Pages

Monday, October 28, 2013

LITANYA NG MAHAL NA BIRHEN: VIRGO CLEMENS (Birheng Maawain)

Nuestra Señora de Amargura
G. Franz Ramirez
Virgo Clemens
Ang lakas ng Birhen Maria ay puno ng pagka-awa at habag sa mga taong humihingi ng kalinga; sapagkat ang kanyang puso’y pusong-inang madakila; matangkilik sa anak na nagsasalat at kawawa; ang lakas na kanyang iwis a habag ay walang sawa, natutuwa na maglingkod at tumulong sa kapuwa; kaya Siya’y VIRGO CLEMENS, maawain Siyang lubha, bawat saglit sasaklolo na Birhen na Madlang-Awa.

---o0o---

Ang diwa ng paglilingkod ng “malakas nating Birhen” ay habag at pagka-awang sa tao ay walang maliw; sa sinumang nalulumbay ambag niya’y tuwa’t aliw sa may-sala ay patawad ang kaloob na magiliw; at sa dukhang may dalita alok Niya ay pagiliw at lunas sa mga pusong may dusa at suliranin; papaano’y Ina Siya na “awa po ang damdamin” at tibok ng Kanyang puso’y pusong-inang maawain.

---o0o---

Ang awa ng Diyos – Ama sa puso ng Birheng mahal, umagos na parang batis na ang dalo’y walang humpay; nang sa Belen ay isilang ang Anak na walang-hanggan ang awa ng kanayang puso’y nakamatan ng daigdigan; at sa dibdib niyang angkin ang tibok na gumagalaw ay Puso ng Kanyang Anak na si Jesus nating mahal: kaya itong Birheng Ina ay tampok ng kaawaan, Mater misericordiae, -- ang tumpak po Niyang Ngalan.

---o0o---

Ang Puso ng Mutyang Jesus at ng Birheng ubod-tamis ay iisa ang damdaming tumitibok sa pag-ibig; si Jesus ang pastol nating “bawat tupang nawawaglit, hinahanap, kung makita’y pinapasan, . . binabalik; Magdalena’y pinatawad, pinagaling ang maysakit, binuhay ang mga patay at sinakop ang daigdig: kaya itong Birheng Ina ay gayon ding kasing-bait, ang hari sa kanyang puso’y pagka-awa at pagibig!”

---o0o---

Bawat dugo na pumapatak sa sagutang Manunubos, bawat latay ng pamalong nabakas sa Mananakop; bawat pakong naglampasan sa palad ng Poong Jesus ay tanda ng awa’t habag na sa tao’y inilimos; bawat sugat naming yaon ay balaraw na naturok sa puso ng Inang Birheng “ang awa ay walang utos;” kaya Siya’y mahabaging ang lahat ay ihahandog, buhay man ay ibibigay, tao lamang ay matubos.

---o0o---

Ang lahat ng mga gawa nitong Birheng Inang mahal ay lubhang kahanga-hanga na tampok ng katangian; ngunit higit sa ibabaw ng dakila niyang yaman ay ang “awing ubod-tamis”, hiwaga ng kanyang buhay; kaya, ikaw na katoto, kahit dibdib mo’y mawindang at mawasak nag puso mong nalipos ng kasawian; dumulog ka kay Maria, magtiwalang matiwasay at ang awa nitong Ina’y magagamit mong timbulan.

---o0o---

Ang puso ng Inang Birhen sa “habag ay isang mina,” sa hamak na sawimpalad nagdududlot nang pagasa; sa maysakit, kagalingan,patawad sa nagkasala, sa bilanggo ay paglaya at sa banat nama’y grasya; parang araw na sa lahat tumatanglaw siyang Ina, nagaakay sa balana’t nagbibigay nang ginhawa; papaano’y Ina Siyang maawain sa tuwina, hindi kayang masawata ang tulong sa kaluluwa.

---o0o---

Virgo Clemens, kahit yaong sawing ama at salarin, mayroon ding karapatang ang awa mo ay sambitin; maging yaong kulang-palad na tapon nang itinuring, may-pagasang makabangon sa awa mo, Inang Birhen; Kaya itong mundo naming nagkasala’t kabilanin, KAYO lamang ang pagasang magliligtas pos a dilim: Kayo po ang kaligtasan, mutya naming VIRGO CLEMENS, ang timbulan naming lagi’y ang PUSO MONG MAAWAIN!

No comments:

Post a Comment