena, Hagonoy, Bulakan
na inordenahang pari noong
ika-8 ng Marso, 2014
bilang

Ika-112 Paring Anak-Hagonoy

at bagong kasapi ng

Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.
(KAKATHA)

Iginawad noong ika-29 ng Oktubre, Taon ng mga Layko 2014
sa Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
Sto. Niño, Hagonoy, Bulakan
sa pagdiriwang ng ika-23 anibersaryo ng
Simbahan ni Sta. Ana
bilang Pambansang Dambana.


Rdo. P. Virgilio Mangahas Cruz
Ingat-Yaman

Rdo. P. Rolando Reyes Atienza
Kalihim

Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio
Pangalawang Pangulo


Rdo. Msgr. Ranilo Santos Trillana, P.C.
Pangulo

At syempre pararangalan na natin ang mismong nanguna sa ating Banal na Misa, ang pinaka-bunso po sa ating kapariang taga-Hagonoy. At siya'y walang iba kundi si Rdo. P. Israel Enero dela Cruz Camara:


KAPATIRAN NG KAPARIANG TAGA-HAGONOY, INC.
National Shrine and Parish of St. Anne
Sto. Niño, Hagonoy 3002 Bulacan
www.kakatha.blogspot.com

Bilang pasasalamat ng Sambayanan ng Diyos
sa bayan ng Hagonoy, Bulakan
sa paglago ng bokasyon sa pagkapari sa ating bayan
ibinibigay ang parangal na ito kay

RDO. P. ISRAEL ENERO DELA CRUZ CAMARA

na anak ng barrio San Sebastian, Hagonoy, Bulakan
na inordenahang pari noong
ika-20 ng Oktubre, 2014
bilang

Ika-113 Paring Anak-Hagonoy

at bagong kasapi ng

Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.
(KAKATHA)

Iginawad noong ika-29 ng Oktubre, Taon ng mga Layko 2014
sa Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
Sto. Niño, Hagonoy, Bulakan
sa pagdiriwang ng ika-23 anibersaryo ng
Simbahan ni Sta. Ana
bilang Pambansang Dambana.

Rdo. P. Virgilio Mangahas Cruz
Ingat-Yaman

Rdo. P. Rolando Reyes Atienza
Kalihim

Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio
Pangalawang Pangulo


Rdo. Msgr. Ranilo Santos Trillana, P.C.
Pangulo



Photography and Videography Acknowledgement:
Derick L. Fabian

EVENTS | MGA PAGDIRIWANG: Rdo. P. Vicente Burayag Lina, Jr. - Ika-25 Anibersaryo ng Pagkapari (Ika-12 ng Seytembre, 2014)


Ang pasasalamat ni Rdo. P. Vicente Burayag Lina, Jr. sa Parokya ng Inmaculada Concepcion - Katedral at Basilika Minore kung saan siya naging kasapi ng Team Ministry at kung saan niya ginanap ang kanyang ika-25 anibersaryo bilang pari. Kasama sa pagdiriwang ang Lubhang Kgg. Jose F. Oliveros, D.D., Obispo ng Malolos, mga pari ng Diyosesis ng Malolos at iba pang pari mula sa iba't ibang diyosesis.

RDO. P. VICENTE BURAYAG LINA, JR.
Ika-25 Anibersaryo sa Pagkapari
(Bodas de Plata)
Ika-12 ng Setyembre, 2014
Parokya ng Inmaculada Concepcion - Katedral at Basilika Minore 
Lungsod ng Malolos

Basahin ang buong istorya ng kaganapan sa Ingles sa Opisyal na Website ng Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc. (Tignan dito).

