Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Friday, October 02, 2015

COMING SOON: 4TH ANNIVERSARY ISSUE: AWA AT MALASAKIT: Mga Karanasan ng Pagdalaw ng Santo Papa sa Pilipinas


Ika-1 ng Oktubre, 2015

Mga Butihing Mambabasa,

Lubos namin hinihingan ng tawad ang hindi paglabas ng Dambana at Pananampalataya: An Official Online Magazine of the Vicariate of St. Anne - Diocese of Malolos ng ika-14 nitong sipi para sa Taong 2015 na may temang "AWA AT MALASAKIT: Mga Karanasan sa Pagdalaw ng Santo Papa sa Pilpinas". Asahan po ninyo na ito'y mailalabas na ng pamunuan ng pahayagang ito sa buwan ng Oktubre 2015 kasama ang Special Issue ng pahayagan tungkol sa mga Anibersaryo sa Pagkapari sa Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc. 

Maraming salamat po!

Pagpalain kayo!

Ang Pamunuan
Dambana at Pananampalataya: 

An Official Online Magazine of the Vicariate of St. Anne - Diocese of Malolos

Saturday, January 03, 2015

DAMBANA AT PANANAMPALATAYA: An Official Online Magazine of the Vicariate of St. Anne-Diocese of Malolos (Whole Vol. 3/Vol. 1, Issue 3, December 2014)



An Official Online Magazine of the 
Vicariate of St. Anne - Diocese of Malolos

An online apostolate of the Catholic faithful of the
VICARIATE OF ST. ANNE, HAGONOY
(National Shrine of St. Anne [Sto. Niño, Hagonoy], Parish of Nuestra Señora del Santissimo Rosario [Sto. Rosario, Hagonoy], Parish of St. Helena the Empress [Sta. Elena, Hagonoy], Parish of St. John the Baptist [San Juan, Hagonoy], Parish of St. Anthony of Padua [Iba, Hagonoy], Parish of Ina ng Laging Saklolo [San Pedro, Hagonoy], Parish of St. Joseph the Worker 
[San Jose, Calumpit], Parish of St. James the Apostle [Poblacion, Paombong] and the Mission
Parish of Sta. Cruz [Sta. Cruz, Paombong].

in association with the
MSGR. JOSE B. AGUINALDO FOUNDATION, INC.
Bahay Pari, San Jose 3002 Bulacan

PUBLISHER
Vicariate of St. Anne, Hagonoy
Roman Catholic Diocese of Malolos
MODERATOR
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P., S.Th.D.
PUBLICATION AND RESEARCH DIRECTOR
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
ACTING PUBLICATION DIRECTOR 
(In-charge of 2014 Third Tri-annual)
Consolacion T. Faundo
EDITORIAL DIRECTOR
Jose Luis V. Carpio
ASSOCIATE EDITORS
Sem. Justine Cedric C. Espinosa
El Gideon G. Raymundo
EDITOR-AT-LARGE
Melwyn V. Francisco
SECTION EDITORS
KULTURA
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
TRIBUTES AND FEATURE:
Basilio R. Martin
OPINION
Marlon B. Santos
PHOTOGRAPHY AND VIDEOGRAPHY
Frederick L. Fabian
Jun R. Acuña
Ronald Aron O. Perez
Ma. Theresa G. Perona
Ronnel B. Perez
John Andrew C. Libao
El Gideon G. Raymundo
Ulysses Ernesto F. Reyes
Ronald M. Santos
Marvin M. Magbitang
Lulot S. Ruiz
Gabriel P. Sebastian
John Martin Nabong
Paul John R. Palumbarit
Legion of Mary: Hagonoy Comitium
LITERARY
Consolacion T. Faundo
CONTRIBUTORS
Virginia B. Martinez, Jose U. Santos, Rufino R. Coronel,
Artemio G. Vivar, Felix C. Raymundo, Gabriel R. Morales,
Priscilla D. Imbang, Sherwin M. Antaran, Teresita S. Balatbat,
Teresita R. Calayag, Dolores Mangahas-Cruz, Jose Luis V. Carpio,
Joseph L. Eligio, Ma. Theresa G. Perona, Ronnel B. Perez
Ronald Aron O. Perez, Marbert M. Canilang,  
Ivea P. Domingo, Marvin M. Magbitang, Charles Lyndon d.G. Perez,
Jun R. Acuña, Rosale C. San Juan, Aurelia d.A. de Guzman,
Ulysses Ernesto F. Reyes, Clarisee Gail S. Salamat, Angelika Anne d.G. Tanjuan,
Arvin Kim M. Lopez, Mark Die M. Atienza
COVER DESIGN AND LAYOUT
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Arvin Kim M. Lopez
El Gideon G. Raymundo
Ulysses Ernesto F. Reyes
PRODUCTION CONSULTANTS
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P.
Rev. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C.
Rev. Fr. Menald d.L. Leonardo

