Pages

Monday, October 28, 2013

LITANYA NG MAHAL NA BIRHEN: IANUA COELI (Pinto ng Langit)

Nuestra Señora de Consolacion y Correa
G. Amador P. Reyes

Ianua Coeli

Si Jacob ay nanaginip at nakita’y “isang Hagdan, na sa Langit nakasandal at sa lupa nakhapay;”ang anghel ay bumababa’t umaakyat sa hagdanan, samantalang sa itaas ay nagusap ang Maykapal: “sa lahi mo’y liligaya’t mapalad na itatanghal ang lahat ng mga lipi sa laot ng daigdig”; nang nagising ay sinabi ni Jakob na “nuong banal”: “ITO’Y BAHAY nga ng DIYOS at PINTO NG KALANGITAN.”

---o0o---

Sa Birhen ko natutupad ang pangarap na nakita, pagkat lahat sa daigdig ay mapalad kay Maria; ang lahat ng mga bansa’y naligtas at lumigaya, pagsilang ng Manunubos sa mapalad nating Ina; kaya’t pinto Ka ng Langit, O mabunyi naming Reyna, dahilan sa Iyong Anak ay may Langit ng pagasa; sa Iyo po kumakaoit yaring aming kaluluwa sa hangad na makapasok sa Langit ng pagsasaya.

---o0o---

Ang pintuang daraanan pagsampa sa mga Langit ay ang Birheng Ina nating dalanginangsakdal dikit; ang sinumang sa Birhen ta’y mamintuho at umibig, maaakyat sa ligayang walang hangga’t kahulilip; siya yaong ingat-yaman ng biyaya at tangkilik, taga-abot ni Bathala sa nilikhang humihikbik; kaya siya ang pintuan, kung sa langit ay papanhik, yaman siya ang nagdala sa kay Jesus sa daigdig.

---o0o---

Ang pinto ng kalangitan ay ang pintong pinasukan ng Hari ng mga Langit at Hari ng santinakpan; si Maria na kay Jesus nagdala sa Kanyang tiyan ay Pinto ng Mananakop na sa Hari’y inilaan; bago siya ay manganak at nang Siya ay magsilangat nuon mang nanganganak, Birhen Siyang madalisay; iya’y Inang mahiwaga, pagka’t Anak niyang tunay ng Anak ng Diyos Amang Panginoon at Maykapal.

---o0o---

Kay ligaya at kay palad ng pintuang naging hirang, si Mariang punong-puno ng biyayang kumikinang; bukod siyang pinagpala sa lahat ng sang-nilalang, pagkat siya yaong Ina na walang maka-kapantay; papaano’y siya lamang ang nagkamit-kapalaran na kay Jesus ay magluwal sa nasawing daigdigan; siya yaong sa Dios Anak na Anak ng Amang Banal ay INANG maka-tatawag na “Anak nga niyang tunay.”

---o0o---

Mapalad nga itong Birhen na sa VERBO ay nagiwi, na ang tuwa’y sunding lagi ang nais ng Poong kasi; langit niya ang tumulong maligtas ang mundong imbi, upang lahat ay mapasok sa l’walhating makawili; siya’y Pinto ng liwanag na ang sinag niyang iwi ay biyayang umaakay sa Langit ng pagpupuri; ang glorya at l’walhating nais nitong pusong api ay sa Birheng Ina natin malalasap na parati.

---o0o---

Siya’y pintong nakabukas sa ligaya nitong Langit na “hindi pa nadarama’t nakikita sa daigdig,”kaya tayo ay dumulog sa birhen kong makalangit na pinto ng kalangitang may ligaya at pagibig; kay Maria ang luwalhati’y mapapasok nating pilit at doon ay sasambahin ang Maykapal na marikit; maglingkod at manilbihan sa PINTO ng mga Langit at doon ka mahahantong sa Ligayang ninanais.

No comments:

Post a Comment