Mga Larawan:

DAPIT - Ang pagpruprusisyon ng La Niña Maria kasama si Rdo. P. Vicente Burayag Lina, Jr. mula sa matandang tahanan ng Pamilya Tantoco sa Sto. Niño, Malolos patungo sa Basilika Minore.
PAGHAHANDA - Si G. Ronald M. Santos, isa sa mga matatalik na kaibigan ni P. Lina na tumutulong sa pagbihis ng pari sa Opisina ng Lupon ng Liturhiya sa Diocesan Pastoral Center.
PAG-IYAK NA MAY KAGALAKAN - Ang pagyakap ni P. Lina kay Sem. Daniel M. Coronel, isang seminaristang anak-Hagonoy na naging seminarista din ni P. Lina sa Parokya ng N.S. del Santissimo Rosario sa Hagonoy.
PRUSISYON - Ang pasimula ng pagdiriwang kung saan binabati ni P. Lina ang mga panauhin. Nasa likuran niya ang Lubhang Kgg. Jose F. Oliveros, D.D., Obispo ng Malolos.
PANGAKO - Ang pasimula ng misa na kung saan nagkaroon ng pagbabago ng pangako sa pagkapari ni P. Lina.
PAGSUOT - Bago manguna si P. Lina sa Misa, sinuotan siya ng kasulyang asul, bilang pagdiwang sa Kapistahan ng Banal na Pangalan ni Maria.
KARIKTAN - Ang isang pangkalahatang pagtingin sa pagdiriwang ng Misa sa loob ng Basilika Minore.
PANGANGARAL - Ang homilya ni ibinigay ni Rdo. Msgr. Andres Santos Valera, H.P., matalik na kaibigan ni P. Lina at kapwa paring anak-Hagonoy.
KAPARIAN - Ang kapariang dumalo sa pagdiriwang kasama si P. Lina.
PANAUHIN - Si P. Lina kasama ang ilang mga kamaga-anak at kaibigan matapos ang Banal na Misa.
KASIYAHAN - Ang cake na inihanda para sa ika-25 anibersaryo sa pagkapari ni P. Lina sa Diocesan Pastoral Center.

PASASALAMAT:

RDO. P. VICENTE BURAYAG LINA, JR.

Ika-25 Anibersaryo sa Pagkapari
(Bodas de Plata)
Ika-29 ng Oktubre, 2014
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
Sto. Niño, Hagonoy, Bulakan


Magandang umaga po sa inyong lahat!

Salamat po sa plaque na ito na aking natanggap, gawad ng aking mga kapatid na pari dito po sa Hagonoy. Ang aking pagkapari ay utang na loob ko po sa Panginoon Diyos, utang na loob po ng aking mga magulang, at utang na loob po namin sa lahat ng mga kababayan naming taga-Hagonoy na nagdasal para sa akin para ako'y maging pari.

Lagi nga pong paalala ng ina kong yumao na laging magpapasalamat sa Diyos at huwag kakalimuting umuwi sa Hagonoy dahil sa mga taga-Hagonoy dahil dito sa Hagonoy nagsama-sama ang mga nanalangin upang ako ay maging pari.

Kaya naman po salamat po sa inyong lahat at sisikapin ko po na laging makadalo sa mga mahahalagang gampanin ng Simbahan po dito sa Hagonoy. Kahit po lumubog ang Hagonoy lalangoy po ako para makapunta dito sa ating bayan.

Salamat po!

Photography and Videography Acknowledgement:
Joan Larion | Derick L. Fabian

EVENTS | MGA PAGDIRIWANG: Rdo. P. Raymund Victor Acuña - Primera Misa Solemne (Mayo 3, 2014)


UNANG MISA SA HAGONOY - Ang pag-uwi ng isang paring anak-Hagonoy sa kanyang pinagmulang parokya at barrio sa Sta. Elena, Hagonoy, Bulakan sa pagdiriwang ng ika-siyam na araw ng nobenaryo sa karangalan ni Apo Elena ng Hagonoy.
RDO. P. RAYMUND VICTOR ACUÑA
Primera Misa Solemne 
Ika-3 ng Mayo, 2014
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz
Sta. Elena, Hagonoy, Bulakan

Basahin ang balita tungkol sa naganap na unang misa sa Opisyal na Website ng Kapatiran ng Kaparaing Taga-Hagonoy, Inc. (KAKATHA). (Tignan dito).