ALL RIGHTS RESERVED 2014
Dambana at Pananampalataya
An Official Online Magazine of the 
Vicariate of St. Anne - Diocese of Malolos
www.dambana.blogspot.com

Dambana at Pananampalataya: An Official Online Magazine of the Vicariate of St. Anne - Diocese of Malolos is a tri-annual electronic magazine operated by the Commission on Social Communications-Vicariate of St. Anne which aims at providing quality information, trivia, facts and discussion on the different traditions, practices and teachings of the Catholic faithful of the town and vicariate of Hagonoy, Bulacan to know of the significance of these to their living and faith. This organ serves as an independent organization from the parishes yet works for the preservation of the Catholic cultural heritage of the town and vicariate contained within the parochial communities.

About the Cover Page - The Year of the Laity Issue covers different elements that convey the variety of the laity in the Church in the country, especially in the Vicariate of St. Anne. On the colored cubes above, the different Church organizations are presented. Also below is the word LAYKO with the images of lay people from the Vicariate of St. Anne presenting their devotion to the patroness of the vicariate, St. Anne during the "pahalik" or kissing of the saint's image, the dancing during the "Vesperas Mayores" and also an image of a lay catechist during the procession of the image of St. Pedro Calungsod. Below the word LAYKO is the subtitle for the theme, which is a presentation of the different organizations in the Vicariate of St. Anne.

MESSAGE | MENSAHE:

Mensahe mula sa Moderator
Ang Layko at ang kanilang Misyon sa Santa Iglesiya
Rdo. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P., S.Th.D.


Mensahe mula sa Vicarial Social Communications Director
Ang Layko sa Simbahang Napapahayag
Rdo. P. Menald d.L. Leonardo


Mensahe mula sa Editorial Director
Layko: Tinawag na maging Banal at Bayani
Jose Luis V. Carpio


Message mula sa Acting Publication Director
Layko: Pinagpalang Kalipunan
Consolacion T. Faundo


PANIMULANG BAHAGI:

Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Research Director

Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Research Director


MGA SAMAHANG KINIKILALA:

Virginia B. Martinez
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana


Jose U. Santos
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana


Rufino R. Coronel
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana


Artemio G. Vivar at Felix C. Raymundo
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana


Gabriel R. Morales
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana

Sherwin M. Antaran
Parokya ni San Juan Bautista 


Teresita S. Balatbat
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana


Priscilla D. Imbang
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana

MGA SAMAHANG PAMPAROKYA:


Dolores Mangahas-Cruz
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana

Ma. Theresa G. Perona
Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario

Teresita R. Calayag
Parokya ni Santiago Apostol

Marbert M. Canilang
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz

Jose Luis V. Carpio
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana

Ronnel B. Perez
Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario

Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana

Ronald Aron O. Perez
Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario


MGA SAMAHANG PROGRAMA:


Charles Lyndon d.G. Perez
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz

Marvin M. Magbitang
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz


MGA SAMAHANG KILUSAN:


