RDO. P. VICENTE BURAYAG LINA, JR.
Ika-25 Anibersaryo sa Pagkapari
(Bodas de Plata)
Ika-12 ng Setyembre, 2014
Parokya ng Inmaculada Concepcion - Katedral at Basilika Minore
Lungsod ng Malolos
Basahin ang buong istorya ng kaganapan sa Ingles sa Opisyal na Website ng Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc. (Tignan dito).
Mga Larawan:
RDO. P. VICENTE BURAYAG LINA, JR.
(Bodas de Plata)
Ika-12 ng Setyembre, 2014
Parokya ng Inmaculada Concepcion - Katedral at Basilika Minore
Lungsod ng Malolos
Basahin ang buong istorya ng kaganapan sa Ingles sa Opisyal na Website ng Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc. (Tignan dito).
Mga Larawan:
DAPIT - Ang pagpruprusisyon ng La Niña Maria kasama si Rdo. P. Vicente Burayag Lina, Jr. mula sa matandang tahanan ng Pamilya Tantoco sa Sto. Niño, Malolos patungo sa Basilika Minore. |
PAGHAHANDA - Si G. Ronald M. Santos, isa sa mga matatalik na kaibigan ni P. Lina na tumutulong sa pagbihis ng pari sa Opisina ng Lupon ng Liturhiya sa Diocesan Pastoral Center. |
PRUSISYON - Ang pasimula ng pagdiriwang kung saan binabati ni P. Lina ang mga panauhin. Nasa likuran niya ang Lubhang Kgg. Jose F. Oliveros, D.D., Obispo ng Malolos. |
PANGAKO - Ang pasimula ng misa na kung saan nagkaroon ng pagbabago ng pangako sa pagkapari ni P. Lina. |
PAGSUOT - Bago manguna si P. Lina sa Misa, sinuotan siya ng kasulyang asul, bilang pagdiwang sa Kapistahan ng Banal na Pangalan ni Maria. |
KARIKTAN - Ang isang pangkalahatang pagtingin sa pagdiriwang ng Misa sa loob ng Basilika Minore. |
PANGANGARAL - Ang homilya ni ibinigay ni Rdo. Msgr. Andres Santos Valera, H.P., matalik na kaibigan ni P. Lina at kapwa paring anak-Hagonoy. |
KAPARIAN - Ang kapariang dumalo sa pagdiriwang kasama si P. Lina. |
PANAUHIN - Si P. Lina kasama ang ilang mga kamaga-anak at kaibigan matapos ang Banal na Misa. |
KASIYAHAN - Ang cake na inihanda para sa ika-25 anibersaryo sa pagkapari ni P. Lina sa Diocesan Pastoral Center. |
PASASALAMAT:
RDO. P. VICENTE BURAYAG LINA, JR.
Ika-25 Anibersaryo sa Pagkapari
(Bodas de Plata)
Ika-29 ng Oktubre, 2014
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
Sto. Niño, Hagonoy, Bulakan
(Bodas de Plata)
Ika-29 ng Oktubre, 2014
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
Sto. Niño, Hagonoy, Bulakan
Magandang umaga po sa
inyong lahat!
Salamat po sa plaque na ito
na aking natanggap, gawad ng aking mga kapatid na pari dito po sa
Hagonoy. Ang aking pagkapari ay utang na loob ko po sa Panginoon
Diyos, utang na loob po ng aking mga magulang, at utang na loob po
namin sa lahat ng mga kababayan naming taga-Hagonoy na nagdasal para
sa akin para ako'y maging pari.
Lagi nga pong paalala ng
ina kong yumao na laging magpapasalamat sa Diyos at huwag
kakalimuting umuwi sa Hagonoy dahil sa mga taga-Hagonoy dahil dito sa
Hagonoy nagsama-sama ang mga nanalangin upang ako ay maging pari.
Kaya naman po salamat po sa
inyong lahat at sisikapin ko po na laging makadalo sa mga
mahahalagang gampanin ng Simbahan po dito sa Hagonoy. Kahit po
lumubog ang Hagonoy lalangoy po ako para makapunta dito sa ating
bayan.
Salamat po!
Photography and Videography Acknowledgement:
Joan Larion | Derick L. Fabian
No comments:
Post a Comment