Pages

Monday, October 28, 2013

LITANYA NG MAHAL NA BIRHEN: TURRIS EBURNEA (Toreng Garing)

Nuestra Señora de Fatima
Turris Eburnea
Sa palalong paghahangad na ang Langit ay abutin, nagtayo ang mga tao nang “bantog na TORENG BABEL”; ngunit sila ay binigo sa mayabang na layunin, wika nila ay ginulo’t iniba ng Diyos natin; ngunit ang Dios ay nagtayo ng “magandang TORENG GARING,” na sa Langit umaabot, at ito ay yaong BIRHEN; ito’y Toreng sakdal tayog, sakdal gandang Toreng garing, na puno ng kayamanan ng Langit na nagniningning!

---o0o---

Ang ganda at kayamanan at ang tayog nitong TORE ay sagisag sa larawan at MAPALAD NA BABAE; ang garing na kumikisap sa kulay na putting iwi ay katulad ni Marian gang “ganda’y kawili-wili”; Arkitekto nito’y Diyos na dunong ang ikinasi at pagibig ang sinangkap, nang itayo itong TORE; sa banal na kagandaha’y walang pintas na masabi sa Birhen na Toreng Garing na kay dikit at kay buti!

---o0o---

Ang garing ay ubod-tigas na para bang isang bakal, di-mabulok ng panahong mapa-ulan, mapa-araw; gayundin po si Mariang di-mabago ang kariktan, di-matinag ang ugali at banal na kalooban; sa lungkot man o pagkat’wa iwi niya’y kabaitan, wala ka pong masisilip katoiting mang kapintasan; hindi siya nababagong “alipin ng Kalangitan”, na ang tuwa ay tuparin ang nasa ng Poong mahal.
---o0o---
Ang TORE ay matatayog, sa gusali’y naka-lampas, at doon ay matatanaw ang paligid na mahawas; dahilan sa misyon nitong Birheng Inang ubod-taas, sa lahat ng mga Santo at Anghel ay Siya’y lampas; sa paligid niya’y ating makikita’t mababakas ang pagibig at ang dunong ng Diyos na mapagliyag; sa Toreng garing nating ito’y namahay ang Diyos Anak at sa mundo ay nagbatang isang JESUS NA MESIYAS!

---o0o---

Ang katipan ng Mesiyas na Hari pong Mananakop, naghihintay sa kasuyo ng Garing na Toreng bantog; Masaya ang mga langit, ang pagka’tway di-masayod, nang sa Tore na ginaring naging tao iting Jesus; sa puso ng Birheng Ina ang awit ng pagkalugod ay awit ng pagmamahal sa VERBO ng Amang Diyos: ang Awit ng Magnificant na kay timyas at 
mairog, nagmula sa toreng yaong pang-aliw sa sansinukob.

---o0o---

TORENG GARING, Ikaw Ina, matayog at maharlika, may simpan kang mga gusi na dukalan ng biyaya; palasyo kang lantay-garing ang sangkap ng iyong diwa, mga hiyas ng kariktan ng banal Mong mga gawa; itinanggi ko pong Reyna na sa Langit at sa Lupa, ang trono mo’y ang luklukang lubhang banal at dakila; kasama Mo kaming lahat nagmumuni sa hiwaga ng buhay mong pinagsidlan ng san-laksang pagpapala!

No comments:

Post a Comment