Charles Lyndon d.G. Perez
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz

Jun R. Acuña
Parokya ng Ina ng Laging Saklolo


MGA MINISTERYO


Rosalie C. San Juan
Parokyang Misyon ng Sta. Cruz

Aurelia d.A. de Guzman
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana

Mark Die M. Atienza
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz

Arvin Kim M. Lopez, Ulysses Ernesto F. Reyes, Clarisse Gail S. Salamat
at Angelika Anne d.G. Tanjuan
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana


MGA SANGGUNIANG TANGING-URI:

Rosalie C. San Juan
Parokyang Misyon ng Sta. Cruz

Rosalie C. San Juan
Parokyang Misyon ng Sta. Cruz

MESSAGE/ MENSAHE:

Ang Layko at ang kanilang Misyon sa Santa Iglesiya

   Para sa ating pagdiriwang sa 2021 ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa ating kapuluan, kailangang-kailangan natin ang puspusang pagsasagawa ng Panibagong Ebanghelisasyon, kaipala ng bagong pagpapahayag at pagsasabuhay ng Ebanghelyo ng Panginoong Jesu-Kristo, upang may maangkin man lamang tayong bunga ng Kristiyanisasyon nating mga Pilipino. Nagtalaga ang ating mga obispo ng siyam na taong paghahanda para dito, kung saan bawat taon sa nobenaryo ay mayroong takdang paksain. Ang unang taon (2013) ay Taon ng Pananampalataya, at ang ikalawa nga (2014) ay Taon ng mga Layko.

   Ang Layko ay ang mga Katolikong binyagan na kabahagi sa buhay at misyon ng Santa Iglesya. Katulad din ng mga obispo at pari, ang laiko sa kapangyarihan ng Espiritu Santo ay kaisa ni Kristo bilang propetang guro, pari at lingkod. Ang katangi-tanging gampanin ng mga laiko ay ang pagbabago at kabanalan ng mundo, una’t higit sa pamilya at sa anumang propesyon at gawain sa lipunan. Sa Santa Iglesya ang mga laiko ay kamangha-mangha sa kanilang mga paglilingkod bilang mga laykong ministro, mga lektor, mga kantor at mga katekista.

   Kung ang karamihan, hindi man ang lahat, ng mga laikong Filipino ay tutupad sa kanilang gampanin bilang mga alagad ni Kristo, anong sigla ng ating sambayanang Kristiyano at anong laking pagbabago sa ating lipunan! Ang mga layko bilang “asin ng lupa at ilaw ng daigdig” ay walang kapalit. Ang mga kabataang laiko laluna ang mahigpit na kinakailangan ngayon ng Inang Iglesya dito sa ating bansa.

Sana sa pagpapala ng Diyos angkinin ng mga Pilipinong Katolikong layko ang kanilang wastong lugar at tungkulin sa buhay at misyon ng Santa Iglesya!




Ang Layko sa Simbahang Nagpapahayag

   Ang aking pagbati sa bumubuo ng DAMBANA AT PANANAMPALATAYA sa pagsusumikap ninyo na maparating ang mahahalagang impormasyon sa ating mga kabikarya ng Hagonoy. Isang malaking hamon sa atin ang makabagong panahon kung paano tayo magiging instrumento ng pagpapahayag. Gampanin ng Simbahan ang magpahayag. Sa taong ito pinapahalagahan ng Inang Simbahan ang gampaning ito hindi lamang ng mga inordenahan kundi pati na rin sa mga layko.

   Marami ang kayang ibahagi ng mga layko sa pagbuo at pagpapanatili ng Simbahan. Mula sa mga kaloob ng Espiritu Santo, ang gampanin at tungkulin ng mga layko para sa Simbahan ay patuloy na pinagtitibay. Kaya naman isang pagbubukas sa kamalayan ng marami ang natatanging paglabas ng paksang LAYKO: Isang Pagkilala sa mga Samahang Pansimbahan sa BIkarya ni Sta. Ana sa babasahing ito na naglalayon na ipakilala ang malaking gampanin ng mga layko bilang mahalagang bahagi ng Simbahang itinatag ng ating Panginoong Jesus.

