Pages

Monday, October 28, 2013

LITANYA NG MAHAL NA BIRHEN: FOEDERIS ARCA (Kaban ng Tipan)

Nuestra Señora de Peñafrancia de Naga
Rep. Catherine Barcelona-Reyes

Foederis Arca

Sa santwaryo ng simbahan ay may lugar na sagrado at doon ay merong KABANG napupuno ng misteryo; kahon yaon ng akasyang di-mabubulok dikuno, gintong lantay ang kaluplup sa paligid na “adorno”; may sisidlang gintong-ginto sa loob ng kabang ito, na ang lama’y MANA. TUNGKOD at Dal’wang Pirasong bato; sa itaas may Kerubing lumulukob pa sa trono, yao’y KABAN NG TIPAN ng Diyos sa madlang tao!

---o0o---

Yaong BATO”Y sampung UTOS na kay Moyses iniyabot, na tagapag-pagunita ng BATAS na Poong Diyos; tumipan po si Bathalang siya’y lagging mag-kukupkop, kung ang tao ay tutupad sa Banal na mga Utos; iyong MANA ay pagkaing sa Langit ay inihulog, na sa bayan ng Israel ilang taong itinustos; ang TUNGKOD ay kay Aaron na kapangyarihang lubos, ginagalang ng balana’t sinusunod niyong sakop.

---o0o---

Ang kaban ng kasunduan nitong Diyos at ng tao, walang iba kundi itong birheng Maria na Birhen ko; hindi siya mabubulok na tulad ng mundong ito, pagkat wala siyang sala at malinis na totoo; ang ginto ng kabanala’y ang putong sa kayang noo at yaman ng mga langiy\t sa kanya ay nanagano; kaya siya yaong Kaban ng Tipan ng buong mundo, na ang iwi’y kayamanan nitong buong TESTAMENTO.

---o0o---

Itong Birheng Ina ng Dios ay ang Kaban na nagtaglay, di lamang sa sampung Utos kundi sa Dios na nagbigay; siya yaong deposito ng pagibig ng Maykapal, na ang ibig itong tao’y maligtas saz walang hanggan; dugo’t laman ni Maria kay Jesus ay ibinigay, na ngayon ay MANANG BUHAY sa piging ng kalangitan; at si Jesus na sa ngayo’y TINAPAY NG KABUHAYAN, kalarawan ni Aaron, na Pari ng Bagong Tipan.

 ---o0o---

Ang kaban ng kasunduan sa Israel ay dakila, katulad ng Birheng Inang sa mundoy kahangahanga; kay Maria itong Diyos, nanaog at nagdalita upang ang sangkatauha’y sakupin at idambana; pumiling sa mga tao, nangusap, nagpakababa, katulong ng kanyang Inang sa Krus ay nagpaka-dusta; kaya itong Birheng Maria’y kaugnay ng mundong aba, na saksi sa pagpapala ng pangako ni Bathala.

---o0o---

Bawat isang Katoliko’y naging KABAN din ng tipan, nang ang Binyag ay tanggapi’t naging anak ng Maykapal; inyabot ang Sampung Utos na kung ating magampanan, pinangako Niyang Langit ng ligayang walang humpay; so komunyon dulot Niya’y “MANANG” tunay niyang laman, na sa Langit ay nagbuhat at sa Birhe’y isinilang; sa gayon nga tayo’y naging “lahing pilit baying hirang”, na kabuklod nitong Kristong sa Misa ay tanging alay.

---o0o---


Ang debosyon kay Maria’y may gayumang masanghaya, nagaakay sa pagtupad ng LOOBIN ni Bathala; ang sinumang kay Maria’y naglilingkod na payapa, mapilit na sa kay Jesus ay sisintang walang sawa; samantalang ang sa KABAN NG TIPAN at magtatuwa, masasdlak sa parusa’t kasawiang ubod-sama; kaya, kayo mga piling mambabasang minumutya, sa Birheng KABAN NG TIPAN ay pilit mangayupapa!

No comments:

Post a Comment