MESSAGE IN ENGLISH:
I am honored to announce that on the 26th of March of this year, the administrators and staff of Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines will be launching its FIRST QUARTERLY EDITION as part of the decision made during the FIRST GENERAL MEETING held at the National Shrine of St. Anne, Hagonoy, Bulacan, Philippines.
The upcoming issue will feature the role of Hagonoy as a town and vicariate for the Golden Jubilee (50th Anniversary) of the foundation of the Roman Catholic Diocese of Malolos (1962-2012). Further, it will also concern the announcement of the National Shrine of St. Anne as a Diocesan Jubilee Church for this year. With this also is the launching of the new section for the publication, Bayang Levtico (Eng. "Levtical Town") which will concern the lives of four priest-sons of Hagonoy who shared their experiences via. interviews. Another thing as well would be the 70th birth anniversary of one of the greatest sons of Hagonoy, who is also the Moderator of this publication, Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr.
Thank you very much for your support for our publication. We hope to post to the public the new edition of Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines. A peaceful greeting to all of you!
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Administrator and Editor-in-Chief
MENSAHE SA FILIPINO:
Karangalan para sa akin na ipahayag na sa ika-26 ng Marso ng taong ito, ilalabas ng mga tagapangasiwa at mga bumubuo sa Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines ang UNANG QUARTERLY EDITION nito na ginawa ayon sa desisyon noong naganap na UNANG PANGKALAHATANG PAGTITIPON na ginawa sa Pambansang Dambana ni Sta. Ana sa Hagonoy, Bulakan sa Pilipinas.
Itatampok ng paparating na bahaging ito ang kinalaman ng Hagonoy bilang isang bayan at bikarya sa pagdiriwang ng Dakilang Jubileo (ika-50 anibersaryo) ng pagkakatatag ng Diyosesis ng Malolos (1962-2012). Bukod dito, ihahayag din dito ang desisyon na gawing Diocesan Jubilee Church ang Pambansang Dambana ni Sta. Ana ngayong taon. Kasama din nito ang paglabas ng bagong bahagi ng pahayagang ito ang Bayang Levitico na ukol sa mga buhay ng apat na pari ng Hagonoy na nagbahagi ng kanilang mga naranasan sa pamamagitan ng mga pakikipanayam. Isa pang magandang antabayanan dito ay ang pagdiriwang ng ika-70 taon ng buhay ng isa sa mga dakilang anak ng Hagonoy at siyang isa pang nangangasiwa sa pahayagang ito, si Rdo. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr.
Maraming salamat po muli sa inyong suporta para sa pahayagang ito. Umaasa kami na mailalabas sa madla ang bagong edisyon ng Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines. Isang pagpapala ng kapayapaan para sa inyong lahat!
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Tagapangasiwa at Patnugot
No comments:
Post a Comment