Primera Misa Solemne
Ika-3 ng Mayo, 2014
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz
Sta. Elena, Hagonoy, Bulakan
Basahin ang balita tungkol sa naganap na unang misa sa Opisyal na Website ng Kapatiran ng Kaparaing Taga-Hagonoy, Inc. (KAKATHA). (Tignan dito).
Mga Larawan:
Ika-3 ng Mayo, 2014
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz
Sta. Elena, Hagonoy, Bulakan
Basahin ang balita tungkol sa naganap na unang misa sa Opisyal na Website ng Kapatiran ng Kaparaing Taga-Hagonoy, Inc. (KAKATHA). (Tignan dito).
Mga Larawan:
PAG-IINSENSO - Sa pag-ikot ni P. Acuña, ininsensuhan niya ang altar at ang larawan ni Sta. Elena Emperatriz. |
PAG-AALAY - Ang pagtanggap ni P. Acuña mula sa mga mananampalataya sa pag-aalay matapos ang homilya. |
PAGDALANGIN - Ang pananalangin ng itinurong dasal ng Panginoong Jesukristo sa pagkanta ng Ama Namin. |
PAGBABASBAS - Ang pagbabasbas ng pari sa mga mananampalataya sa katapusan ng Banal na Misa. |
Homilya:
Rdo. P. Raymund Victor Acuña
Primera Misa Solemne
Ika-3 ng Mayo, 2014
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz
Sta. Elena, Hagonoy, Bulakan
Tignan ang buong homilya ni P. Acuña sa 2014 Second Tri-annual Issue ng pahayagang ito. (Tignan dito).
Ika-3 ng Mayo, 2014
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz
Sta. Elena, Hagonoy, Bulakan
Tignan ang buong homilya ni P. Acuña sa 2014 Second Tri-annual Issue ng pahayagang ito. (Tignan dito).
MENSAHE - Ang mensahe ng panguluhan ng Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc. (KAKATHA) para kay P. Acuña sa pagdiriwang ng kanyang Primera Misa Solemne. |
Mensahe:
Panguluhan ng Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.
Primera Misa Solemne
Rdo. P. Raymund Victor Acuña
Ika-3 ng Mayo, 2014
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz
Sta. Elena, Hagonoy, Bulakan
Kay: Rdo. P. Raymund Victor
Acuña
at sa Sambayanan ng
Diyos sa Parokya ni Sta.
Elena Emperatriz
sa pinagpalang bayan
ng Hagonoy, Bulakan
Pagbati ng kapayapaan at
pakikiisa!
Tunay na pasasalamat sa ating
Panginoong Hesukristo ang pagkakataong ito sapagkat mula sa
pamayanang ito, muling nahirang ang isang anak na nagtalaga ng sarili
sa Kanya upang maging lingkod Niya at ng Kanyang Sambayanan. Kaming
pamunuan at mga kasapi ng Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.
ay nagagalak kay Rdo. P. Raymund Victor Acuña na inordenahan bilang
isang ganap na pari ng Lubhang Kgg. Florentino F. Cinense, D.D.,
Obispo ng Diyosesis ng Tarlac noong ika-8 ng Marso, 2014 sa Parokya
ng Inmaculada Concepcion sa bayan ng Victoria sa Tarlac.
Sa kanyang pagkakahirang bilang
pari, muling nadagdagan ang hanay ng mga lingkod mula sa ating
minamahal na bayan na binansagang “Bayang Levitico” dala ng
napakaraming nitong paring anak. Sa hanay na ito, si P. Acuña na ang
ika-112 pari na nagmula sa baying ito simula pa noong panahon ng mga
Kastila at ika-66 sa mga paring nabanggit na buhay pa hanggang sa
kasalukuyan. Kaya naman isang pasasalamat sa Diyos ang malaman na
nakapagdiwang si P. Acuña ng kanyang unang pagdiriwang ng Banal na
Eukaristiya ditto sa Parokya ni Sta. Elena.
Ang aming dalangin bilang
kanyang mga kapwa kapatid niya na paring anak-Hagonoy, huwag po
siyang magsasawa na ipangaral ang Mabuting Balita kung saan man siya
madestino. Aming ding dalangin na huwag siyang pababayaan ng
Panginoon sa mga pagsubok na haharapin niya sa kanyan ministeryo
bilang pari. At higit sa lahat, hiling din naming na sa kanyang
pagkapari, maipadama nawa niya ang pag-ibig mula sa Kamahal-mahalang
Puso ni Hesus.
Sa pamimintuho kay Apo Elena na
inyong patrona, ni Apo Ana na patrona ng ating bayan at ni Maria na
ina ng mga pari, lagi nawa kayo patnubayan Fr. Lucky sa inyong
paglilingkod sa ating Panginoon at sa Inang Simbahan.
Ad multos annos!
Rdo. P. Anacleto Clemente
Ignacio
Pangalawang Pangulo
Rdo. Msgr. Ranilo Santos
Trillana, P.C.
Pangulo
Photography and Acknowledgement:
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban, Publication Director
Page 1 of 2
Please press the link for Page 2.
No comments:
Post a Comment