   Sa pamamagitan ng lathalaing ito mapalawig nawa ang pagpapahayag ng kaalaman. Magpatuloy nawa kyo sa inyong mga nasimulan at ang tagumpay ay lagi ninyong makamtan.

   Pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal sa magandang adhikain ninyong ito.



Layko: Tinawag na maging Banal at Bayani

   Bilang pagtatapos ng Taon ng mga Layko, ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang layko? Ang layko ay tumutukoy sa isang taong tumanggap at nakibahagi sa pagiging pari ni Kristo sa Sakramento ng Binyag o “Common Priesthood” sa wikang Ingles, lingid sa kaalaman natin na noong si Kristo ay bago umakyat sa langit, Siya ay nagbilin sa atin na lahat ng Kanyang nasimulan ay ipagpatuloy natin, bilang isang binyagang Kristiyano o isang layko, iniatang niya sa atin ang isang responsibilidad na magpahayag ng Mabuting Balita sa lahat ng mga bansa.

   Kaya’t sa pamamgitan ng paglalathala ng isyung ito, halina at kilalanin natin ang mga samahan at kilusang Pang-Simbahan na nakaayon sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita na binubuo ng mga layko at damahin natin ang ating ambag sa pagsasabuhay ng ating pananampalataya na ang pinaka rurok ay ang walang hanggang pagpupuri at pasasalamat sa Diyos, na siyang nagtiwala at nagkaloob sa atin ng mga aral na siyang susundan natin para tayo ay maka sunod sa kanyang kalooban.

   Kaisa ninyo sa paglilingkod,


Layko: Pinagpalang Kalipunan

   Ang LAYKO sa kasalukuyang panahon ay mga apostol na binigyan ng tungkulin at biyayang magpalaganap ng Mabuting Balita ng kaligtasan.

   Ikaw, ako, tayong mga mananampalatayang bayan ng Diyos, ay layko, na sa bisa ng Sakramento ng Binyag, ay naka-isa ni Kristo sa Kanyang misyon, bilang Hari, Pari, at Propeta, sa tanging gampanin, hindi lamang bilang bahagi ng Inang Simbahan, kundi, bilang simbahan mismo, sa sari-sarili nating katauhan, kakanyahan, at karisma.

   Tungkulin nating makilahok sa nga gawaing pansimbahan, na magpapakilala kay Kristo, at sa gayo’y maihatid ang banal na mensahe ng kaligtasan.

   Sa maraming aspeto ng apostolado ng pari, ang layko ay laging kaalakbay sa paglilingkod sa pamayanang Kristiyano; at samantalang tinutupad ang tungkuling pagpalaganap ng Mabuting Balita, ito’y kanilang isinasabuhay, upang masalamin sa kanila ang pagtitiwala sa pangakong kaligtasan ng Panginoon.

   Subali’t hindi sa puntong ito lamang natatapos ang obligasyon ng layko. Hamon ngayon ng Inang Simbahan, na ang layko ay hindi lamang maging banal, bagkus, maging bayani man din; bayaning handing ipaglaban at panatilihin ang kabanalan sa gitna ng mga paghamon at tuksong naglipana, na sukat maglalayo sa kanya sa Panginoon.

   Sa pagsasabuhay ng ipinalalaganap na Salita ng Diyos, alalahanin natin, sa lahat ng pagkakataon ay kapiling natin ang Panginoon; at ito’y dapat madama ng bawa’t isang ating nakakasalamuha.

   Ang pagiging layko ay isang bokasyon, isang apostolado, at higit sa lahat, isang natatanging pribilehiyo at biyayang kaloob ng Poong Maykapal.


   Kaya’t ang layko ay maituturing na pinagpalang kalipunan.


Page 1 of 5
Please press Older Posts for Page 2.