Mga Larawan:
PAG-IINSENSO - Sa pag-ikot ni P. Acuña, ininsensuhan niya ang altar at ang larawan ni Sta. Elena Emperatriz.
PAG-AALAY - Ang pagtanggap ni P. Acuña mula sa mga mananampalataya sa pag-aalay matapos ang homilya.
PAGDALANGIN - Ang pananalangin ng itinurong dasal ng Panginoong Jesukristo sa pagkanta ng Ama Namin.
PAGBABASBAS - Ang pagbabasbas ng pari sa mga mananampalataya sa katapusan ng Banal na Misa.
Homilya:
Rdo. P. Raymund Victor Acuña
Primera Misa Solemne 
Ika-3 ng Mayo, 2014
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz
Sta. Elena, Hagonoy, Bulakan

Tignan ang buong homilya ni P. Acuña sa 2014 Second Tri-annual Issue ng pahayagang ito. (Tignan dito).

MENSAHE - Ang mensahe ng panguluhan ng Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc. (KAKATHA) para kay P. Acuña sa pagdiriwang ng kanyang Primera Misa Solemne.
Mensahe:
Panguluhan ng Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.
Primera Misa Solemne 
Rdo. P. Raymund Victor Acuña
Ika-3 ng Mayo, 2014
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz
Sta. Elena, Hagonoy, Bulakan

Kay: Rdo. P. Raymund Victor Acuña
        at sa Sambayanan ng Diyos sa Parokya ni Sta.      
        Elena Emperatriz
        sa pinagpalang bayan ng Hagonoy, Bulakan

Pagbati ng kapayapaan at pakikiisa!

Tunay na pasasalamat sa ating Panginoong Hesukristo ang pagkakataong ito sapagkat mula sa pamayanang ito, muling nahirang ang isang anak na nagtalaga ng sarili sa Kanya upang maging lingkod Niya at ng Kanyang Sambayanan. Kaming pamunuan at mga kasapi ng Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc. ay nagagalak kay Rdo. P. Raymund Victor Acuña na inordenahan bilang isang ganap na pari ng Lubhang Kgg. Florentino F. Cinense, D.D., Obispo ng Diyosesis ng Tarlac noong ika-8 ng Marso, 2014 sa Parokya ng Inmaculada Concepcion sa bayan ng Victoria sa Tarlac.

Sa kanyang pagkakahirang bilang pari, muling nadagdagan ang hanay ng mga lingkod mula sa ating minamahal na bayan na binansagang “Bayang Levitico” dala ng napakaraming nitong paring anak. Sa hanay na ito, si P. Acuña na ang ika-112 pari na nagmula sa baying ito simula pa noong panahon ng mga Kastila at ika-66 sa mga paring nabanggit na buhay pa hanggang sa kasalukuyan. Kaya naman isang pasasalamat sa Diyos ang malaman na nakapagdiwang si P. Acuña ng kanyang unang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya ditto sa Parokya ni Sta. Elena.

Ang aming dalangin bilang kanyang mga kapwa kapatid niya na paring anak-Hagonoy, huwag po siyang magsasawa na ipangaral ang Mabuting Balita kung saan man siya madestino. Aming ding dalangin na huwag siyang pababayaan ng Panginoon sa mga pagsubok na haharapin niya sa kanyan ministeryo bilang pari. At higit sa lahat, hiling din naming na sa kanyang pagkapari, maipadama nawa niya ang pag-ibig mula sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus.

Sa pamimintuho kay Apo Elena na inyong patrona, ni Apo Ana na patrona ng ating bayan at ni Maria na ina ng mga pari, lagi nawa kayo patnubayan Fr. Lucky sa inyong paglilingkod sa ating Panginoon at sa Inang Simbahan.

Ad multos annos!



Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio
Pangalawang Pangulo


Rdo. Msgr. Ranilo Santos Trillana, P.C.
Pangulo


Photography and Acknowledgement:
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban, Publication Director


Page 1 of 2
Please press the link for Page 2.