Pages

Monday, October 28, 2013

LITANYA NG MAHAL NA BIRHEN: DOMUS AUREA (Bahay na Ginto)

Nuestra Señora de Loreto
Joseph L. Eligio

Domus Aurea

Ang GINTO ay kayamanang ang uri ay ubod-taas na sa templo at palasyo’y palamuti ng ma-pilak; nang mawasak yaong Roma at itayo ang siyudad, si Neron ay nagpagawa ng palasyong “maka-pitlag”; ang dingding at ang kesame’y “gintong lantay na makisap,” kaya’t DOMUS AUREA ang doon ay itinawag; nang ang tao’y nagkasala at ang mundo ay nawasak, isang BAHAY NA GINTO rin ang ginawa ng 
Mesiyas.

---o0o---

Ang Hari ng sandaigdig at Mesiyas nitong mundo, hinirang ang Birhen Maria na tirahan at palasyo; siam na buwang dala-dala ng animo ay sagraryo si Jesus na sintang Anak na Diyos na naging Tao; puro ginto ng biyaya ang sangkap ng Birheng ito at ginto ng kabanalang “naging tampok na misteryo”; isang BAHAY na GINTO nga ng pagibig nitong Kristo, na dahilan sa PAGSAKOP ay namatay sa Kalbaryo.

---o0o---

Ang Langit ay puro ginto na bayan ng kasayahan,” sangayon sa pangitain ng Banal na si San Juan; ang kalye daw at lansangan ay yari sa gintong lantay, na animo ay salaaming kumikislap kung pagmasdan; ang Templo ng Herusalem sag into rin napa-tanghal, lahat doon pati altar ay ballot ng gintong mahal; kaya ang Diyos nang magtayo ng BAHAY na titirahan, GINTONG MANDING MAHARLIKA ang sa Birhe'y tinangkakal.

---o0o---

Kung sa bagay, hindi gintong nagagasta ang kaloob, na sa Birheng Ina nati’y kayamanang napa-tampok; siya’y templo at palasyong buhay nitong Poong Hesus, kayat higit pa sag into yaong yamang iniyangkop; ang ginto ng pagmamahal ang sa Birhe’y isinuob, kaya siya’y nadakila na Reyna na sansinukob; bawa’t grasya’t kabanala’y binigay ang Amang Diyos, dilang buti’t kabaita’y nagningning sa puso’t loob!

---o0o---


Bahay na Ginto si Maria na puno ng mga ginto ng banal na pagpapalang umagos sa kanyang puso; yaong grasyang parang ilog na kay Jesus ay tumulo, sa palad ng Inang Birhe’y makakamit na masuyo; kaya ditto tayo sana’y lumuhod ng buong amo at animo sa simbahan ay magdasal at manuyo: alam mo ba? Kay Maria’y makakamtan nating lalo ang hinakdal na taimtim nitong ating sawing puso.

---o0o---

Sa daigdig itong tao sa ginto ay namamatay, gabi’t araw nagpupuyat upang yaman ay makamal; kahiy puri’t kaluluwa’y ibebenta kaninuman, kumita lang salaping may kislap na sumisilaw; itong ginto’y may halaga kung tulong sa kaligtasan, Sa taginting ng salapi’y huwag kayong patatangay, pagkat merong gintong higit sa salaping kumikinang.

---o0o---

Ang ginto ng kabanalan at ng banal na pagibig ay higit sa isang bundok ng ginto mang mapang-akit; mahangay ang isang dukhang banal yaring puso’t isip kayas taong milyonaryong walang puso’t walang bait; bawat tao’y GINTONG BAHAY na may ginto ng pagibig, na dapat na ipaglingkod sa Maykapal na kay bait; sa BIRHENG DOMUS AURES tayo’y lagging patangkilik at ginto ng mga ginto’y sa langit ay makakamit!.

No comments:

Post a Comment